Kaibigan ko rin naman ang isang 'to at gusto ko rin siyang tulungan sa gusot na 'to kahit kasalan naman talaga niya.
"Taga Wheeler," sabi ng babae.
"Ang pagkakaalam ko, malayo 'yon sa Bacolod kaya imposible talaga ang sinasabi mo, at isa pa maka-Diyos 'tong kapatid ko, magpapari rin 'yan," sabi ko naman. Nakita ko pang tumingin siya sa taas. Loko rin talaga ang isang 'to e!
"Tara na Paoline, nagsasayang tayo ng oras dito," pagsakay ni Cee.
"Tara na at hinahanap na tayo ni Father Jun, kung saan-saan ka kasi pumupunta," sabi ko.
Tapos dire-diretso lang kami nang lakad palabas ng food chain habang ang babae ay hindi na nakapagsalita at naiwan sa loob. Feeling niya siguro ay napahiya siya. Well, napahiya naman kasi talaga siya. Ang sama namin pero natatawa lang ako sa mga nangyari.
Nang makalayo na kami nang kaunti sa lugar, natawa na lang kaming dalawa sa nangyari at napa-high five pa sa lahat ng kaganapang nakababaliw kanina.
"Ikaw talaga, CEEra ulo ka, mapapahamak ka ng pagka-playboy mong 'yan," sabi ko na may diin sa pangalan nito.
"E may problema naman kasi ang babaeng 'yon, nag-date lang kami once, feeling niya pakakasalan ko na siya,"
"Talaga?" tawa ako nang tawa matapos niya 'yong sabihin. Grabe naman pala! Pero hindi ko rin masisi si ate dahil nasaktan siya.
"Oo man, kaya nga hindi ko na tinawagan. Kaya ayan, galit na galit sa akin," napakamot pa siya sa ulo.
"Ang sama mo!" tumawa uli kami about it.
"Pero salamat talaga, na-save mo ako,"
"Kaya naman pala parang hinahatak 'yong paa ko sa kung saan, mapapa-trouble ka pala, now I get it," sabi ko kasabay ng isang ngiti.
Nakalimutan ko kahit sandali ang problema at dahilan kung bakit ako nasa lugar na ito.
Si Cee talaga 'yong isang tao na kapag kasama ko, nalilimutan ko ang mga iniisip ko dahil isa siyang masayahing tao.
"Hoy, teka lang, bakit pala bigla kang nawala kagabi?" tanong ko.
"Ah, umuwi lang ako saglit para kumuha ng gamit," sabi niya.
"Ah, akala ko nga, ikaw 'yong nag-volunteer na samahan ako e,"
"Pagbalik ko sa inyo, umalis ka na raw tapos tinawagan kita kanina, para kang lasing no'ng sumagot," ah, siya pala 'yong tumawag kanina no'ng natutulog ako, sorry naman at inantok lang.
Nag-ring bigla ang phone ko... pagtingin ko, tumatawag pala si Phoebe.
"Hello?"
(Joan, the food is ready. Let's eat.)
"Ah, sige, salamat, pupunta na kami,"
(Kayo? You found Kenneth na?)
"Hindi, nandito 'yong kaibigan ko, isasama ko,"
(Ah, sige, see you, bye.)
"Bye!"
Nang makarating kami sa pizza place ay binati kami ni Phoebe.
"You're back!" sabi ni Phoebe.
"Yes," sagot ko naman sa kanya.
"Ay! Who is he?" tanong ni Phoebe na tila kinikilatis si Cee.
"Ah, siya si Cee, friend ko, siya naman si Philip," sagot ko.
"Hi, nice meeting you," sabi ni Cee.
"I think you're the guy from the party who took Joan out," sabi ni Philip.
"Ako nga, p're," sagot ni Cee.
"Hello? I exist," biglang sabi ni Phoebe, nawala sa isip ko.
"Ay, ito nga pala si Phoebe, younger sister ni Philip," sabi ko.
"Hello, Phoebe, ang cute mo naman," sabi ni Cee kasabay ang isang ngiti.
"Hi! Oh, thank you, you have good taste," pagpapa-cute ni Phoebe habang inaayos ang bangs. Ngumiti lang si Cee sa kanya.
"Ehem," sabi ko kasabay ang pagsiko nang pasimple kay Cee.
"Ano?" bulong sa akin ni Cee kahit diretso pa rin ang tingin kay Phoebe at nakangiti.
"Tigilan mo ang batang 'yan. Gusto mong makulong?" sabi ko kay Cee ng pabulong habang nakatingin naman kay Philip.
"P'wede na palang makulong ngayon ang pumupuri at nagsasabi ng totoo," bulong uli ni Cee.
"Ewan ko, sa'yo," sagot ko sa kanya na medyo napalakas.
"Are you saying something, Joan?" tanong ni Philip.
"Sabi ko, kumain na tayo," sabi ko.
"Oh, I see," sagot ni Philip.
"Joan, your friend is nakakatawa. I like him a lot," sabi ni Phoebe.
"Narinig mo, Mojow? Gusto n'ya ako agad," bulong sa akin ng CEEra ulo sabay ngisi.
"Try these mojos, guys," sabi ni Philip at inaabutan kami ng sinasabi niyang mojos, tumawa bigla si Cee.
"Mojow, akala ko unggoy ka, pritong patatas ka na rin pala ngayon?" tawa nang tawa ang shunga! Uminit tuloy ang pisngi ko!
"CEEra ulo," sabi ko. Nakatingin lang ang magkapatid sa amin na para kaming mga alien na napadpad sa mundong ito.
Napatingin ako kay Cee, parang na-gets namin na hindi nila gets ang na-gets namin. Napakagulo talaga ng isang 'to!
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 14
Start from the beginning
