CHAPTER 7:

229 27 0
                                    


NAUWI na sa hagulgul ang hikbi ng babaeng kausap ni Cathy. Tuwing May nagko-confess sa kanya tungkol sa masakit na pinagdaanan sa kamay ng isang playboy ay naalala niya ang kanyang Mama.

Inirekomenda sa kanya si Trina ng naging ikatlong kliyente niya. Muli ay naka relate siya sa Kwento ng bago niyang kliyente. Walang masyadong twists ang storyline ng sawing Pag ibig nito. Karaniwan na ang plot. Nalaman daw nito na maraming idine Date ang nobyo nito. Nang komprontahin daw nito ang nobyo ay hiniwalayan daw ito ng lalaki nang ganon ganon na lamang. Pagkatapos daw nitong ibigay ang lahat lahat sa nobyo ay basta na lamang itong ibinasura ng lalaki.

"Sige, Ilabas mo lang ang lahat ng iyak mo. Sini siguro ko sayo, iiyak din ang lalaking iyon kapag nagantihan na natin siya. Walang pa akong nagmintis na trabaho. Paiibigin ko ang lalaking iyon At pagkatapos ay sasaktan ko siya katulad ng ginawa niyang pananakit sayo. Mararanasan niya ang sakit na dinanas mo sa kamay ng gagong lalaking yon." Sabi niya rito sa babae nang May masamang panggigigil habang humihikbi pa ito sa kanyang harapan.

Nagliwanag ang mukha nito, "kailan mo sisimulang paibigin siya At gaano matagal bago mo matapos ang trabaho mo?" Seryosong tanong ng babaeng nagngangalang Trina kay Cathy.

"Hindi naman siguro tayo aabot nang dalawang buwan." Taas noong Sabi nito na Akala mo ay magiging success ang misyon Yang ito.

Tumango tango ang babae habang Nagpupunas ng mga luha. "So, what's the name of the guy?" Tanung ni Cathy sa babae.

"Drexler."

"Drexler?" Anung klaseng pangalan ba yan. Ngumiwi siya nang marinig niya ang pangalan.

"Andre Drexler Mavericks." Sabi ng babae habang nakangiti.

Parang uod naman itong inasinan habang sinasabi ang pangalan. Tanga! "Andre Drexler..." Manloloko tong tao to sa pangalan palang At babaero ito panigurado. Tinitigan niya ito. Maganda At Mukhang sosyal ito. MukhA pa lang kiti kiti ito. Hindi niya akalaing pumapatol ito sa TOTOY. "TOTOY ang paiibigin ko?" Pormal na Sabi ni Cathy sa babae.

"Totoy?" Parang gusto nitong magreklamo sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. "Hindi siya TOTOY! Drex ang tawag sa kanya. He's twenty nine years old. President ng La Ferrari Motors." Sabi nito na parang pinaglalandakan niya ito kay Cathy.

"Wow! Bigatin pala ang Loko." Ani ni Cathy sa kanya.

"Bigatin talaga. At hindi lang yon, napakagwapo pa." Ani na parang nag iimagine pa sa harapan niya. "Ito tingnan mo ang litrato niya." Dugtong pa nito.

Hindi na siya nagulat sa narinig. Halos lahat naman ng lalaking tinrabaho niya ay mga gwapo. Pero nang ibinigay nito sa kanya ang Larawan ng lalaki ay napatitig siya roon nang walang kakurap Kurap. Napakagwapo nga talaga ng loko. No wonder, napakalakas ng hagulgol ni Trina kanina.

"Saan siya madalas nakikita?" Tanung ni Cathy kay Trina habang titig na titig parin siya sa larawan ng lalaki.

Sinabi nito ang mga lugar kung saan niya maaaring makita ang Binata. Nagpatuloy siya sa pag interview rito tungkol sa dating nobyo nito. Bukod sa background at ugali nito ay itinanong din niya kung Ano ang mga paboritong pagkain ng Binata, kulay, bagay, libangan At iba pa. Magagamit niya ang ilan sa mga bagay na iyon sa gagawin niyang pagpapaibig dito.

"How did you start doing this kind of secret job? Curious na tanong nito pagkatapos nitong sagutin ang lahat ng tanong niya tungkol sa binata.

"I had a friend na iniwan ng boyfriend niyang two timer. Tinulungan ko siyang gumanti. Tapos non, inirekomenda niya sa akin ang Isa pa niyang friend na buntis na tinakbuhan ng lalaki para tulungan ko rin daw. Doon na nagsimula ang lahat." Ani niya kay Trina.

"Why are you doing this job?" Dugtong na Tanung pa ni Trina kay Cathy.

Ngumiti siya. "Because i love playing with and breaking men's heart. Heartbreaker ang mga lalaking nakasalamuha ko kaya Heartbreaker din ang tatapat sa kanila. It gives me a certain kind of fulfillment." Sagot nito kay Trina.

Nabalitaan niya mula kay Sofia ang nangyari kay Dior. Nagmaneho raw ito nang lasing dahil sa dinanas na pagkabigo sa kanya. Naaksidente ang minamaneho nitong kotse At ngayun ay May posibilidad na Hindi na ito makalakad pa. Sising sisi si Sofia sa ginawa nitong scheme Laban sa dating nobyo. Kung hindi raw siya inupahan nito upang gantihan si Dior ay hindi raw sana nangyari sa lalaki ang trahedyang iyon. Wala siyang nasabi kundi, "maybe that was his karma."

"Buti na lang, May taong tulad mo na handang gumanti para sa mga babaeng naagrabyado ng mga lalaking yon. Sana, ma dali mo lang magawa ang trabaho mo kay Drex. I'm dying to see him hurting." Ani ni Trina kay Cathy.

"Don't worry, dear, akong bahala." Ani ni Cathy sa kanyang pangpitong Kliyente na si Trina.

Andre Drexler, you will fall hopelessly in love with me...

"So kailan ka magsisimula sa iyong misyon kay Drex?" Tanung ni Trina sa kanya habang kinakain ang pagkain sa plate nito.

"As soon as possible, Trina. Pag iisipan ko pa ang Plano ko para paibigin ko siya. Sa madaling paraan para makuha ko siya agad agad." Sagot ni Cathy sa kanya.

"Oh bweno basta tawagan mo ako o eh text kung kailan magsisimula ang misyon mo kay Drex. Hindi na kasi ako makakahintay na makita siyang nasasaktan." Ani ni Trina habang nakangiti.

"Wag kang mag alala Trina dahil eh uupdate kita sa mga galaw ko patungkol kay Drex na yun." Sabi ni Cathy sa kanya habang kumakain na rin At tinugunan ang nguti ni Trina.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now