CHAPTER 20:

188 16 0
                                    


"OKAY then Miss Dela Torre, Magkita nalang tayo muli sa launching ng DRX190. Invited ka." Ngiting Sabi ni Drex kay Cathy saka Binuksan na nito ang kotse niya.

Ganoon na lamang ang pagkulo ng dugo ni Cathy. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ngayun ng binatang si Drex sa kanya. Hindi makakapayag si Cathy na deadmahin siya ng binata sa ika apat na pagkakataon. Lumapit si Cathy sa binata At hinawakan ang naka bukas pa ring pinto. Tumigil ang binata sa aktong pagpasok sa kotse nito.

"Nakakahalata na ako sayo hA." Sarakastikong Sabi ni Cathy sa binatang si Drex.

Kumunot ang noo ng binatang si Drex. "Excuse me?" Tanung ni Drex sa dalagang si Cathy.

"You seem to have this habit of running away every time we meet. Siguro, bakla ka," ani ni Cathy na may panunudyong ngiti sa mga labi nito.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Anung sinabi mo?" Tanung ni Drex kay Cathy.

"Bakla ka! Kaya parang allergic ka sa mga babae. Bakla ka no?" Ani ni Cathy kay Drex habang pilyong ngiti ang pinapakita nito sa binata.

Tila hindi ni Drex nagustuhan ang sinabi ng dalaga. Gusto rin ni Cathy sawayin ang sarili sa ginawa niya sa Binata. Hindi niya tuloy naisagawa ang Plan C dahil nauna ang inis niya sa binata. At kapag naunahan siya ng inis ay pang Aasar ang ginagawa niya.

"Oh, nakita mo ang reaksiyon mo? Alam ko na ang mga ganyang reaksiyon, Eh. Nagagalit ka dahil totoo. Astig astigan kunwari, Bakla pala." Pabulong na patuloy ni Cathy saka umakmang lalayo na sa binata.

Nabigla na lamang siya nang hagipin ni Drex ang kanyang braso At hinila siya nito palapit dito.

Nanlaki ang mga mata ni Cathy nang makita niya ang pagbaba ng mukha ng binata sa kanya. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nakaiwas si Cathy sa pwedeng gawin sa kanya ng binata. Bigla na lamang sinakop ng mga labi ng binata ang mga labi ni Cathy. Parang na estatwa si Cathy sa ginawa sa kanya ni Drex.

Wala pang lalaking nakakahalik sa kanya! Pero hindi pa siya kumikilos Para sawayin ang binata sa ginagawa nito sa kanya, dahil siguro sa labis na shock na naranasan niya nang bigla siyang halikan ng binata ay May Masarap na kilabot na tumulay sa bawat ugat ng kanyang katawan na dulot ng halik ni Drex sa kanya.

Mukhang napilitan lang ang binatang si Drex bitiwan ang mga labi ng dalaga dahil bakas sa mga mata nito ang pagkabitin sa ginawa nitong panghahalik sa dalaga. Kung makatingin ang binata sa mga labi ng dalaga ay parang gusto pa nito ng take two. Shocked pa rin si Cathy habang nakatitig sa binata. Nabanaag ni Cathy ang amusement sa mga mata ng binata.

Kung gaano ang Binatang si Drex ka bilis na naka halik sa dalagang si Cathy ay ganoon din ito kabilis naglaho sa harapan ng dalaga. Wala na ang kotse ng binata nang sa wakas ay maikilos niya ang kanyang katawan. Na tanaw pa ni Cathy ang Papa layong kotse ng binata. Parang gusto niyang habulin ito At komprontahin sa ginawa nito.

•••••••••

Matapos ang Commercial shoot na ginawa ni Cathy sa kompanyang pagmamay ari ng binatang si Drex ay umuwi na sila ng kanyang Bestfriend na si Celine sa kanyang bahay At Parang wala sa sarili si Cathy nang makarating sila sa bahay nito.

Nang makarating sa bahay daritso si Cathy sa kwarto nito ay humiga sa kanyang kama.

"Hoy Besh! Anong bang inginangalngal ngal ngal mo riyan? Ani ng kanyang Bestfriend na si Celine kay Cathy.

Dumapa si Cathy sa kama, saka nag iiyak. HIndi maintindihan ni Cathy ang sarili kung bakit hindi siya nakakilos ang gawan siya nang kapangahasan ni Drex. Ilang beses nang May nagtangkang hagkan siya ngunit lahat ng mga iyon ay nasalag niya sa pamamagitan ng kaalaman niya sa taekwando. May isa na ginamitan niya ng pepper spray. Pero pagdating sa binatang si Drexler ay wala siyang nagawa upang Ipaglaban ang kanyang puri. Hindi na virgin ang mga labi niya dahil nga naman sa halik na ginawa sa kanyang ng binatang si Drex.

Tumihaya siya At pinunasan ang mga luha niya. "Hindi mo naiintindihan, Besh. First kiss ko yon! Iniingatan ko ang First kiss ko. Ang Sabi ko ibibigay ko Lang ang First kiss ko sa taong una kong Mama halin." Litaniya ni Cathy kay Celine habang humihikbi pa.

"Ang OA mo, Besh! Parang first kiss lang. Kung nakareact ka parang ni rape ka ni Drex ah." Sabi ni Celine kay Cathy.

"I hate that jerk! Naka isa siya sa akin. Hindi ko matanggap na ni hindi ko boyfriend ang unang naka halik sa akin. Sumusobra na siya ang Dami ng kasalanan niya sa akin. Magbabayad siya!" Ani ni Cathy kay Celine.

"Ikaw naman ang May kasalanan, Eh. P in rovoke mo si Drex. Akala ko ba Plan C ang gagawin mo sa kanya?" Curious na Tanung ni Celine sa kanyang Bestfriend na si Cathy.

"Hindi ko nagawa dahil naunahan ako ng inis! Inasar ko siya. Hindi ko naman akalaing napakapikon pala niya." Ani ni Cathy sa kanyang Bestfriend na si Celine saka ngumiwi rito.

"Pero Teka, Masarap ba siyang humalik?" Curious na Tanung ni Celine kay Cathy saka ngumiti ng todo.

Lalong lumakas ang atungal ni Cathy. Iyon na nga ang ipinagsisintir ng dibdib niya. Mukhang nasarapan siya sa halik ng binatang si Drex.

"Ewan ko sayo, Besh! Tumahimik ka diyan hA. Puyat ako kaya Please. Umalis kana sa kwarto ko." Ani ni Cathy kay Celine.

"Besh naman oh, Hindi ko pa kasi nasubukan kay Cram. Ayieeeeh.." kilig na sabi ni Celine kay Cathy.

"Gaga ka Besh! Bahala ka diyan! Umalis kana Dito At saka kung Gusto mo malaman eh di subukan mo sa boyfriend mong si Cram." Ani ni Cathy kay Celine.

"Haist! Bahala ka diyan Besh. Sige na aalis na ako. Kung May kailangan ka andon lang ako sa sala magchichikahan lang kay Cram tungkol sa kiss na yan." Kilig na Sabi ni Celine kay Cathy saka ngumiti ng todo.

"Buti pa nga! Alis na!" Ani ni Cathy kay Celine at tinulak ang besfriend niya palabas sa kwarto niya.

———
MisterSIMPLE_19

Mga KA SIMPLE, Late na ba ako sa Valentines?? Hehe sorry po Handog ko po itong Chapter na to sa inyung lahat... *wink*

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now