CHAPTER 34:

179 8 0
                                    


SA ISANG Flower and Butterfly Garden na may magagandang bulaklak at mga paru-paro dinala ni Cathy si Drex pagkatapos nilang dumalaw sa puntod ng kanyang ina. Nagtungo sila sa isang bench kung saan kita ang ibat ibang klaseng bulaklak sa paligid nito. Magkatabi silang naupo ni Drex.

Pinuno ni Cathy ng hangin ang kanyang dibdib habang nakatanaw sa samot saring magagandang Bulaklak sa kanyang paligid. Doon sila madalas magpunta ng kanyang Mama noong bata pa siya. Gustong gusto niya ang lugar na iyon kaya madalas siyang dalhin doon ng kanyang Mama. Kapag malungkot siya at nagpunta siya roon ay napapawi ang lungkot niya.

"Wala kasi akong kapatid kaya si Mama, hindi ko lang siya Mama at Papa, parang kapatid ko na rin siya. Nakikipaglaro pa rin siya sa akin kahit malaki na ako. Kapag bored kami pareho at ayaw naming maglaro, videoke ang bonding moments namin kahit pareho kaming sintunado. I missed her. I missed her so much." Kwento ni Cathy kay Drex habang naluluha.

Inakbayan siya ni Drex, Pinahid ang kanyang mga luha at Tinapik ang kanyang balikat. Nakakatuwa lang dahil sa pagkakataong ito ay may karamay ako at talagang ang target ko pa na Heartbreaker. Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

"Nakakainggit ka. Napakaswerte mo. You still have your parents. You have siblings. Lumaki ka sa isang kompletong pamilya." Ani ni Cathy sa kay Drex na nakangiti.

"Now that you mentioned it. Na realize ko nga kung gaano ako ka swerte. Hindi kami kompleto, mababait din ang parents ko at mga kapatid ko." Sagot naman ni Drex kay Cathy habang nakaakbay parin sa dalaga.

"Masaya ako para sayo." Ani ni Cathy saka nguniti kay Drex.

Tumitig si Drex kay Cathy. "Wag mong isipin na malas ka. Hindi ka man maswerte sa isang bagay, masuwerte ka naman sa ibang bagay na nasa paligid mo lang. You have a very cool Aunt at protective na mga pinsan mo." Pagpapalakas loob na sabi ni Drex kay Cathy. Nakilala na ng binata ang dalawang pinsan ni Cathy noong ikalawang pagkakataon ihinihatid ng binata ang dalaga sa bahay ng kanyang Tiya Isabel. "You have very dependable best friend and you have a herd of admiring suitors." Dagdag pang sabi ni Drex saka Ngumiti ng malapad sa dalaga.

"Hindi naman talaga ako masaya na marami akong manliligaw, eh. Isa lang naman ang gusto ko— ang matupad ko ang pangarap ng Mama ko para sa akin. Ang mahanap ko ang Lalaking magmamahal sa akin nang totoo. Gusto kong mahalin niya ako beyond physical reasons." Sabi ni Cathy Kay Drex saka tumingin sa mga bulaklak.

"I don't think that's difficult. Hindi ka lang naman kasi maganda, there are a lot of reasons why you are lovable." Pagpapakatotoong sabi ni Drex kay Cathy habang nakatingin parin ang mga mata sa dalaga.

Napangiti si Cathy. "Nambobola ka ba?"

Ngumiti rin ang binatang si Drex. "Hindi ako nambobola at hindi ako bolero. Totoo yon."

"Whee? Di nga?" Di makapaniwalang tanung ni Cathy saka ngumiti.

"Oo nga." Ani ni Drex sabay taas ng dalawang kamay niya sa hangin.

"So you find me lovable, huh?" Curious na tanung ni Cathy kay Drex.

Hindi nawala ang pagkakangiti ng binata. "Oo nga. Halikan pa kita diyan eh."

"So, inaamin mo nang type mo ako, ganon ba?" Ani ni Cathy saka tinuro turo pa ang binata.

Drex exhaled an amused laugh. "Noong first time kitang makita sa Bar, Type na agad kita."

Lihim na kinilig si Cathy. "Kung type mo pala ako, bakit mo ako iniwan noon sa Bar?" Tanung ng dalaga.

Nag iwas ng tingin kay Cathy si Drex, saka bumuntong hininga. "Maraming salamat sa pagbahagi ng kwento ng iyong buhay. Pinagkakatiwalaan mo ako." Pag iwas ni Drex na sagutin ang tanong ni Cathy.

Cathy smiled. "Hindi ko nga rin alam kung bakit ikinuwento ko sayo ang buhay ng Mama ko at ang mga personal na mga pangyayari sa buhay ko. Basta masaya ako na kasama kita. Salamat sa pagsama mo sa akin, sa pagbisita sa Mama ko at pagpunta rito. Na appreciate ko talaga." Compliment ni Cathy kay Drex saka ngumiti.

"You're welcome. Masaya rin ako na kasama kita." Ani ni Drex habang nakatitig sa dalaga.

Sinalubong ni Cathy ang titig ng binata. Masaya rin ako ma may narinig mula sayo, Drex. Wag kang magpakilig masyado baka ma fall ako.

Ang binatang si Drex palang ang tanging lalaking nakapagpakilig sa dalaga nang ganun. Mula sa matiim na pagtitig sa mga mata ng dalaga ay bumaba ang tingin ng binata sa mga labi nito. Bahagyang naalarma si Cathy nang makita sa mga mata ng binata na tila gusto siyang hagkan ni Drex. Nang bumaba ang mukha ng binata sa kay Cathy ay napaiwas siya ng tingin dito.

Drex had been so nice to her these past few days. Siguro nga ay may kayabangan at kasungitan ito noong una ngunit maging close na sila ay nalaman ni Cathy na mabuting tao ang binata. Malayung malayo ito sa kung paanu inilarawan ni Trina. Parang nagkakaroon na tuloy siya ng pag-aalinlangan na gawin ang misyon dito— of making him fall for her and breaking his heart in the end.

Bigla ay naramdaman na lamang ni Cathy ang kamay ni Drex sa kanyang pisngi. Ipinaling nito ang mukha niya paharap dito at walang kaabug-abog na inangkin ang mga labi ng Dalaga. Nagulat si Cathy kaya hindi siya nakakilos. Nang mapawi ang pagkagulat niya ay hindi parin siya kumilos upang pigilan ang binata. Cathy liked Drex kiss so much.

Mula sa masuyong paghalik ay naging mapag-angkin ang mga labi ni Drex. He held Cathy's face with both hands and sipped and licked her lips fervently. Pakiramdam ni Cathy ay lalagnatin siya sa intensidad ng halik ni Drex. Nang sa palagay niya ay nakakarami na ang binata ay bahagya niyang itinulak ito.

"W-wala ka bang balak tumigil?" Habol ang hiningang tanong ni Cathy sa binata.

"Bakit ako titigil? Kailangan kong sulitin ang three hundred thousand pesos ko." Sarkastikong sabi ni Drex saka ngumiti.

"Ah ganon pala ha, So ito na pala yong binayaran mo." Ani ni Cathy nang nakatingin sa mga mata ni Drex.

"Yeah." Muli sanang aangkinin ni Drex ang mga labi ni Cathy ngunit tumayo ang dalaga.

"Tama na yong naihalik mo sa bayad mo. Mahal ang halik ko, Noh." Pagtataray na sabi ni Cathy sa binata.

Mukhang gusto sanang magreklamo ni Drex ngunit inunahan ng dalaga ito sa pagsasalita.

"Umuwi na tayo. Marami pa akong gagawin sa bahay." Ani ni Cathy saka umunang na siyang lumakad sa binata.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now