[Arc 1] Ch-23: Her Perspective of Strength

740 76 2
                                    

{Ugino Kohaku El Foxenburg}

Madilim ang kapaligiran. Mabigat ang aking pakiramdam sa tuwing susubukan ko'ng gumalaw sa dilim na ito, marahil ako ay nagtamo ng matinding pinsala, gulo gulo pa ang aking isip pero naaalala ko na kinalaban namin ang isang napakalakas na demonyong dapat pinaslang na ni Ina. Ang higanting Minotaur na mayroong walang katumbas at katapat na tigas ng dipensa at walang tigil na pinapakawalan ang kanyang malalakas na atake saamin.

Naalala ko na natalo ako nito, at siya ang dahilan kung bakit nasa madilim na kapaligiran ako at kung bakit mabigat ang aking pakiramdam, hindi kuna magawang maawa sa sarili ko dahil isa lamang ako'ng mahinang bata, ayan ang unang pumasok saaking isip sa oras na ipinanganak ako ni Ina sa katawan ng babae.

Ang mga babaeng Foxkins ay hindi nararapat sa laban at pakikidigma, ayan ang sinabi nila saakin ngunit salamat saaking Ina ay napalaki niya ako ng tama saaking kagustuhan. Sinabihan niya ako'ng huwag ako'ng magpapaapi at huwag na huwag ako'ng susuko sa laban ng buhay, ito ay sa kadahilanang isa lang ako'ng batang babae na may pangkaraniwang lakas sa mahika. Hindi ako espesiyal tulad ni Ina na may matinding lakas at ng aking tiyahin na may siyam na buntot.

Pero dito ko nahanap ang sagot, Kahit babae sila ni Ina, nagawa nilang umakyat sa tuktok at manguna sa lahat. Hindi ako susuko kahit na ako ay pinanganak ng malaki ang disadvantage ko sa pagiging Foxkin na ang sandata ay ang kapasidad sa Mana at ispiritwal na pwersa. Nagsanay ako'ng humawak ng ispada, na siyang kakaiba para sa iba dahil ang mga lalaking Foxkins lang ang gumagamit nito at saaming mga babae ay tungkod o Magic Equipments, pero kahit na gumamit ako ng mahika, darating ang panahon na hihinto ako sa isang limitasiyon na sa pagkapanganak ko palang ay nan diyan na.

Gusto ko'ng lumakas tulad ni Ina, samantala ang aking Ina ay gumagamit ng kanyang espesiyal na itak, marami ang nag-isip na hindi ito normal ngunit sa kaso ni Ina, nais niyang talunin ang kanyang nakakatandang babaeng kapatid sa iba'ng paraan. Sinabi saakin ni Ina, kung gusto ko lumakas kinakailangan ko'ng paslangin ang mga bagay na pumipigil saakin, Tanggalin saakin buhay at wasakin ang pinanggagalingan tulad ng kanyang ginawa.

Marahil ito ang dahilan kung bakit gusto ni Ina patayin ang kanyang nakakatandang kapatid na humaharang sakanyang harapan upang makamit ang pinakagusto niyang titolo, ang tumatapak sa tuktok ng itaas ng pagiging Foxkin. Pero paano ako? ako na hindi biniyayaan ng espesiyal na lakas? paano ako'ng nabuhay ng mahina. Marahil ang aking mga iniisip ang siyang humatak sa una ko'ng kaibigan at ang tumulong saakin para lumakas.

Walang iba kung hindi Si Wix, Isang Higher Spirit at Warring Spirit, ang ispirito na nagbibigay ng lakas at bilis sa mga kakontrata nito, ang mga Warring Spirit ay hindi normal na naaakit sa mga babae, madalas lalaki ang kanilang nilalapitan dahil sabi sa alamat, ang mga Wix ay habang buhay na gutom, hindi sa pagkain o kung ano mang pisikal na dahilan. Ito ay dahil sakanilang gutom ng lakas ng loob, ang mga kalalakihan lang ang may taglay nito sa oras na ipanganak sila sa mundong ito. Kinakailangan nilang maging malakas upang hindi maagaw ang mga babae at posisiyon na kanilang inaasam upang mabuhay ng marangal at maginhawa.

Malamang naaakit ko si Wix dahil sa pagiisip ko at baka ang 'Lakas ng loob' ko na maging lakas ang umakit sakanya saakin. Tanda ko pa ang mga sinabi niya saakin.

" Hello...Maliit na batang babae? gusto mo ba ng kapangyarihan? bibigyan kita kaso! ang kapalit nito ay alam muna! Ang pagpasok sa kontrata ay may kahalip na kapalit para sa benipisyo ko! pero simple lang ang gusto ko, ang maging malakas ka! kaya payag kaba'ng makipagkontrata sa isang! 'High Spirit! and First Class Warring Spirit na tulad ko!" Medyo mahaba ang kanyang sinabi ngunit isa lang ang naintindihan ko dito. Tutulungan niya ako'ng lumakas! kaya't pumayag ako.

Kahit na nagkaroon ako ng katulong lumakas, alam ko na ako ay mahina parin, ang mga Magic Beast na gumagala sa paligid ng aming kagubatan ay personal ko'ng hinahamon, maraming laban nadin na muntikan na nila ako'ng mapaslang pero sa dulo ako parin ang nagwawagi at naguuwi ng kanilang mga pugot na ulo. Hindi ko alam kung bakit ginusto ko'ng lumakas, lukso ba ito ng dugo o dahil ba ito sa naipasa saakin ni Ina ang uhaw niya sa lakas.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now