[Arc 2] Ch-11: I'm Free? or Maybe Not

621 67 2
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Tinamaan ako ng sinag ng araw habang nakagapos ang aking braso sa magkabilang direksiyon. Pantakip lang sa ibaba ang aking saplot sa katawan, kahit na isa ako'ng malakas na nilalang, wala ako'ng ligtas sa lamig tuwing sasapit ang gabi. Lalo sa baliw na babaeng ito na walang tigil na pinagpapalo ang aking likod at puwetan gamit ang kanyang latigo.

I-isipin ko palang ang mga nangyari saakin sa oras na pumunta ako sa Kapitolyo ay naiiyak na ako, ang una ay napagbintangan at muntikan nang paslangin ng mga loloko'ng ito, kinulong at tinaggalan ng damit! at kinuha nila ang mga inempake ko'ng gamit at hinubaran ako. Matapos nito ay tinotorture pa ako ng sadistang babaeng iyon. Ina!! Arrghhh!!..

Ngunit ang araw ng aking pagdudusa ay matatapos na dahil binuksan na ang pintuan ng selda at tinaggal na ang makapal na bakal na pinaggapos saaking mga braso. Ang gumawa nito ay walang iba kung hindi ang pinuno ng Onigoroshi Federation na si Chief Icaro. Pinangako na tutulungan ko sila at sinabi ko nadin sakanya ang isa saaking kapangyarihan, kapalit ng aking kalayaan ngunit sa pagkakataong ito. Nalaman ko sa hinaharap na mas-ligtas papala dito sa loob ng selda kaysa tulungan ang mga nagwalang demonyong ito.

" Ako na ang totoka sakanya....Chief ipaubaya mo na saakin ang lobo'ng ito!" wika ni Niriharu, ang babaeng nagpapahirap saakin gabi-gabi, nanginig ang buong katawan ko nang sensuwal niyang idinampi ang kanyang dila sakanyang labi. Help me! Help meee!!.

Pasalamat kayo dahil hindi ko pa magamit ang kapangyarihan ko, sa tuwing susubukan ko'ng ituon ang aking atensiyon upang makapag cultivate at meditate, nabibigo ako, kahit na palabasin ang natitirang ispiritwal na pwersa saaking katawan ay dumudurog saaking utak. Hindi tulad ng Mana na kusang nadadagdagan, ang ispiritwal na pwersa ko ay para'ng barya sa supot na nauubos kapag ginagasta. Hindi ko inaasahan na mangyayari saakin ito. Ang sitwasiyon na pinakaayaw ko, isang sitwasiyon na hindi ko magagamit ang mga abilidad na nagpapalamang saakin sa laban.

Ang aking patalim at kakayahan nalang sa pakikipaglaban ang maaari ko'ng gamitin sa laban, na siyang malaki at sigurado ako'ng dehado ako dito. Ngunit salamat sa suwerte, nagagawa ko'ng palabasin ang kaunting dami ng Death Breeder. Dito ko ito magagamit dahil hindi ko magawang tawagin si Poole na siyang ayaw na ayaw sa kapangyarihan na ito.

Lumapit na saakin si Niriharu at ibinato saakin ang aking damit at saplot.

" Hmph..Suotin mo iyan, mas guwapo ka kung nakatamang damit ka" wika saakin nito. Hindi ko maiwasang ma-istorbo sakanyang mapangmasid na paningin na tila tinitignan niya ang bawat detalye ng defenseless na katawan ko. Su-suotin ko na sana ito nang biglang nakarinig kami ng sigaw sa malayo at mabilisang paghigop ng kung ano.

" Slurp"

"Slurp!"

" Chief! Niri! sigurado ba kayo'ng palalabasin niyo sa kulungan ang kriminal na iyan? Mukhang madungis, mabaho at higit sa lahat! Mukhang na pinagsamantalahan ng mga malilibog na matanda sa kanto?" Ang wika na ito ay nanggaling sa kakarating na tinatawag nilang 'Demon Vice Chief', para saakin siya ang pinakabanta sakanilang grupo na puro kabaliwan lang ang alam.

" Parang ikaw lang? din? Kut-Vice Chief Akuto..." sakrastikong panunutil ni Niriharu. Nabadtrip agad si Akuto at sinubukang ilabas ang kanyang ispada, ganuon din si Niriharu ngunit naiwasan ang magaganap na sakuna salamat kay Chief Icaro sa pagpigil niya sa mga ito.

" Huwag niyo nang ipahiya ang ating! Federation! Dahil ikaw Niriharu ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan si Urfang! Edi ikaw ang magasikaso sakanya at ibalik mo siya dito nang bagong-bago! walang dagdag na galos at troma sa utak!" Wika ni Chief Icaro.

" Sumama kanarin Akuto, ako na ang bahala dito, walang tigil at pahinga ka na nagmamasid sa distrito natin, sigurado ako na pagod na pagod kana" dagdag ni Chief.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now