[Arc 3] Ch-1: Farewell 1st District

433 43 4
                                    

Arc 3 Begins!!!

'Advent of Chaos'

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Sa pagmulat ko ng aking dalawang mata. Isang panibago'ng hindi pamilyar na kisame nanaman ang sumalubong saakin. Isang bago'ng kuwarto, bago'ng sahig at bago'ng bintana, Ilang buwan narin ang lumipas nang mangyari ang kaguluhan sa First District ng kapitolyo ng Utopia.

Naalala ko pa ang mga naganap nuon na para ba'ng kahapon lang ito. Sa oras na namaalam ako sa tanggapan ng Onigoroshi, Naalala ko pa na sinubukan ako'ng ayaing sumali sakanilang samahan, ngunit hindi basta-basta maliit ang aking tungkulin sa mundo na sasapat lang para magligtas ng mga tao sa loob ng Utopia. Ang layunin ko sa mundo'ng ito ay iligtas lahat sa pamamagitan ng paslang sa lahat ng demonyo at pagwasak sa Gate of Doom sa tulong ng nakakairitang bayani na papahirapan pa ako'ng hanapin ito.

Ilang araw na ako'ng nagiipon ng Ispiritwal na pwersa o nagcucultivate at meditate sa kuwarto'ng ito. Napakarami kasi ang aking nagamit sa mga nakaraang araw. Nuong nagkakaroon ng kasiyahan sa Onigoroshi, isang hindi inaasahan na pangyayari ang siyang nangyari ng walang paalam. Isang preso ang nakatakas at wala'ng iba kung hindi ang nakakabatang kapatid ng bayani na si Crawdo Reylar. Honestly wala ako'ng pake kung makakawala ito pero ang moko'ng na iyon ay isang banta at panganib.

Inayos kuna ang aking higaan at nilisan na ito. Sa aking paglabas ng kuwarto, inaantay ako ng walang iba kung hindi ang Plant Clone ni Keynet. Isang halaman na hulmado sa imahe at itsura ni Keynet, gayang-gaya nito ang boses at ang maaari mo lang gawing pagkakaiba ay ang katawan nito mismo ay gawa sa berdeng halaman na iba't-ibang uri.

" Ya! Wolf Bo- well hindi kana basta 'boy' o batang lalaki dahil binata kana..Sayang naman..." Hindi ko alam kung kinakamusta ako nito o nanghihinayang dahil kilala si Keynet sa kanyang kadiring hilig. Mahilig siya sa mga bata'ng lalaki at babae. Pedo.

Apat na araw na siyang naririto, nagaantay saaking sagot. Ito ay dahil kay Sappi. Ang halaman na pinapalaki ko ay nalanta dahil sa kadahilanang hindi ko na ito na didiligan ng ihi at napapatakan ng dugo. Siyempre dahil ito sa mga naganap na kaguluhan sa Onigoroshi. Hindi ko parin kinakausap si Keynet sa isang dahilan.

Ito ay nuong gabi na namalaman ko na lanta na si Sappi, tila kinabahan ako ng todo, hanggang sa isang sanga ang na mukadkad saaking balikat at naging puno. Humiwalay ito saaking balikat at nagkaroon ng sariling hulma walang iba kung hindi ang clone ni Keynet saaking harapan.
Mukhang matagal na niyang inilagay saakin ang Clone Seedling niya para malaman kung nasaan at ano ang nangyayari saakin. Kaya pala minsan nararamdaman ko na may nagmamasid saakin.

Binalaan na ako ni Ugino tungkol dito pero hindi ako nakinig, sa susunod na magkita kami ng Personal ng Keynet na ito, sisiguraduhin ko na magmamasid din ako saaking sarili at titignan ang mga signs ng Seedlings na inilalagay niya saaking katawan ng palihim.

Paglabas ko ng aking kuwarto sinalubo'ng ako ni Yahno na naghahanda ng almusal. Sa araw na ito ay ihahatid niya ako papunta sa gate ng pangalawang distrito ng Kapitolyo o kilala sa tawag na Adventurer's Domain. Medyo nakakasabik dahil dito mo makikita ang mga barubal at masigasig na buhay ng mga adventurers. Pero hindi lang ito ang dahilan dahil nalaman ko sa Clone ni Keynet na may kilala siya'ng makakatulong para ibalik sa dati si Sappi at pupuntahan ko ang kakilalang iyon. As expected kay Keynet, naalala ko na naririto siya nag-aral sa Kapitolyo.

Napakabait ni Yahno dahil nilutuan niya din ako ng almusal. Umupo ako sa upuan at nang kakainin ko na ito, isang patalim ang biglaang tumusok sa harapan ng plato.

" Hoy.....Akin ya'ng Night Tarantula!! Mag-antay ka ng iyo!" sermon ni Yahno. Pansin kodin na ang nakahain saaking harapan ay puro binti ng mga Tarantula.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now