[Arc 2] Ch-8: False Point

581 68 8
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

" Hoy Yahno! akin ang isang to" Reklamo ng kanilang Vice Chief. Ito ang unang beses na nakilala ko ang mga mga kabalyero na promoprotekta sa kalapit na baryo na hindi sakop ng pader ng kapitolyo. 

" Masusunod Vice Chief" Sagot ni Yahno at dahan-dahan itong humakbang patalikod, habang ang First Captain na si Niriharu ay walang planong umatras at pagbigyan si Akuto.

" Pas- Ehem Vice Chief Akuto, maaari ba'ng hilingin na akin ang kanyang ulo?" magalang ngunit nakakaramdam ako ng sakrastiko'ng pakikiusap sakanya.

" Hoy Niri, satingin mo pagbibigyan pa kita??-" Naudlot ang kanyang pagsasalita sa oras na dakutin ni Niriharu ang dibdib nito at piniga ng napakantindi, Damn!.

" Oh? as expected sa isang pakarat na tulad mo Vice Chief, may dinadala ka'ng mabigat na pasabog" wika nito, tila tumulo na ang dugo saaming mga ilong sa mga nakakakita nito.

" Hoy...Niriharu Odoko First Captain of First Division, gusto mo ba'ng mamatay??" tila hindi namula o nahiya ito sa oras na gawin ni Niriharu ang kanyang maselang galaw, sa halip ay nandilim ang paningin nito at hinugot ang kanyang patalim. Agad na binitawan ni Niriharu ang pagkakahawak dito at saka na ito umatras. Pumalikod naman si Yahno at pinigilan niya ito'ng hugutin ang ispada at itutok sa kalaban.

" Vice Chief! Kailangan mo'ng maghulosdili!" Wika nito.

" Tsk, Humanda ka saakin mamaya Niri" wika nito.

Lumingon na saakin ang kanilang Vice Chief at inilipat saakin ang galit nito. Napakatindi ang murderous intent nito na halos pumapantay na sa isang Arcdemon.

" Katapusan muna....Kung hindi mo kilala si Vice Chief, hindi na kita masisise, pero isa lang ang dapat mo'ng malaman, Kilala siya sa maraming tawag at titolo ngunit...Ang sikat na bansag sakanya saaming mga Onigoroshi ay 'Demon Vice-Chief' " wika ni Yahno.

" Ganun ba? hindi ko inaasahan na makakatagpo agad ako ng mga halimaw sa labas ng kagubatan, Paano ko ba maipapakita na inosente ako?" sakrastikong tanong ko dito. Nagsitawanan ang mga kasama nilang mga kagrupo at maski si Yahno ay napangisi nalang.

" Inosente? Kami ang nagdedesisiyon kung Inosente ka, Ngayon mamamatay ka sa kamay ng kapwa mo demonyo" Dagdag na wika nito. Habang nakatuon ang aking pansin sakanila, hindi ko namalayan na may papalapit na patalim ng ispada na pala ang muntikan ng gumilit saaking leeg kung hindi pa ako hahakbang patalikod ng ilang yapak. 

Mabilis at sakto ang kanyang galaw. Ngunit hindi ako magpapatalo sa isang tulad niyo.

" Akuto ang pangalan mo diba? Hindi kaba nagtataka na panglalaki ang pangalan mo pero isa ka'ng baba-" Naudlot ang aking pagsasalita nang tad-tarin niya ako ng kumpas ng kanyang matatalim na ispada.

" Sinong tinatawag mo'ng babae? Ang isang mandirigma ay walang pini-piling kasarian! Ang mahalaga ay ang puso ng isang mandirigma na kusang pipiliin ang buhay na madugo at marahas!" Hindi kuna nagawang ilagan ang mga atake nito ng gumagalas na patalim saaking mga balat. Nagkakaroon ng mga maninipis na galos saaking mga tagiliran, braso at binti na umabot na sa paggamit ko saaking patalim upang pantayan ang bilis at salagin ang mga atake nito.

Nagbanggaan ang aming mga patalim, halos kapantay ko lang siya sa bilis. Maririnig sa buong baryo ang aming paglalaban. Mga matitigas na bakal na naghahampasan at nag babanggaan ng walang humpay.

" Hoy Yahno, kalaban ba talaga ang isang yan? Kita mo naman kanina na sinubukan niya'ng tulungan ang batang tinulungan ko" Wika ni Niriharu.

" I don't know, pero isa lang ang aking alam, isang banta ang isang ito"

Fate's Gate: Doom SagaWhere stories live. Discover now