[Arc 3] Ch-7: The Royal Round Table

241 36 6
                                    

{Third Person's POV}

Sa kastilyo at sa sentro ng kapitolyo, dito nakatayo ang higanting palasiyo ng hari, ang palasiyo na napapaligiran ng bulaklak at istatwa ng mga dating hari. Sa pinakatuktok ng palasiyo o kastilyo, Nagtipon-tipon ang mga pinakamahahalaga at pinakaespesiyal na tao dito.

Nangyayari lang ito sa tuwing maynagaganap na importanteng pagpupulong o pagplaplano para pigilan ang pagkasira ng kaharian. Sa isa'ng bilog na lamesa o ang Round Table, naririto ang mga pinakamatataas na  Knights, Sorcerers, Wizards, Politicians at Church Servants. Sila ang tinatawag na
[Royal Round Table Subjects] o ang Council na tumutulong sa hari.

Silang lahat ay naririto dahil sa insidenteng nangyari, Isang linggo na ang nakalipas, inabot nang ganito katagal ang kanilang pagpupulong dahil nahirapan ang hari'ng tawagin ang mga ito sa bawat sulok ng kaharian. Ang iba ay nasalabas ng pader at nakikipaglaban habang ang iba ay nasaloob ng Utopia at naglalakbay kung saan-saan dito.

" OK! Narito naba ang lahat!" sigaw ng isa'ng lalaki. Ang lalaking ito ang pinili ng hari para maging pinuno ng pagpupulong na ito dahil sakanya nakatoka ang pinakamahalagang trabaho salahat. Ang pagiging Head Counselor, siya ang kumakatawan sa hari tuwing wala ito, masasabi na siya ang pangalawang hari sa pagpupulong. 'Bedivere' Siya si Head Counselor Bedivere.

" Excuse me..Wala pa si Nilrem dito" tugon ni 'Gareth' The Strongest of all Knights, Siya ang headmaster ng Knighthood Academy ng kaharian nila.

Sa oras na banggatin niya ang pangalan ni Nilrem na wala'ng paggalang, malakas na balibag ng higanting pintuan ang narinig sa buong sulok ng kuwarto. Sakto ang pagdating ni Nilrem na nakasuot pa ng pangmaharlikang damit at nakataas noo ito'ng pumasok at umupo sakanyang upuan.

" Sir Gareth...Pasensiya na pero kinakailangan mo ako'ng tawaing 'Sir' sa harap ng bilog na lamesa bilang paggalang, Drop your rudeness...Monkey" masungit na salita ni 'Nilrem' o ang Great Wizard kay Gareth, nainis naman si Gareth sa pangangasar ni Nilrem sakanya at tumayo sakanyang upuan. Ikinuyom ni Gareth ang kanyang mga braso at dahan-dahang inilapag ang palad sa hawakan ng kanyang ispada bilang tanda na pwede niya ito'ng bunutin kahit ano'ng oras niya ito gustuhin.

" Itigil niyo na ito!" saway ni Bedivere.

" Makinig na kayo sa Head Counselor para matapos na ang lahat ng ito" walang ganang dagdag ni 'Percival'. Siya ang tinatawag na Rune Sorcerer, isang magic-user na may kakaibang talento sa paglikha ng mga Magic Ruins, isa sa mga subjects ng Mana at Mahika, ang pinaka kumplikado sa lahat ng aspeto ng mahika. Ginagalang ang tamad at walang ganang lalaki ito dahil sakanyang Idinikit na Ruins sa buong kaharian, para wala'ng makapasok na lumilipad na demonyo sa itaas ng himpapawid ng kaharian.

Ngunit ang kanyang Barrier Ruins ay hindi gumana dahil sa loob ng kaharian nanggaling ang atake. Siya din ang may kagagawan kung bakit kakaunti'ng demonyo lang ang nakakagawa ng lagusan papasok sa kanilang kaharian, kaya mga pinakamalalakas na demonyo lang ang nakakagawang makapagbukas ng lagusan dito.

" Tumahimik ka! Perci! ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Nasaan na ang pinagmamalaki mo'ng Ruins!" Nanisi nalang si Gareth dahil sa pagkabwiset. Ang normal na nakatataas ay hindi kayang palagpasin ang panghihiya at pangbabastos na ito pero para kay Percival, magsasayang lang siya ng enerhiya kung makikipagsabayan siya ng trashtalkan sa tulad ni Gareth na ganado at maingay ang bibig.

" Sir Gareth! Refrain from triggering fights!" saway ni Bedivere.

" Huwag ka na magalala Head Counsel,  Hindi nakakaintindi ng lenguwahe ng tao ang unggoy na ito" nakangising pangangasar ni Nilrem.

" HEY HEY! Huwag na tayo magaway! gusto niyo ba makarinig ng Circle JOKES! ABOUT SA ROUND TABLE! HEHEY!" Masaya at nakakatuwang pagiingay ni 'Galahad' Kilala sa tawag na 'Unbreakable Shield' Kilala siya bilang pinakamatibay na kalasag sa buong kaharian. May kasabihin na walang sino ang may kakayanang sumira ng kanyang kalasag, at ang kanyang kalasag na tinutukoy ko ay ang sarili niya. Dagdag! Si Galahad ay adik sa mga bagay na bilog.

Fate's Gate: Doom SagaМесто, где живут истории. Откройте их для себя