[Arc 1] Ch-4: Soul Extraction!!

922 83 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Isang masayang kaarawan naman ang nagdaan sa buhay ng aking nakababatang kaibigan. Halos ang kabuouhan ng buong baryo ay naki-sama dahil sa paanyaya na may iaanunsiyo si Uncle Sergio sa buong baryo at sigurado ako'ng importante ito. 

Sa hindi malamang dahilan ang pwersa ng mga demonyo ay humuhupa sa mga nakaraang taong lumipas at ito din ang naging dahilan kung bakit wala ng pinapadalang mandirigma ang baryo ng bawat Beastmens sa kapitolyo upang magkontribusiyon sa paglaban sa mga ito.

Tama ang aking hinala, Dahil sa mabilis na paghina ng pwersa ng hari, Desidido ang hari na lumikha ng espesiyal na hukbo na susuporta sakanyang mga sundalo at ang bubuo sa mga ito ay ang mga kabataang katulad namin na nagtataglay ng potensiyal sa pakikipaglaban sa murang edad at sa kapitolyo kami hahasain. Bawat lahi sa apat na sulok ng kaharian ay dapat magpadala ng hindi bababa sa sikwentang bata na bilang. Nang sabihin ito ni Sergio, ang inaasahan ko ay pagkalungkot mula sa mga Wolfkin ngunit ito ay kabaliktaran.

Sa isang banda ay nakalimutan ko na mga Proud Warriors ang mga Wolfkin. Madaming batang lalaki ang nagsisitalon at nagdiriwang. Halos lahat ng batang Wolfkin ay nagtataglay ng malahalimaw na pisikal na lakas maliban saakin na maiihantulad sa normal na batang tao. Mukhang na sobrahan talaga ako dugo ng aking ina. Ngayon ay itinatago ko parin ang ika-dalawa ko'ng buntot saaking saluwal at maski ang spiritual na kakayahan ko ay si Tifa at Ina lang ang may alam.

Nang matapos ang gabi ng pagdiriwang, lumapit saakin si Uncle Sergio at humingi ng paumanhin saakin na kakausapin niya ako na kami lang dalawa. Pumayag naman si Ina at binigyan si Uncle Sergio ng biyaya. Nauna na sila Ina na umuwi habang sila Tifa at ang mga barkada niyang mga kababata ay naglalaro gamit ang kanilang mga patpat na ispada.

" Hahaha! Tifa! Hindi ka pwede kasi babae ka!"

" Oo nga! Dito kanalang sa bahay! at pagbalik namin! sa pagsasanay sa kapitolyo at pakikipaglaban sa mga demonyo! Uuwi kami at papakasalanan kita!"

" O-Oy! Akin lang si Tifa! anong kasal-kasal!!!"

Napangisi nalang ako sa gilid dahil pinagaawayan si Tifa ng mga batang lalaki na kaibigan niya. Kitang-kita ko ang ekspresiyon ng pagkainis sakanyang mukha dahil kilalang-kilala ko si Tifa. Hindi niya hahayaang mapako siya sa isang estado na hindi siya makakaalis sa baryong ito lalo na't gusto niya maging manglalakbay at madirigma at kunin mula sa Ama ko ang titolo bilang Pinakamalakas na Wolfkin.

" HAAAAAAAAAH WALA AKO'NG PAPAKASALAN SAINYOOOO!!!!!" Nang makalayo na kami narinig ko ang malakas na sigaw ni Tifa at lalo pa ako'ng napatawa ng mahina. Narinig naman ito ni Sergio at napabuntong hininga nalang. Kaming dalawa ay nagtungo sa loob ng kanilang bahay.

Maganda ang desenyo ng kanilang bahay dahil kay Madam Kuroba. Dito na naging seryoso ang lahat ng biglaang umiyak si Uncle Sergio at niyakap ako. Jusko...Anong meron ba sa pamilyang ito.

" HUWAAAAHH!!! Ur! Urfang!! salamat sa kalikasan at naiuwi kuna ang iyong ama!" Sa salita ni Uncle Sergio ako ay naguluhan. Hanggang sa iabot niya saakin ang isang ispada na marupok at madumi, Nakabalot ito ng itim na tela at kitang kita sa mantya ng patalim nito ang mga nagkakalawang na mantsa ng dugo. Sa unang beses ko itong makita, Sigurado ako'ng kay ama ito.

" Ito ang ispada ni Lord Alestair...Ang pinsan ko'ng nagligtas sa baryo at saakin mula sa maduming kamay ng ngayon ay heneral na ng hukbo ng Hari"

Hindi kuna pinakinggan ng maigi ang pinagsasabi ni Uncle at agad na tinanggap ang ispada. Hinawakan ko ito at patago ko'ng pinakiramdaman ang buong itsura nito. Nagulat ako dahil ang ispadang ito ay naglalaman ng katiting na parti ng kaluluwa ni Ama. Malamang ito ay ang mga panghihinayang niya nuong nabubuhay pa siya. Isa lang ang pumasok saaking isipan.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now