CHAPTER 22:

186 15 0
                                    


MAAGANG nakarating si Cathy sa Kompanya na pagmamay ari ng binatang si Drex at pumunta muna siya sa lobby na malapit sa information Desk.

"Saan na kaya ang kumag na yun! Maghintay muna ako dito sandali baka hindi pa yun nakarating sa opisina niya." Ani ni Cathy habang inilibot ang paningin sa ground floor area ng Kompanya.

Habang nagmuni muni ay may lumapit sa kanya na isang babae na nakauniform ng kompanya.

"Good morning Ma'am how me I help you?" Tanung ng isang babae.

"Ah eh hinihintay ko lang si Drex, ay isti Andre Drexler Mavericks yung may ari nitong kompanyang to." Sagot ni Cathy sa receptionist.

"May appointment po ba kayo kay Sir Drex, Ma'am?" Tanung ulit ng receptionist.

"Wala eh, pinapapunta niya lang ako dito sa office." Ani ni Cathy saka ngumiti sa babae.

"Kayo po ba ang former Girlfriend ni Sir Drex? Sandali po tatawagin ko lang ang secretary niya." Ani ng babaeng receptionist habang hindi naman pinapansin ni Cathy ang babae at naka tingin lang siya sa Entrance ng Kompanya saka niluwa nito ang binatang si Drex na may ari ng LA FERRARI MOTORS.

"Oh andito na pala ang may ari nitong kompanya, Hi! Mr. Mavericks." Ani ni Cathy kay Drex habang kumakaway ito sa binata.

"Okay po Ma'am" ani ng Receptionist saka umalis na at bumalik sa information desk.

"Ms. Dela Torre, Good morning ang aga mo naman yata diba sabi ko After lunch or Afternoon, bakit nandito ka ngayun?" Ani ni Drex kay Cathy habang kaharap nito ang dalaga.

"Eh may pupuntahan pa ako eh, saka hindi lang ikaw ang busy no." Sagot ni Cathy sa binatang si Drex habang nakitapagtitigan ito sa binata. "Anu pa ang hinihintay mo diyan sabihin mo na sa akin." Dugtong na sabi ni Cathy kay Drex.

"Anung sasabihin? Teka nga lang. nagmamadali ka ba ha? Kailangan mong pagdesisyunan itong mabuti. Saka ganito ba kayung mga babae makipag usap ng seryoso, minamadali ang mga decision sa buhay?" Ani ni Drex kay Cathy habang nakatuon ang mga mata sa mata ng dalaga. "Kung doon kaya tayo sa Office mag usap ng masinsinan para naman makapag desisyon ka ng maayos, hindi parang ganito parang nasa palengke ka lang." dugtong pa ni Drex.

"Hoy! Kaming mga babae hindi kami trophy, laruan hindi kami manika, hindi kami perfect pero may sarili rin kaming desisyon at opinyon. So desisyon kung dito mo na sabihin sakin. At kung hindi mo magustuhan ang desisyon kailan mong intindihin." Lintaniya ni Cathy kay Drex habang nakakunot ang mga noo ng dalaga at nakatuon lang ang atensyon ni Drex sa dalaga at akmang aalis na sana si Cathy sa kompanya.

"Teka teka." Hinawakan ni Drex ang kanyang kamay at hinarap sa kanya. "Anung pinapalabas mo, na ako ngayun ang may kasalanan? Ha?" Tanung ni Drex at nag iinit na rin ang ulo ng binata.

"Ahh tapos ngayung totoo ang sinasabi ko hindi mo matanggap? Mr. Walang hiya? May isa pa po kayung problema, mababa ang EQ niyo, ang talino niyo nasa utak, bakit kaya hindi niyo eh check ang talino niyo kung meron sa puso niyo tapos yun ang gamitin niyo. Hindi yung init ng ulo, para kang thermos." Mahabang litaniya ni Cathy sa binatang si Drex habang nakatingin mata sa mata ng binata.

"Tumigil ka!" Nanggagalaiting sabi ng binatang si Drex kay Cathy at pariho silang nakatingin sa kanilang paligid ng sabihin iyon ni Drex sa harap niya at sa ibang mga empleyado ng binata. "Tumigil ka na." Dugtong na sabi ni Drex ng mahinahon.

"Ahh hehehe, tapos ngayun. Napipikon ka dahil totoo ang sinasabi ko." Sabi ni Cathy sa harap ni Drex.

"Wala kang alam tungkol sakin, Okay? The next time you talk to me this way, you gonna face a consequence. Naiintindihan mo? Ha!" sabi ng binatang si Drex kay Cathy namay pagbabanta habang nakataas lang ang kilay ng dalagang si Cathy.

"Bakit? Sa tingin mo natatakot ako sayo? Hahaha, hindi ako natatakot sa pagbabanta mo Mr. Walang hiya kahit may ari ka pa nitong kompanyang ito hindi kita sasantuhin." Ani ni Cathy kay Drex.

"Talaga lang ha! Eh di tingnan natin. Sa susunod na mga araw." Ani ni Drex kay Cathy.

"Talaga! Dahil hindi pa ako nakakabawi sa ginawa mong pang iwan sa akin at sa pag halik mo sa akin noong isang araw." Sabi ni Cathy kay Drex habang nakatingin sa magagandang mata ng binata.

"Eh di ikaw bahala! Basta tandaan mo lang yung sinabi ko sayo, isa pang pagsasabi sa akin ng ganun, makakatikim ka talaga sa akin ng Heaven." Sarkastikong sabi ni Drex sa dalagang si Cathy at ngumiti habang nakapamiywang lang ang dalaga sa harapan niya.

"Ako talaga ang bahala, dahil Hinding hindi kita paiisahin. Kala mo ha. Chaka hindi mo rin ako kilala" ani ni Cathy sa binatang si Drex saka may lumapit na isang babae.

"Sir Drex? Excuse to interupt you, but you need to come to the Meeting room, andon na po ang ibang investors at chairmans ng department for the meeting you conducted." Ani ng isang babae na secretary ng binatang si Drex habang nakatingin lang ang dalagang si Cathy sa kanilang dalawa ng binata at secretary nito. "Yun lang po."dugtong ng secretary ni Drex.

"Sige, Bria Wait for a minute tapusin ko lang ang pag uusap ko sa Girlfriend ko." Ani ni Drex sa secretary nito saka umalis na ang secretary sa kanilang harapan.

"Anung sabi mo sa Secretary mo ulit? Paki ulit nga sa akin." Tanung ni Cathy kay Drex.

"Girlfriend! Okay na? Sige na mamaya nalang tayo ulit mag usap may meeting pa ako pumunta ka na sa office ko magpalamig ka, dun tayo mag uusap. Gi na, Heart." Sabi ni Drex kay Cathy sabay kindat sa dalaga at ngumiti. "Mapaturo ka nalang kay Bria kung saan ang Office ko, Heart." Dugtong nito saka tumawa.

"Chi! Umalis kana! Bwesit ka!may pa heart heart la pang nalalaman, Alis na!" sabi ni Cathy kay Drex saka umupo sa Isang sofa.

Nakita ni Cathy na may binulong ang binatang si Drex sa secretary nito at ilang minuto lang ay nilapitan siya nito at inihatid sa office ng binatang si Drex.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα