CHAPTER 43:

192 7 0
                                    


MATAPOS sina Drex at Cathy na mag usap, Pumunta sa Freestyle Bar si Drex at naglasing. Magda dalawang araw na ang binata sa bar na pagmamay ari ni Cram.

"Pare, tama na. Nagwawala ka na eh." Awat ni Jan sa pag inom ni Drex pero tinungga parin ang alak.

"Dammit, Pare. Huwag mo akong pakialaman!" Pabulyaw na sabi ni Drex kay Jan. "Wala kang alam sa nangyari sa akin. Wala kang alam sa nararamdaman ko. So shut the fuck up!" Dagdag pang sabi ni Drex sa kay Jan saka binalingan niya si Marvin at humingi pa ng alak. Binulyawan din niya ito nang tumanggi itong magbigay.

Narinig ni Drex nang mag apologize si Jan sa mga tao sa Freestyle. Walang pakialam si Drex sa mga ito. Hindi alam ng mg ito kung gaano kasakit ang nararamdaman niya mula nang malaman niyang pinaikot lamang siya ni Cathy. Naiintindihan na niya ngayun si Dior. Alam na niya kung bakit nag lasing ito araw araw at nagmaneho nang lasing para magrebelde noong binasted ito ni Cathy.

Mas matindi ang naging kaso ni Drex kaysa sa kay Dior. Hindi lamang siya basta pinaasa ni Cathy, pinaniwala siya ng dalaga na mahal siya nito. Pinaikot siya nito. Pinakagat at pinaniwala sa mga kasinungalingan. Then she dumped him. She dumped him big time! Ang masama pa ay binayaran pala ito para gawin iyon sa kanya. Nagmahal siya ng isang babaeng hindi niya alam ang tunay na pagkatao.

Paano ni Cathy nasikmurang gumawa ng ganoong bagay? Paano niya nagAwang magpaikot at manakit ng damdamin ng ibang tao para lamang sa pera? Hindi ako makapaniwalang nasaktan ako ng isang babaeng tulad ni Cathy. Pero bakit sa kabila ng lahat ay mahal ko parin siya? I missed her. I missed her like hell. I must be freaking nuts! Gago nga siguro ako dahil maging ang pagkakaibigan namin ni Dior ay isinakripisyo ko para lang kay Cathy. Ani ni Drex sa kanyang isip.

Flashback: Nang pumunta si Drex sa ospital para kausapin si Dior tungkol sa planu nila laban kay Cathy.

"Ipaghiganti mo na ako, Pare. Dump her. Dump her big. Para maranasan niya kung anu ang ginawa niya sa akin. Gusto kong malaman niya kung gaano kasakit ang paasahin at pagkatapos ay iwan na parang isang basahan." Ani ni Dior kay Drex.

"I'm sorry, pare. Hindi ko na kayang gawin yon" sagot ni Drex sa kaibigang si Dior.

"Anong sabi mo?" Tanung ni Dior sa kaibigan si Drex.

"I love her, man. I love her and I don't have plans to hurt her anymore. May dahilan kung bakit nagawa sayo ni Cathy iyon. She has issues from her past, Which I could not tell you. Pero hindi niya intemsiyong saktan ka." Paliwanag ni Drex kay Dior.

"What the fuck are you talking about? Sinasabi mo bang ipinagpapalit mo ang pagkakaibigan natin nang dahil sa babaeng yon?" Bulalas na sigaw ni Dior kay Drex.

"Kaibigan kita. Mahalaga ka sa akin. Nasaktan din ako sa nangyari sayo kaya nga sinubukan kong tulungan ka para gantihan siya kahit hindi ko talaga ugaling gumawa ng mga ganoong bagay. Pero mahal ko na si Cathy kaya hindi na kita kayang sundin. Hindi ko siya kayang saktan. I'm sorry, Pare." Ani ni Drex sa kaibigang si Dior.

"Dumb you, Drex." Ani ni Dior kay Drex.

End of Flashback:

Naalala ni Drex noong unang sabihin sa kanya ni Dior ang tungkol sa ideyang gantihan niya si Cathy para dito. Iyon ay noong malaman ni Dior na tatlong beses na silang nagkaka engkwentro ni Cathy. Nagka ideya ang kaibigan niyang si Dior na baka may gusto sa kanya si Cathy at sinasadyan ng dalaga ang mga pagtatagpo nila. Ang kaibigan niyang si Dior ang nakaisip na kunin niya si Cathy bilang modelo ng DRX dahil siya ang gaganap na modelong lalaki para sa TV commercial ng bagong motorsiklo. Wala si Dior kinalaman sa pagkakaroon nila ng publicity photo ni Cathy ngunit ang dahil doon ay naisip ng kaibigan noyang si Dior na gamitin niya iyon upang lalo silang magka lapit ng dalaga.

Ngunit nang makasama na niya si Cathy ay nawala ang pagnanais niyang matulungan si Dior para maghiganti. Lalo na nang malaman niya ang storya ng buhay ng ina ng Dalagang si Cathy na siyang naisip niyang dahilan kung bakit binasted nito ang kaibigang si Dior at ang mga lalaking nagtangkang maangkin ito. Natakot itong magmahal namg dahil doon. Ngunit ngayun ay hindi ni Drex alam kung totoo ang mga sinasabi ng dalagang si Cathy sa kanya at ang mga ideyang ibinigay ng dalaga o parte lamang ang mga iyon ng pagpapaikot nito sa kanya.

Cathy you are the first woman I had ever loved and the first one who ruined me.

"Anu ba ang gagawin ko, Mababaliw na ako sa kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko." Ani ni Drex saka tunungga ang alak.

"Pre, Kausapin mo si Cathy. Nang malaman mo, hinding nagtutungga ka ng alak dito sa bar ko." Ani ni Cram sa kanya.

"Pre? Nasaan ka all this time nang kailangan ko nang makakausap?" Tanung ni Drex habang nakatingin sa kaibigan niya.

"Pasensya na pare, Huli ang balita sa akin eh. Nalaman lang din nakin sa asawa kong si Celine. Mabuti pa Umuwi ka na ang maligo. At kausapin mo nang masinsinan si Cathy." Ani ni Cram sa kaibigang si Drex.

"May nalalaman ka bang hindi ko alam pre?" Tanung ni Drex kay Cram.

"Oo kaya kung ako sayo, Tama na yang kakainum mo nang alak at Puntahan mo si Cathy nang malaman mo ang sinasabi ko sayo." Ani ni Cram kay Drex.

Anu nalaman nitong mokong na to na hindi ko alam? May kinalaman kaya ito sa aming dalawa ni Cathy? Ani ni Drex sa isipan.

"Anu na? Tutunganga na lang ba tayo? O hahabulin mo yung mahal mo? Ang arte mo pre. Bahala ka kung ayaw mo. Hindi ka magkaka anak niyan sa ginagawa mo, Oy!" Ani ni Cram sa kay Drex saka tumawa ng malakas.

"Sige na! Panalo ka na sakin, Pre." Ani ni Drex kay Cram saka hinatid ni Cram ang binata sa bahay niya.

Oo sige na pupuntahan ko na bukas si Cathy. Ani ni Drex sa kanyang isipan.

"Hindi pa sana huli ang kahat sa atin, Cathy. Mahal na mahal kita." Ani ni Drex nang inaalalayan siya ni Cram papunta sa loob ng bahay niya.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang