CHAPTER 44:

206 7 0
                                    


MAKALIPAS ang isang araw matapos ni Cathy pinuntahan si Dior sa bahay nito at humingi ng patawad ay pumunta siya sa puntod ng kanyang ina.

"I'm sorry, Ma. Alam kong disaappointed ka rin sa akin. Alam kong hindi mo rin gusto ang mga ginawa kong pananakit sa damdamin ng mga lalaki. Naging mapagtanim ako. Naging mapaghiganti. Napakasama ko, Mama. I know you're not proud of me. I'm sorry for being such a bad girl." Humihikbing sabi ni Cathy sa puntod ng kanyang ina.

"I've learned my lesson now. It took one hearted breaking experience before I realized what a sorry for a person I was. Hindi ko na gagawin ulit iyon. Sayang, Ma. Akala ko pa naman, nahanap ko na ang lalaking pangarap mo para sa akin. Pero nagkamali ako. Dumating lang pala siya sa buhay ko para ipakita sa akin ang mga mali ko. Pero kahit sinaktan lang niya ako, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko siya, Mama." Sabi ni Cathy sa puntod kanyang ina at panay pa rin ang pagluha ng kanyang mga mata.

Hindi na siya nakapagpatuloy sa pagkausap sa puntod ng kanyang ina dahil puro iyak na ang ginawa ni Cathy. Nang mapatahan niya ang kanyang sarili ay nagtungo siya sa Flower and Butterfly Garden na laging pinupuntahan niya at ang kanyang ina pati na rin ang binatang si Drex dahil dinala niya rito ang binata. At doon ipinagpatuloy ang pag-iisip tungkol sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Hindi si Cathy nagagalit kay Drex sa ginawa ng binata dahil ganoon din ang ginagawa niya noon. Naghihiganti siya para sa ibang tao. Ganoon din ang ginawa ng binatang si Drex sa kanya kaya naiintindihan niya ang binata. Kahit pilitin niyang magalit dito ay hindi niya kaya.

Hindi ni Cathy alam kung paano niya sisimulang kalimutan si Drex kung bawat lugar na lamang na puntahan niya ay may alala ito. Tulad na lamang sa lugar na pinuntahan niya ngayun. Sa mismong spot na inuupuan niya, Doon si Cathy hinagkan ni Drex sa ikalawang pagkakataon. Pumukit si Cathy at inalala ang halik ng binatang si Drex. Hindi na niya matitikman pa ang halik ni Drex kailan man. Hindi na niya mararamdaman ang mga yakap ng binata. Hindi na niya makakasama pa muli ito. Sa pag ala ala ng mga bagay na yon at sa lugar mismo na iyon, Nagsimula Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Bigla si Cathy napadilat nang may naramdaman siyang mga daliring pumawi sa mga luha niya. Napatulala siya nang makita niya si Drex na nakayuko at hinahawakan ang kanyang mukha. Tumabi ang binatang si Drex sa kanya. Manghang sinundan ni Cathy ng tingin ang binata.

"D-Drex... Anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanung ni Cathy sa binatang si Drex saka kinusot niya ang kanyang mga mata baka mali lang siya ng nakikita.

"Tulad ng kung anung ginagawa mo rito." Ani ni Drex sa kay Cathy habang naka ngiti at yumakap ito sa kanya.

"Nandito ka para mag senti?" Curious na tanung ni Cathy sa binata.

Bahagyang ngumiti si Drex. "Nandito na ako, nang dumating ka. Nakita kitang papasok dito at umupo sa bench. Nagtago ako at Pinagmamasdan ka. Sabi mo kasi noon sakin, kapag malungkot ka, pumupunta ka rito. Malungkot ako, eh. Kaya pumunta ako rito." Ani ni Drex sa kay Cathy.

"Hindi ka na dapat lumapit sa akin." Malungkot na sabi ni Cathy kay Drex.

"Bakit naman hindi?" Nakakunot noong tanong ni Drex kay Cathy.

"Dahil masama ako. Sinaktan kita. I know you hate me." Ani ni Cathy sa binata.

"Masama rin ako. Sinubukan kitang saktan. Alam kong galit ka rin sa akin." Sabi naman ni Drex sa dalagang si Cathy. "Cathy, Hayaan mo ako magpaliwanag sayo. Yung narinig mo sa room ni Drex sa ospital?" Dagdag na sabi ni Drex sa dalaga.

"Oh, Anung tungkol don? Tapos na yun Drex wag na nating balikan yun. Masasaktan lamang tayo niyan sa ginagawa mo." Ani ni Cathy kay Drex.

"Hindi, Cathy eh. Ito kasi ang nangyari nung nag uusap kami ni Dior." Ikinuwento ni Drex kag Cathy ang pinag usapan nilang dalawa ni Dior.

Flashback:

"Ipaghiganti mo na ako, Pare. Dump her. Dump her big. Para maranasan niya kung anu ang ginawa niya sa akin. Gusto kong malaman niya kung gaano kasakit ang paasahin at pagkatapos ay iwan na parang isang basahan." Ani ni Dior kay Drex.

"I'm sorry, pare. Hindi ko na kayang gawin yon" sagot ni Drex sa kaibigang si Dior.

"Anong sabi mo?" Tanung ni Dior sa kaibigan si Drex.

"I love her, man. I love her and I don't have plans to hurt her anymore. May dahilan kung bakit nagawa sayo ni Cathy iyon. She has issues from her past, Which I could not tell you. Pero hindi niya intemsiyong saktan ka." Paliwanag ni Drex kay Dior.

"What the fuck are you talking about? Sinasabi mo bang ipinagpapalit mo ang pagkakaibigan natin nang dahil sa babaeng yon?" Bulalas na sigaw ni Dior kay Drex.

"Kaibigan kita. Mahalaga ka sa akin. Nasaktan din ako sa nangyari sayo kaya nga sinubukan kong tulungan ka para gantihan siya kahit hindi ko talaga ugaling gumawa ng mga ganoong bagay. Pero mahal ko na si Cathy kaya hindi na kita kayang sundin. Hindi ko siya kayang saktan. I'm sorry, Pare." Ani ni Drex sa kaibigang si Dior.

"Dumb you, Drex." Ani ni Dior kay Drex.

End of Flashback:

So, Plinano nila ni Dior ang lahat pero sa bandang huli ay minahal ako ng mokong na to? Pinagpalit niya ang pagkakaibigan nila ni Dior para lang hindi na ako masaktan pa. Tapos, Ako pala ang nagpalala pa sa nararamdaman niya. I'm Sorry Drex. But now I really I love you. Mahal kita. Ani ni Cathy sa kanyang isipan matapos magkwento ang binatang si Drex sa kanya.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now