[Arc 1] Ch-6: Meet The First Class Adventurers

901 83 6
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Isang buwan na ang lumipas at ngayon ay gamay ko na ang mga kaluluwa ng mga gargoyle at umabot na ito sa pageeksperimento ko ng sarili ko'ng kapangyarihan, Ang Spiritual Necromancy. Walang tigil ako sa pagcu-cultivate at pagme-meditate upang palakasin ang aking Spiritual na pwersa. Ito ay araw-araw ko'ng pinapaikot ang mga Gargoyle ko sa paligid ng aming baryo. Pinapalipad ko sila sa kagubatan upang magbantay saaming baryo at humanap ng Higher Spirits.

Sa tamang paggamit nito, malaki ang naiitulong saakin ng abilidad na ito. Gamit ang matinding konsentrasiyon kaya ko'ng ilipat ang limang pandama ko sa mga pandama ng mga Gargoyles. Ang mga Gargoyle ay may kakaibang katawan, binubuo sila ng itim na ispiritwal na kapangyarihan ko. Ang kanilang bato na itsura ay hindi masyadong malinaw dahil hindi pa gaano kalakas ang kapangyarihan ko kaya't malaki talaga ang tulong ni Poole sa bagay na ito.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon matutulungan niya ako kaya ginagawa ko ang lahat upang mareplika ang kanilang nabubuhay na mga pisikal na katawan. Idinagdag ko din ang Gargoyle Arcdemon at para sa mga Arcdemon may kakaibang istraktura sa mga espesiyal na kaluluwa. Kinakailangan ko silang pangalanan upang tawagin ang matinding kopya na ispirito nila. Pinangalangan ko siya'ng 'Gormeck'. Kasalukuyang siya ang pinakamalakas sa arsenal ng mga kopya ko'ng kaluluwa.

Pero grabe ang kinakailangan na ispiritwal na lakas para tawagin siya na tatagal ng ilang minuto, Marahil dahil ito sa isang hamak na bata palang ako.  Ngayon ay wala'ng espesiyal o kahi-kahinalang pangyayari ang nagaganap at isa itong magandang pangitain na walang masamang mangyayari sa araw na ito. Tirik ang araw at mainit ang klima tamang tama sa pagpapawis at pagsasanay ng aking pisikal na katawan.

Ngayon tumaas na ang ispiritwal na lakas ko, Ito ay umabot na sa hangganan na kaya ko ng pagsabay-sabayin ang tatlong pu't pitong mga Gargoyle at bigyan sila ng pisikal na katawan ng tatagal ng kalahating oras kahit na walang tulong ni Poole. Masmahina ang mga Gargoyle kung ako lang ang ispiritwal na lakas ko lang ang gagawa ng katawan nito. Kaya nagsisikap ako'ng palakasin ang sarili ko  upang madoble ang lakas ng mga alagad ko.

Lumapit ako kay Uncle Sergio upang magpaturo kung papaano makipaglaban ang isang Wolfkin. Sa dati ko'ng buhay ang ginagamit ko'ng sandata ay dalawang patalim na may kadena at nakapalupot sa buong braso ko. Gamit ang dalawang sandata na ito, Hindi naging maganda ang pagkitil ko sa mga demonyo at lagi'ng madugo ang bawat laban ko dahil purong pisikal na lakas lang ang ginagamit ko sa mga ito. Pero ngayon ay iba na, Hindi ko na masosolusiyonan ng pisikal at pagkabayolente ang mundong ito.

Natuwa si Uncle Sergio nang lapitan ko siya at binigyan ako ng kahoy na ispada. Ito ay para subukan ang aking kakayahan sa ispada lalo na't alam niya na araw-araw nag sasanay ako'ng gumamit nito. Ang ispada para saakin ay isang mabigat at mahabang bersiyon ng aking matutulis na patalim. Dikitang laban ang habol ko lagi pero pagdating sa ispada ay may distansiya kayo sa pakikipaglaban. Hindi nadin tulad ng katawan ko ang mahinang katawan ko ngayon kaya't hindi na ako uubra sa dating istilo ko sa pakikipaglaban.

Sa harap kami ng bahay nila naglaban, Gaya ng iba hindi ako nagpakita ng awa sa sarili ko'ng Uncle at sinugod siya ng sinugod. Ginagamit ko padin ang Istilo ko sa pakikipaglaban at patalikod parin ang hawak ko sa ispada. Kahit na araw-araw ko'ng sinasanay ang tamang paghawak dito. Kitang-kita ko sa mga Mata ni Uncle Sergio ang saya.

Lundag paatake at atras pabalik, paulit-ulit ko itong ginagawa, Bawat lundag at pagatake ko ay nasasangga niya at bawat pabalik na atake niya ay naiiwasan ko sa pag atras ng mga paa ko patalikod. Sa una ay hindi ko magawang paatrasin ang mga paa ni Uncle ngunit sa isang banda nagawa ko siyang paatrasin ng isang hakbang.

" Hahaha! Hindi ko inaakala na ganito kana kagaling! Para sa isang bata!!!!"

HMPH! Siyempre! ang kaharap mo ngayon ay ang lalaking nakipagsagupan ng harapan sa Demon General!. Pero dahil sa kalamangan ni Uncle sa pisikal na pangangatawan na talo niya ako ng walang kahirap-hirap. He deflected my sword. Sa lakas ng paghampas niya saaking ispada. Tumalsik ito ng pagkataas at iniwan ako nito sa estado na walang ispada at defenseless dito niya na itinutok saaking leeg ang dulo ng patalim ng ispada.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now