[Arc 1] Ch-18: Now Way! New Recruits?

742 85 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

" Ugino? matanong ko lang? bakit nandito tayo?" tanong ko kay Ugino. Sabay namin tinitignan ang napakalaking workshop na pagmamayari ng isa sa pinakamatagumpay na negosiyanteng pamilya. Ang pamilya ng Ti'n Moonfall. Napansin ko din na napakaraming mga Foxkin ang malayang gumagamit ng iba't-ibang klaseng mahika. Inaamin ko na medyo na iinggit ako lalo na sa mga Higher Spirits nila na matataas ang kalidad.

Sa bawat tingin ko sa kapaligran, napakarami talagang mga Lesser Spirits. Bihira kalang makakita ng Higher Spirits na walang kakontrata. Inaya na ako ni Ugino upang pumasok sa loob ng Workshop. Pagpasok na pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng amoy ng natutunay na tinga o mineral. Ang Ti'n Moonfall ay may malagong negosiyo sa pagpapanday ng mga sandata. Hindi lang basta sandata, marami ding kagamitang pangbahay at iba't-ibang convenient na bagay-bagay.

Ito ay dahil ang kanilang pamilya ay isang heritage ng mga sikat at pinakamagagaling sa paggiging Forger. Dahil hindi lahat ng mga Foxkin ay nakakagamit ng sagradong sining, dito sila umaasa sa mga sandatang kagamitan. Uso padin ang pangangaso lalo na't lumaki kaming lahat sa malawak at malaking kagubatan na maraming nakatirang iba't-ibang Beasts na maaaring kainin. Nakita ko si Rouge, ang wirdong batang lalaki na nakilala ko kanina. Silang dalawang magkapatid ang nagimbita saamin sakanilang workshop.

" Luklia, nasaan ang iyong mga magulang?" kalmadong tanong ni Ugino habang panay lingon sa iba't-ibang direksiyon upang tignan ang mga nakapaskil sa dingding na iba't-ibang uri ng mga kagamitan.

" Pumunta sila Mama at Papa sa Minahan sa Silangan! but don't worry! naghire silang dalawa ng mga mersinaryo at guwardiya upang tulungan sila, sa katunayan ay apat na araw na silang hindi nakakabalik, Ito ay dahil mahirap na ang pagtratransportasiyon ng mga Material Ores dahil sa biglaang dagsaan ng mga Magic Beasts, malapit saating kagubatan" Tugon ni Luklia.

Sa totoo lang, hindi ako masyadong pamilyar sa mga Magic Beasts, dahil sa pagkakaalam ko sa parte ng hilagang bahagi nakatayo ang aming baryo. Dahil sa matitindng presensiya ng mga Wolfkin, kinakatakutan ang Hilaga ng kahit sinong Beastmens o Magic Beasts at ito ang dahilan kung bakit wala ako'ng nakintang ni-isang Magic Beasts.

" Oh...I see" wika ni Ugino. Lumapit si Ugino sa ispadang pumukaw sakanyang atensiyon, isang ispadang mahaba at siguradong-sigurado ako'ng matulis ito dahil sa kintab nito na nagrerepleksiyon sakanyang mukha sa oras na tignan niya ang lapad nito. Ang nakakabilib lang ay may makintab na pulang bulitas ang nakapaloob sa gitna ng ispada.

" Oh! Ayan ang gawa ni Kuya! Isa yang Magic Sword, Isang mataas na kalidad na Magic Stone ang nakasalpak diyan! masasabi mo'ng isa iyang High Quality Sword! and siyempre, pinangalanan niyan ni Kuya, at nakakahiya ito" Hindi ko alam kung pinupuro ba ni Luklia ang kanyang nakaktadang lalaking kapatid.

" Hmm...Wala siyang kwenta sa halos lahat ng aspeto ng pagiging normal pero may talento siya sa pagiging Forger" Wika ni Ugino habang tinitignan niya ang kalidad ng ispada.

" SALAMAT! MY QUEEN! MWUAUAHAHAHAHA!!!!! Ang pangalan ng ispadang iyan! ay '

[Ultra Mega Atomic Buster Sword]!! gamit ang mga matiryales na espesiyal! nilikha ko ito! One of my best swords!!" Bigla nalang lumitaw si Rouge, May hawak-hawak itong pamukpok na napapalibutan ng iba't-ibang bulitas na nakadikit sa hawakan nito. Sa unang tingin ko palang, hindi normal ang pamukpok na hawak nito dahil nakakaramdam ako ng matinding ispiritwal na pwersa dito. Malamang ito ang kanyang Sagradong Sining.

" Pwede ba kuya! Huwag mo tayo ipahiya sa mga bisita natin! baka hindi na sila bumalik dito dahil sa kawirduhan mo! lalo na si Ate Ugi! Lagi mo nalang siyang kinukulit! at kahit kailan hindi ka niya matitipuhan!" Wika ni Luklia. Sure kill ang epekto nito para kay Rouge na sapat na para mapaluhod siya at maging miserable ng buong araw.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now