CHAPTER 19:

187 16 0
                                    


HINDI siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa binatang si Drex. Saglit lang siyang natigilan. Kaagad din ang Paglukob ng relief sa dibdib ni Cathy. It was more than she had expected. Si Drex pa pala ang ka partner niya. Naalala niyang magaling nga pala ito sa freestyle motocross at kayang kaya nito ang stunt na hinihingi sa script. Naalala niya ang isang particular na detalye sa script. Sa pinaka huling eksena ay sa sakay siya sa likod ng motorsiklo nito At yayakap siya rito. Makakatsansing sa kanya ang loko na binatang si Drex.

Ilang Saglit pa ay sinimulan na nila ang rehearsal para sa ilang parte ng Commercial. Nang maging maganda naman ang Takbo ng rehearsal nila, sinimulan na ang Pag kuha sa mga eksena.

"Oh my God, my hat!" Bulalas ng dalagang si Cathy.

Humarorot ang motorsiklo na biglang dumating sakay ang binatang si Drex na naka helmet at sinundan ang kunwari ay lumilipad na sumbrero ni Cathy. Tumuloy tuloy ito sa isang tarmac na hindi gagawing visible sa kuha ng camera. Akalaing ng mga manunuod na bigla na lamang umangat ang motorsiklo sa ere at sinundan ang sumbrero ng naka bitin sa isang camera invisible string. Drex did a one handed trick as he grabbed the hat. And he landed nicely.

"Cut!" Pasigaw na Sabi ng Director. Pinuri nito si Drex At nagpalakpakan din ang production crew. Hindi naman magkanda ugaga sa pagpalakpak si Celine na hindi ma laman kung kanino siya pumapalakpak kay Cathy ba na bestfriend niya o sa binatang si Drex.

Everybody seems to like Drex. No wonder, he was too conceited.

Nang muling sumigaw ng "Action" ang Director ay bumalik sa kay Cathy ang naka motorsiklong si Drex At iniabot sa kanya ang kanyang sumbrero.

Cathy smiled gratefully. "Thank you." Aniya sa binata.

Lumarawan sa mukha ng dalaga ang paghanga nang alisin nito ang helmet at nakita niya ang mukha ng binata. Drex smiled. Kakaiba iyon sa karaniwang ngiting natatanggap niya mula rito kaya totoo ang naging reaksiyon niya. Kakaiba ang Pag titig nito. Kung makatingin ito ay parang gustong manghalik ng torrid.

Bwesit kang lalaki ka! Bakit kailangang napakagwapo mo?

"Excuse me."

Bahagyang napapitlag si Cathy sa biglang Pag Excuse.

"Kanina pa ako cut ng cut," Sabi ng Director.

Hindi ni Cathy narinig iyon dahil abala siya sa pakikipagtitigan At pakikipagngitian kay Drex! Nanunukso tuloy ang tinging ibinigay sa kanya ng Director.

"Baka gusto niyong ubusin ang film ng camera sa titigan niyo." Panunudyo ng Director sa kanilang dalawa ng binata.

Drex grinned. Pakiramdam ni Cathy ay namula ang mga pisngi niya. Baka iniisip ng binata na May Gusto siya rito. Ngi ngi mo Drex! Wala akong Gusto sayong mokong ka! Nagwagwapuhan lang ako! That's all.

Inutusan na siya ng Director na sumakay sa likod ng motorsiklo ni Drex. Inalalayan pa siya ng Director. "Yumakap ka sa kanya." Sabi ng Director kay Cathy.

Yumakap si Cathy mula sa likod ng binatang si Drex. Ito pa mismo ang nag ayos ng Braso niya. Napakahigpit tuloy ng naging pagyakap ni Cathy sa binata. Lapat na lapat katawan niya sa likod ng binata. Pati ang mga hita niya ay nakadikit sa balakang nito At May pakiramdam siyang nag eenjoy ito ng husto. Ini lapit niya ang pisngi sa likod nito At pumikit habang nakangiti sa utos ng Director.

Natapos na ang shooting. Nagkaroon ng Saglit na pictorial At pagkatapos ay nag pack up na.

Lumapit siya sa binatang si Drex ng makita niya itong patungo na sa kotse nito.

"Hey!" Tawag ni Cathy kay Drex.

"Anu yun?" Ani ni Drex habang nakatayo malapit sa kotse nito. "Tubig nga pala oh, Para mawala ang pagka tulala mo kanina sakin." Dugtong ng binata saka Sarkastikong ngumiti.

Tinanggap naman nito ni Cathy saka tinunga hanggang makalahati. "Salamat sa Tubig hA!" Sarkastikong Sabi ni Cathy kay Drex.

"Your Welcome Miss Tulala." Ani ni Drex saka Ngumiti.

"Ang galing mo kanina ah. Napa bilib mo ako." Ang tinukoy niya ang ginawa nitong stunt sa tarmac.

Ngumiti ang Binata. "Thanks."

"Motocross rider ka ba talaga?" Kunwari ay Tanung ni Cathy sa binata.

"Yeah." Ani ni Drex.

"That was nice. At dahil sa galing mo sa motocross riding, man libre ka naman ng snack." Ani ni Cathy.

May ininguso ang binata sa likuran niya. Nilingon niya ang itinuro nito. Nakita niyang naghahanda ng snacks ang production assistants. Tinawag pa siya ng isang PA Para alukin ng pagkain.

"May libre ng snacks ang production. Sumabay kana sa kanila" Tumingin ito sa wristwatch. "May pupuntahan pa ako. At saka alam mo hindi ko talaga alam kung sinasadya mo ito eh." Ani ni Drex kay Cathy habang naka kunot ang kilay ng dalaga. "But one thing is for sure. Hindi ako pumapatol sa katulad mo. I'm sorry." Dugtong pa ni Drex.

"Owww! Hehehe, Excuse me? Hindi ako pumunta At kumausap Para magpapansin sayo." Ani ni Cathy kay Drex.

"Ahhh, talaga? Eh Bakit mo ako ngayun sinusundan kung saan ako pumupunta? hindi ba yun pagpapansin? Come on just admit it." Ani ni Drex kay Cathy.

"Siguro nga!" Ani ni Cathy sa Binata. "Pinagpapantasyahan na nga kita Eh." Bulong ni Cathy sa tinga ni Drex. "Pinagpapantasyahang Sakalin, Alam mo Hindi ko pa nakakalimutan yung mga ginawa mo sa akin, kaya nakakaya pa kitang pakikisamahan ngayun." Dugtong pa nito.

"Ohh Really?" Sarkastikong Sabi ni Drex kay Cathy.

"Ow ow, and by the way kung hindi ka nagkakagusto sa isang katulad ko, hindi rin ako magkakagusto sa isang taong napakasama ng ugali, So kwits lang tayo. Ito oh, Salamat sa Tubig mo!" Ani ni Cathy sabay abut ng Tubig nito habang nakangiti lang sa kanya ang binatang si Drex.

———
MisterSIMPLE_19

Am I late for Valentines Day? Hehehe sorry po handog ko po itong Chapter na ito sa inyo mga KA SIMPLE...

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें