[Arc 1] Ch-15: Information and Knowledge

798 84 4
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Wala na ako'ng pagpipilian kung hindi kargahin si Ugino sa isa sa mga bakanteng kuwarto sa mansiyon ni Elder. Kinarga ko siya saaking likod, inaakala ko na mabigat si Ugino dahil sakanyang malakas na pangangatawan ngunit nagulat ako dahil napakagaan niya lang. Inutusan ako ni Elder na ihiga si Ugino sa malambot na higaan para makapagpahinga ito ng komportable. Habang karga-karga ko si Ugino, sumusunod saaking likod ang ispirito nito na may hawak na krus na pana.

" Hoy..Sabihin mo!! Sinasadya mo ba'ng talunin si Ugino sa kalagayan na ito upang makarga siya at maramdaman ang kanyang maliit na dibdib!" wika ng Warring Spirit.

" Hi-Hindi!!!! Ano ba yang iniisip mo!" nabigla ako sa sinabi ng Warring Spirit at nagulat ako sa biglaang pagsasalita nito saakin.

" Hehehe! Anyway! ako nga pala si 'Wix' Isang HIgher Spirit/ Warring Spirit!" pagpapakilala saakin nito. Kakaiba ang itsura ni Wix, ngunit natural lang ito sa mga Warring Spirit dahil sabi sa alamat ay sila ang kumakatawan sa pagnanasa ng bawat nilalang na labanan ang malupit na sasapitin ng mga mahihinang nilalang sa mundo. Kaya sila nalikha ay para gabayan ang mga nilalang na nagnanais lumaban sa buhay. Pero ngayon lang ako'ng nakakakita ng Warring Spirit na gumagamit ng espesiyal na sandata. Bukod sa pagbibigay ng hindi pangkaraniwang lakas sa kakontrata nito, nagagawa niya ding makatulong sa laban gamit ang kanyang crossbow na kasing lakas ng isang buong lakas ng pangkaraniwang Wolfkin.

" Anyway! Urfang diba ang pangalan mo? sabihin mo kung bakit mo ginamit ang iyong imahinasiyon para lumikha ng isang kasuklamsuklam na nilalang"

" Ang tinutukoy mo ba ay ang Death Breeder? Kung oo ay nagkakamali ka, Kung maaari ko lang sanang ulitin ang pagpili ay malamang pinalitan kuna ang kadiring kapangyarihan na ito" Tugon ko sakanya. Mukhang naiintindihan ni Wix ang tungkol saaking sagradong sining dahil hindi siya nagpapakita ng takot tungkol dito, alam niya na isa lamang itong mababang imitasiyon ng tunay na kalaban ng mga Celestial Spirits.

" Napakadelikado ng kapangyarihan na pumasok sa imahinasiyon mo, Nagawang simutin ng Death Breeder ang napakatindi at napakaraming Spiritual Force sa katawan ni Ugino kaya't nagkaganyan siya...Para ba'ng tunay ang itim na likido" Wika ni Wix. Hindi kunalang inintindi ang kanyang mga babala at pagpapalalim saaking kapangyarihan at sa oras na makarating na kami sa kuwarto. Ibinaba ko siya sa kama at pinahiga dito. Sa oras na italikod ko na ang aking katawan. Nakarinig ako ng paghiwa ng matulis na bagay sa hangin saaking likuran at pamilyar saakin ito kaya't humakbang ako patagilid upang iwasan ang kutsilyo na lumipad papunta sa direksiyon ng aking ulo.

Tila bumaon ang kalahati ng katawan kutsilyo sa dingding sa lakas ng sigaw nito. Lumingon ako saaking likuran at nakita si Ugino na nakapikit ang mga mata ngunit naka porma ang kanyang kanang braso at kamay na para ba'ng may binato ito. Hanggang sa panaginip mo ba naman ay sinusubukan mo ako'ng patayin? Sa pagiingat lumabas ako sa kuwarto ng paatras ang aking paglalakad upang bantayan kung biglang aatake ito. Pero wala ng sumunod sa atakeng ito at ligtas at walang galos ako'ng nakaalis dito.

Matapos ko dalhin si Ugino sa kuwarto pumunta na ako sa napakalaking sala ni Elder upang sundan siya sakanyang silid aklatan. Malaki ang risk na maaaring maligaw ako sa oras magbida ako at mag-isa ko'ng hanapin ito. Nangpababa na ako ng hagdan. Nakarinig ako ng matinding sermon na nanggagaling sa baba sa boses ni Elder.

" Hindi ako makapaniwala na hinayaan niyong umabot ang laban niyo ng ilang Oras!,

ang isa ay may mana deficiency habang ang isa ay nagtamo ng sandamakmak na pisikal na pinsala! "

" Pero! Elder! kinakailangan talaga-"

Nahinto ang pagsabat ni Zeer dahil sa masamang tingin sakanya ni Elder at nagpatuloy nalang sa pagpasok habang parehong akay-akay niya ang dalawa sakanyang balikat. 

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now