Napapag-usapan din namin ito ni Ken dati dahil bukod sa pagiging batang iyakin niya noon ay may iba pa kaming napag-usapan tungkol sa lugar na ito. Nasa park kami noon at nakaupo sa isang bench.
"'Pag mag-asawa na tayo, pupunta tayong Baguio, hon. Do'n tayo magbabakasyon," sabi ni Ken sa akin habang yakap ako mula sa likuran. Nakasandal ako sa dibdib niya.
"Magandang idea 'yan, hon," sabi ko.
"Sana 'pag pumunta tayo sa Baguio, may mga anak na tayo," sabi pa niya.
Napangiti ako sa alaala na 'yon, hindi ko akalain na pupunta ako rito nang wala sa oras para hanapin siya. Nauhaw ako bigla kaya naman lumingon ako sa paligid kung saan puwedeng bumili ng maiinom. Ilang store na lang ay Mcdo na kaya nagmadali na akong maglakad.
Pumasok ako at um-order ng isang McFloat, umupo ako sa isang sulok at pinatid ang uhaw na nararamdaman mula sa paglalakad.
Nag-ring bigla ang phone ko. Tumatawag si Cee! Sa wakas naman ay nagparamdam na siya!
"Oh, Cee?"
(Balita?)
"Ayon, 'di pa namin nahahanap si Kenneth,"
(Oh, sino'ng kasama mo?)
"Sina Philip at Phoebe,"
(Sino 'yon?)
Tapos bigla siyang nawala sa linya. Sa 'di kalayuan ay may narinig akong komosyon. Napaisip pa ako kung tama ba ang nahahagip ng mga tainga ko.
"Cee, ikaw ba 'yan?" tanong ng isang babae sa 'di kalayuan.
"Ah... miss baka nagkakamali ka," sagot nito.
"Walang hiya ka! Nakuha mo pang tumanggi!" sigaw ng babae.
Sinigawan niya ang lalaking inaakala niyang si Cee ng kung ano-ano'ng mga bagay kasabay ang mga hampas at palo sa braso nito. Sino naman kaya ang babae na ito?
"Cee, ikaw ba 'yan?" tanong ko sa sarili.
Tiningnan ko nang mabuti ang itsura niya at mukhang siya nga ang kaibigan ko. Bakit hindi man lamang niya sinabi na nandito pala siya? Lokong 'to, may pagtawag pang nalalaman nasa may likuran ko lang pala.
"Ate, hindi nga ako 'yon," sabi uli ni Cee sa babae.
"Mukha mo, tandang tanda ko 'yang pagmumukha mo! Manloloko ka! 'Di ko malilimutan 'yong ginawa mo sa akin dati," bulalas ng babae. Galit talaga at hinampas na naman siya.
"Ha?" pagkukunwari niyang hindi naiintindihan ang sinasabi nito. Grabe ka, Cee! Ano bang ginawa mo sa kanya?
"Sabi mo, ako lang ang mahal mo, pero kinabukasan ay may kahawak kamay ka na dito sa mall!" nanggagalaiting sabi ng babae kay Cee at hinampas uli siya sa braso.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, ate," sabi uli ni Cee at tumayo na sa pagkakaupo.
"Ang kapal naman ng mu—" naputol na 'yong sasabihin ng babae dahil sumingit na ako. Hindi ko na kayang makita na sinasaktan ang kaibigan ko kahit pakiramdam ko ay deserve naman niya 'yon dahil malamang totoo ang sinasabi ng babaeng ito tungkol sa kanya.
"Oh, Peter, nandito ka lang pala, tara na, kanina ka pa hinahanap ni Father Jun," sabi ko.
"Buti dumating ka na, may babae rito, pinagpipilitan niyang ako 'yong Cee," pagsisinungaling niya na may bakas ng pagkagulat pero sumakay na lang din siya.
Gets na niya malamang ang ginagawa ko. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito para sa kanya!
"Ate, nagkakamali ka, si Peter 'yan, kapatid ko. Taga-Bacolod kami. Taga saan ba 'yong sinasabi mo?" pagsisinungaling ko. Seryoso ako sa bawat sinasabi ko.
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 14
Começar do início
