CHAPTER 8:

231 26 0
                                    


PAGKATAPOS ng usapan nina Cathy At nang Ika pitong kliyente niya na si Trina para sa misyon niya sa binatang si Andre Drexler Mavericks o mas kilalang Drex At May-ari ng La Ferrari Motors ay nauna na siya umalis kay Trina dahil pupuntahan niya pa ang kanyang Tiya Isabel At ang dalawang kambal niyang pinsan sa bahay nito.

"Trina, Mauna na siguro ako sayo dahil May importante pa akong gawin mamaya. Update nalang kita sa susunod kung kailan ako magsisimula sa misyon ko sa Lalaking si Drex. Paalam niya kay Trina.

"Sige Cathy, Mag ingat ka pa uwi. Hihintayin ko nalang ang update mo para sa pinapagawa kong trabaho sayo. Salamat ulit sa lahat Cathy. Sagot naman ni Trina sa kanya saka ngumiti ng todo.

Bye!

GoodBye Cathy!

Matapos ang palitan nila ng Paalam sa isa't isa ay lumabas na agad si Cathy sa Restaurant na kinainan nilang dalawang ni Trina. At bago pa man siya dumeritso sa Bahay ng Tiya Isabel niya ay bumili muna siya ng pasalubong sa mga ito.

Nang dumating siya sa bahay ng Tiya niya ay nadatnan niya ito sa Sala at nanunuod ng TV.

"Magandang Hapon po Tiya." Ani ni Cathy sa kanyang Tiya Isabel.

"Oh Iha, magandang hapon naman sayo. Akala ko hindi kana dadalaw dito sakin eh." Panuksong Sabi ng Tiya niya sa kanya.

"Naku! Tiya talaga, pwede ba yun. Chaka pala Tiya san ang dalawang kambal kong pinsan?" Tanung niya dito.

"Nasa itaas siguro, Iha sandali tatawagin ko lang silang dalawa." Sabi ng Tiya niya.

"Wag na po, Tiya ako nalang po. May pasalubong po pala ako diyan kunin niyo nalang At ako na ang bahala sa mga pinsan ko sa itaas Tiya. Mag bihis na rin po kayo pagkatapos niyong manood ng TV dahil mag Di dinner Date tayo. Tiya!" ani ni Cathy sa kanyang Tiya.

"Oh Anung meron Bakit mag aya ka atang mag dinner sa labas Iha? Baka kung anung ginagawa mo sa pera mo ha at ginagastos mo lang sa kung anu anu." Sabi ng Tiya niya.

"Naku po! Hindi po ah minsan na lang kasi tayo magsama samang pamilya Eh kaya ito nag iinvest ng time Para sa inyu dahil May misyon na naman po ako sa susunod eh. Ani ni Cathy sa Tiya niya saka Ngumiti ng todo.

"Ikaw talaga bata ka oh. Baka kung mapahamak ka sa ginagawa mong yan hA. Wag mong pababayaan ang sarili mo dahil wala kami parati ng mga pinsan mo sa tabi mo." Pag alalang Sabi ng Tiya niya.

"Opo, tatandaan ko po yan tiya. Last na po talaga ito Tiya. Saka tumawa. Akyatin ko na po ang kambal. Paalam niya sa kanyang Tiya.

"Oh Siya Sige. Tingnan mo kung anung ginagawa nang mga yan sa kwarto at sabihan mo na rin na May pasalubong ka sa kanilang dalawa." Ani ng Tiya niya.

Matapos ang usapan nila ng Tiya niya ay agad siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay upang puntahan ang dalawang kambal niyang pinsan na sina Marcus At Marco.

Bago pa man siya makapasok sa loob ng kwarto ay kumatok muna siya ng pinto. "Tok tok tok." Katok niya ng pinto.

"Sino yan?" Ani ng baritong boses na si Marcus.

"Your one and only beautiful and sexy Cousin, Catherine Faith Dela Torre. Mga gonggong buksan niyo itong pinto kung ayaw niyong sirain ko ito." Ani ni Cathy sa May pintuan At ngumuti.

"Brad si Insan pala!" Ani ni Marcus na May kausap sa loob ng kwarto.

"Sandali lang Cathy!" Ani ni Marcus.

"Insan sandali lang Mag aayos lng kami ng kwarto." Ani ni Marco.

"Bilisan niyo diyan May sasabihin ako sa inyu. Pipiktusan ko talaga kayo kapag matagal yan. Nangangalay na ako dito" pagalit na sabi ni Cathy sa dalawang pinsan habang ngumingiti.

"Sandali lang naman insan." Ani ni Marcus.

"Bilis na"

"Hito na nga oh! Binibilisan na nga." Ani ni Marco.

"Bilis"

"Ayan na ayan na nga!" Ani ni Marcus At saka binuksan ang pinto ng kwarto.

"Magandang Hapon, Maganda At sexy naming insan." Sabay Sabi nilang dalawa kay Cathy.

"Kanina ka pa ba diyan insan? Nag kausap na ba kayo ni Mama?" Sunod sunod na tanong ni Marco.

"Kararating ko lang!" Ani ni Cathy sa mga pinsan At ngumiti ng todo.

"Ingot ka Insan, Pinabibilis mo kami kanina hA! Piktusan kaya kita." Ani ni Marcus.

Tumawa ng malakas si Cathy dahil sa inasal ng dalawang pinsan niya. "Pinabilisan ko ang galaw niyo dahil kapag Andito lang kayo sa bahay Para kayo mga Pagong nasa kwarto lang. Kung tumulong kaya kayo kay Tiya sa mga Gawain Dito nang magamit niyo naman niyang Mga katawan niyo." Ani ni Cathy sa dalawa.

"Oh Anung atin insan? Bakit pala nakapunta ka Dito sa bahay?" Tanung sa kanya ni Marco.

"Una, May pasalubong ako sa inyu sa baba. Pangalawa, May sasabihin ako sa inyu At pangatlo ay mag didinner Date tayo." Ani ni Cathy At Dana ngumiti sa dalawa. "Oh anu pa tinatayo natin dito? Tara sa baba?" Taya ni Cathy sa kanila.

"Sandali lang bibihis muna kami, insan saglit lang to." Ani ng dalawa.

Pagkatapos nang usapan ng mag pinsan ay nauna nang bumaba si Cathy sa dalawa At ang bihis na muna ang dalawa Para ready to go na mamaya sa Dinner nila sa labas dahil pasado na 5:30pm nang hapon.

Nang makababa ang dalawa agad naman ibinigay ni Cathy ang mga pasalubong nito sa dalawang pinsan niya.

"Success ang Ikaanim na misyon ko sa mga manloloko lalaki mga insan kaya mamaya kakain tayo sa labas." Ani ni Cathy.

"Naku Insan, kailan ka ba titigil diyan sa ginagawa mo? Hindi nga tutul si Mama sa ginagawa mo dahil fan na fan ka niyan pero insan naman babae ka parin hA." Pag alalang Sabi ni Marco sa pinsan niya.

"Oo nga insan, Wala kami parati sa tabi mo para ka bantayan ka, tanging ikaw lang ang makakatulong diyan sa ginagawa mo Pag nagkataon." Dugtong naman ni Marcus.

"Wag kayong mag alala mga insan promise last na talaga itong pang pitong misyon ko sa lalaki." Ani niya saka ngumiti. "Oh ready na ba ang lahat? Nakaayos na ba? 7pm na May Dinner date pa tayo. Tara na! Yaya nito sa mag pinsan At sa Tiya Isabel niya.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя