[Arc 2] Ch-23: Kneel Down to your Queen, Princess

363 44 3
                                    

{Akuto Jikikata Noburo}

Agad na itinigil namin ni Niri ang aming katatawanang away at lumuhod sa presensiya ng Great Wizard at ng First Princess ng Utopia. Hindi ko inaasahan na tatapak ang tulad nila saaming tanggapan. Maski ang reaksiyon ni Chief Icaro ay gulat. Kaya naman sigurado ako na surpresa ang kanilang pagpunta dito. Narinig ko na din kay Yahno na kukunin nila ang Demologist at dadalhin sa Royal Court para atasan ito ng kanyang mga kasalanang ginawa. Pumasok narin saaming tanggapan ang guwardiya ng royal Family o ang Royal Guards na pinapangunahan ng Great Wizard.

" Ohhh!! Ito pala ang tanggapan ng Onigoroshi!! Mukhang malalakas sila lahat!" nagulat nalang kami nang biglaan nalang kami pinuri ng prinsesa at nagsilapit saaming mga nakaluhod sakanyang presensiya.

" Ehem...Your Highness! You must restraint yourself! Behave like a Princess!" wika ng Great Wizard. Kilala ko ang lalaking ito, Nilrem Lithios, kilala dahil sa pagiging prodigy sa mahika sa murang edad, may kasabihan pa nga na hindi niya ginagamit ang kanyang kapangyarihan sa mahika sa publiko dahil masyadong delikado ito. Pero hindi lang siya sa mahika nangunguna, nakapagtapos din siya sa Knighthood Academy at nakilala din siya sakanyang galing sa paghawak ng ispada. Para saakin ang kanyang bansag na Great Wizard ay hindi bagay sakanya. Great Knight Wizard dapat.

" Pfft..Ang kill joy mo! Uncle!" wika ni Prinsesa sabay palobo ng kanyang pisngi na tila nagtatampo kay Sir Nilrem, nang tumingin ako sa aming mga tauhan, hindi nila mapigilang matunaw sa kagandahan ng prinsesa lalo na't kilala ang prinsesa sapagiging airhead nito.

" Your Highness, Hindi mo ako maaaring tawagin sa pamilyar na paraan sa publiko, kinakailangan nating i-maintain ang ating imahe saating nasasakupan at tapat na mga kabalyero" wika ni Sir Nilrem.

" Tsk...Sinusubukan niya ba'ng nakawin ang mga alipin ko" bulong ni Niri. Nang marinig ko ito, agad ko siyang siniko sa tagiliran upang tigilan niya ang paglabas ng kanyang sungay.

" Sila pala ang mga Kabalyero ng distrito...hmph, Pero mukha sila'ng mahina...." sa isang banda ang tono at papuri ng prinsesa ay bumaliktad. Ang magaan na tingin niya saamin ay naging madilim at mabigat.

" Kabalyero? Nagpapatawa kaba? Uncle? Hindi nga nila kayang protektahan ang itinalaga sakanila ni Ama na distrito bakit kinakailangna ko pa'ng magpakaplastic at puriin ang mga kunto'ng lupa na mga ito" ang papuri ay naging marahas na pangungutya saamin. Ang mga natutunaw na ekspresiyon ng aming mga tauhan ay nalapilitan ng mixed feelings na reaksiyon. Maski si Chief ay pinagpapawisan narin ng matindi.

" Your Highness! Mind your tone and Words, kinakailangan nating i-maintain ang imahe ng Royal Family saating mga nasasakupan" paalala ni Nilrem.

" Oo! na! Uncle! paulit-ulit ka " suplado'ng tugon ng Prinsesa. Sa una palang ay iba na ang pinaparamdam ng prinsesa saakin, ang mga prinsesa sa kuwento ay natatanging mababait at makikinam ngunit sa totoo buhay, sila mismo ang kabaliktaran nito. Minamaliit ang mga tao'ng nasa ibaba nila.

" Sino ang Pinuno ng nabubulok na tanggapan na ito?" tanong ni Prinsesa. Ngunit bago pama'n may tumugon, si Chief na mismo ang tumayo at yumuko.

" Ako po Princess Rahelia Asmael Lithios Trillium " wika ni Chief. Lumapit sakanya si Prinsesa at kinilatis ang buong itsura ni Chief, maski si Chief ay nakapikit dahil sigurado ako na nakakatakot at kaba ang tingin ng prinsesa sakanya, lalo na't kaya nilang diktahan kung mabubuhay kapa o mamamatay kinabukasan.

" Sino nagsabing tumayo ka sa Presensiya ko? Pero Good...Natandaan mo ang pangalan ko dahil diyan papatawarin ko ang kabastusan mo, Honestly hindi ko gusto ang pangalan ko sa haba nito, nakakatamad isulat at banggitin, bibigyan kita ng props sa pagtanda dito"

" Ikaw pala ang Lider ng sikat na sikat na Onigoroshi?" dagdag na tanong ng Prinsesa.

" Ye-Yes! Your Highness! Ako po si Ica- " naudlot na tugon ni Chief.

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now