[Arc 1] Ch-11: The Foxkin Village Pt-1

734 89 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Hindi ako makapaniwala na ngayong umaga ay naghahanda na kami upang maglakbay patungo sa baryo ng mga Foxkin upang ayusin ang lahat ng kaguluhan. Sa oras na umayos na ang pakiramdam ni Ina at nagagawa niya ng tumayo ng walang tulong ni Zeer, Inanunsiyo niya na personal niyang kakausapin ang lider ng Tribo o ang kanyang Ina at kasama na dito ang kanyang kapatid o ang Ina ni Ugino.

Nilinaw ko kay Ina na wala ako'ng planong kunin ang otoridad bilang pinuno ng Foxkins dahil sino naman kasi ang matinong magiisip na ayus lang na pumili ng lider na minsan sa buong buhya niyo ay hindi niya pa nakita katulad ko. Inihanda ko lahat ng gamit kasama na dito ang Lumang ispada ni Ama na binalot ko ng balabal.

Sa paglabas ko saaming Mansion, sinalubong ako ni Zeer na mga nakahanda na sa paglalakbay, nagulat ako sa itsura ni Zeer dahil nakasuot siya ng Chainmail armor at may hawak hawak na Halberd isang ispada na pinagsama ang ulo ng itak at haba ng sibat.

" Zeer..hindi naman tayo pupunta sa laban ah? ba't ka nakasuot ng baluti at may hawak na sandata baka isipin ng mga Foxkins na isa tayong banta" saad ko dito.

" Ito na nga po ang dahilan, Lalo na't isa ako'ng Wolfkin, Hindi naman natapos ang alitan ng dalawang panig ngunit natuto ang dalawang panig na mamuhay ng mapayapa at walang pakielaman" tugon nito saakin.

Hindi nagtagal ay lumabas na si Ina, Sa unang beses ay nakita ko si Ina na nagsuot ng napakagandang damit na pa'ng Foxkin tulad niya. Nakasabit ang kanyang Fox na maskara na para ba'ng hairpin sa ulo nito at may hawak siyang pamaypay na may matutulis na panusok sa dulo nito. Gera? gera ba ang nagaantay saamin sa baryong ito. Ang huling lumabas ay si Ugino na suot-suot ang balabal at sumbrero nuong una kaming nagkita.

Ngayon ay feeling ko ako lang ang naiiba saamin dahil normal napananamit ang aking suot. Isang damit ng isang normal na manlalakbay na pupunta sa baryo ng isa sa mga kadugo ko. Nakakapagtaka ang aking itsura dahil halo ito, Ang tenga ko ay pa'ng Wolfkin ngunit ang tinatago ko'ng dalawang buntot ay pa'ng Foxkin.

" Handa naba ang lahat! Kung ganuon!"

Iwinagayway ni Ina ang kanyang pamaypay sa itaas at iwinasiwas niya ito saaming paanan at dito na nagkaroon ng napakalaking Magic Circle na pumangabot saamin kahit na medyo magkakalayo kami. Ito ang unang beses na nakakita ako ng isang Mahika. Isang kapangyarihan na kahit kailan man ay hindi ako magkakaroon.

" [Transport!] " sa pagbigkas ni Ina ng tawag ng mahika na ito, Isang kislap ko lang ay ang bakuran ng aming Mansion ay napalitan ng scenery ng mga nagtatayuang puno. Ang kapaligiran ay kakaiba sa normal na kagubatan na lagi ko'ng nakikita. Puro mga kahoy na nakatusok sa lupa ang mga nakalagay dito at sa kahoy ay may nakasulat. Ang lenguwahe ng mga Foxkin. Susubukan ko sanang idikit ang aking mga daliri sa nakasulat sa papel ng biglang natigilan ako dahil sa sigaw at babala ni Ugino

" Huwag mo hawakan iyan! ay esete hawakan mo!" Hoy! ano ba talaga!.

" Huwag mo hawakan iyan! Urfang, isang 'Wards' ang tawag diyan, isa sa mga abilidad ng Foxkins pagsamahin ang Ispiritwal na Pwersa at Mahika, sa pamamagitan ng Crafting Ability at sa oras na hawakan iyan ng nabubuhay na nilalang sa labas ng baryo..Sasabog 'yan at magpapadala ng babala sa buong Baryo na may isang tagalabas ang nakapasok sa teritoryo nila" Babala saakin ni Ina, muntik na ako duon ah, buti nalang talaga.

" Well..Hindi nanamin kinakailangang rumesponde dahil sa oras na mahawakan iyan ng tagalabas, laging abo nalang ang nagaantay saamin" dagdag ni Ugino. Pero sa oras na ilibot ko ang aking paningin, napakarami ng Wards na nakatayo dito, halos kahit saan mo ilagay ang mata mo ay mayroon nito. Pati ang mga sanga ng puno at katawan ng puno ay may nakatayo dito.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now