[Arc 2] Ch-13: Squeeze Every Ounce Of Your Strength!

574 52 1
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Sa hindi inaasahang pagkakataon, Ang gabi na ito ang nagdala saaming dalawa, ang puno't-dulo ng lahat ng kaguluhan sa distrito na ito ng kapitolyo. Siya lahat ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan dito, Hindi ko man siya kilala pero, masasabi ko siya ang tipo'ng lalaki na kayang pumaslang sa kahit na ano'ng maliit na dahilan, wala siyang pakielam at hindi niya iniisip ang mga buhay na ninanakaw niya. Nakakainis mang isipin ngunit wala ako'ng karapatang pangaralan o sabihing mali ang kanyang ginawa.

" So ikaw pala ang naririnig ko'ng bago'ng aso ng Onigoroshi? narinig ko din na tinalo mo ang isa sa mga binili ko'ng Ravens" wika nito saakin.

" Hmph...Kung gusto mo ako'ng paruhin, isulat mo nalang sa letra at magaabala ako'ng basahin ito, Ayoko sa lahat ay ang nagpapaligoy-ligoy" tugon ko dito habag itinututok ang aking Hulmang ispada na sandata.

Ngumiti lang ito at itinutok saaking ang kanyang pana at nilagyan niya ito ng apat na palaso. Sabay-sabay niya ito'ng itinira saakin. Sa sobrang bilis ay hindi sapat ang aking bilis upang ilagan ang sunod-sunod na palaso na ito. Tinamaan ako sa binti at tagiliran habang ang dalawa ay matagumpay ko'ng nailagan. Sa tindi ng lakas ay hindi naiiwan ang palaso saaking katawan kung hindi tumatagos ito mula sa likod. Hindi ako mananalo sa isang ito kung ganito lang ako.

" POOLEE!!!- ARGHHHH!!" Ngunit sa pagsigaw at pagtawag ko kay Poole, biglaang sumakit ang aking ulo na sa sobrang tindi ay napaluhod ako sa sahig at napahawak saaking ulo. Itinukod ko ang aking ispada upang iwasang mapahiga sa sahig at mabilis na makatayo.

" Ngayon lang sumipa ang lason" wika nito saakin.

" La-lason! huwag mo sabihin, tulad din ito nang sumisira ng konsentrasiyon! " wika ko dito. Tumango ito saakin at muling nilagyan ng palaso ang kanyang pana at itinutok saakin.
Bwiset! Hindi kuna magawang gamitin ang aking ispiritwal na pwersa sa pangalawang pagkakataon, masyado ako'ng sinuswerte sa lason!.

" Pasensiya na ngunit masmalala ang lason ko kaysa sakanila, Ang lason nila ay nagpapahinto sa konnsentrasiyon, sa bawat pagsubok mo na gumamit ng konsentrasiyon makakaramdam ka ng matinding sakit sa ulo higit sa lahat sumisira ng daloy ng Ispiritwal at Mana na enerhiya ito, pero ang pagkakaiba nila saakin ay 'Malakas na lason' ang aking ginagamit" Hindi na ako magtataka sa sinabi niya saakin, ang mukha niya na ngayon ay ngiting panalo ay siyang nilalabas ang abilidad at kakayahan ng kanyang sandata dahil alam na niya na panalo na siya.

Masyado'ng madaya ang kanilang lason. Ngayon ko lang nalaman na maaaring i-silence ang paggamit ng mahika at ispiritwal na pwersa gamit ang isang lason. Hindi nagtagal ay namumula na ang aking paningin, Ang mga dapat hindi pula ay namumula na. Ngunit saka ko lang napansin na namumula na pala lahat at nagtumutulo na ang aking dugo mula saaking mga mata at tenga dahilan kung bakit kaunti'ng unggong nalang ang aking naririnig.

Inaakala ko na naimmune na ako sa pang parilisado'ng lason ngunit hindi papala ako immune sa tunay at malalang lason. Ngunit sakabila ng lahat, kinuha ko ang natitirang lakas ko saaking katawan at itinayo ang aking katawan. Triple ang bigat ng aking katawan at wasak-wasak ang aking senses. Mahina ang pangrinig, nanlalamig, nanlalabo ang mata at hindi makahinga ng maayos.Ngunit sakabila ng lahat ay tumayo ako at itinutok ang aking patalim sa kalaban.

" Huwag mo ako'ng patawanin! masmalala pa ang mga lason sa nakaraan ko'ng buhay!" wika ko dito.

" Ano nanaman niyang pinagsasabi mo? Hindi kaba nagagalak na mamamatay ka sa kamay ng bayani? Ang bayaning magliligtas sa mundo'ng ito?" nakangising tugon nito.

" Ba-bayani? nagpapatawa kaba....Kilala ko ang mga pumipili! at kahit kailan! hindi sila pumipili ng mga mandirigma na nabubulok ang puso at kaluluwa!! tulad mo!" agad na iginalaw ko ang aking katawan at sinugod ang aking kalaban. Tila lahat ng bagay ay malabo at magulo na, tila para'ng may lindol saaking isipan sa mga oras na ito pero hindi ko ito hinayaan. Lapit! Lapit! Lapit!.

Fate's Gate: Doom SagaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora