CHAPTER 29:

170 10 0
                                    


PAGKATAPOS ng Exclusive Date nila hinatid na agad si Cathy ni Drex sa tinutuluyan nitong bahay, Ang bahay ng Tiya Isabel niya.

"Sino siya Cathy?" Tanung sa kanya ng Tiya Isabel niya. Lumabas ito ng bahay nang may narinig na kotse mula sa tapat ng bahay nito. Inihatid ni Drex si Cathy doon pagkatapos nilang mag dinner sa labas. Lumabas si Drex ng kotse at lumapit sa Tiya Isabel ni Cathy.

"Tiya, siya si—" Ani ni Cathy ngunit hindi ito natapos dahil agad na nagsalita ang Tiya ni Cathy.

"Ang lalaki sa commercial at ang napabalitang nobyo mo!" Bulalas ng kanyang Tiya Isabel.

Tumango na lamang si Cathy. "Siya si Drex, Tiya."

"Drex? Abay kagwapo naman nireng nobyo mo, Cathy." Pagpapakatotoo ng Tiya ni Cathy.

Ngumiti si Drex. "Magandang Gabi po." Sabay mano ni Drex sa Tiya Isabel ni Cathy.

"Kaawaan ka ng Dios" Curious na tanung ng Tiya ni Cathy. "Kayo na ba talaga?"

"Nasa getting to know each other stage pa lang kami, Tiya." Agad na sagot ni Cathy sa kanyang Tiya Isabel.

Gumuhit ang nanunudyong ngiti sa mga labi ng Tiya Isabel ni Cathy habang pinaglilipat lipat ang tingin sa kanila ni Drex. "Bagay kayo!" Humagikhik pa ito. "Halika pumasok ka, Pogi." Dugtong pang sabi ng Tiya Isabel niya kay Drex.

"Hindi na ho, Gabi na Masyado," Tanggi ni Drex sa Tiya ni Cathy.

"Okay lang. Hindi pa naman kami matutulog. Ipakilala ko rin sayo ang mga anak ko." Ani ng Tiya ni Cathy kay Drex.

Tumingin si Drex sa kay Cathy. Tila humihingi ito ng tulong sa kanya. Mukhang ayaw talaga ni Drex pumasok. Di nidma ni Cathy ang pahiwatig ng Binata. Saka hinila ni Cathy si Drex papasok sa loob. "Tara na."

"Nasaan na sina Kuya Marcus at Kuya Marco?" Tanung ni Cathy sa Tiya Isabel niya nang hindi niya makita sa loob ng bahay ang dalawang pinsang Kambal. Pinaupo ni Cathy si Drex sa sofa at tumabi siya rito.

"Hindi pa dumarating, sayang nga at gusto ko pa namang makilala ni Drex ang mga pinsan mo Cathy. Alam mo, Drex, ang mga anak ko, sobrang protective kay Cathy ang mga iyon. Kaya walang nagtatangkang manloko sa dalaga namin ay dahil may libreng bodyguards si Cathy. Si Marcus, ang panganay ko ay isang bodybuilder at alam mo nanalo na siya sa patimpalak na yun. Si Marco naman, Martial arts trainer." Pagmamalaki ng Tiya Isabel ni Cathy sa mga Anak nito.

Dialogue na iyon ng Tiya Isabel ni Cathy sa tuwing may lalaking naghahatid sa kanya o umaakyat ng ligaw. Iyon ang bilin ng dalaga sa Tiya niya. Pero mukhang walang epekto kay Drex ang narinig mula rito.

"Kaya nga marunong ding mag taekwondo si Cathy ay dahil kay Marco." Patuloy ng Tiya Isabel niya.

Tumingin kay Cathy si Drex. "Marunong kang mag tae kwon do?" Tanung ni Drex sa dalaga.

"Ay, Oo naman." Ang Tiya ni Cathy ang sumagot para sa dalaga. "Nabalian na ng buto ni Cathy ang isang lalaking noong may nagtangka sa kanya ng masama." Dugtong pa ng Tiya Isabel nito.

Tila namangha si Drex sa narinig. Ngumiti lang si Cathy sa binata. "Wait lang, ha. Maghahanda lang ako ng maiinom." Ani ni Cathy sa binatang si Drex.

Mula sa kusina ay dinig ni Cathy ang tinig ng Tiya niya. Ipinagmalaki siya nito kay Drex na tila ibinebenta siya. Hindi naman ito ganoon sa mga lalaking nagpupunta roon kay Drex lang.

"Ito ang mga anak ko..." malamang ay ipinakita ng tiya niya ang mga larawan ng mga pinsan niya.

"Mukha nga ho silang nananakit." Ani ni Drex saka ngumiti ng mapakla.

Tumawa ang Tiya Isabel ni Cathy. "Kayo ho ba ito?" Tanung ni Drex na nahuhulaan ni Cathy na nagtuturo ng isang larawan.

"Oo. Ang ganda ko noong dalaga, di ba?" Pagmamalaking sabi ng Tiya ni Cathy.

"Opo. Eh, ito po?" Tanung ni Drex sa katabi pa nitong larawan.

"Siya si Carine, ang mama ni Cathy." Sagot ng Tiya Isabel ni Cathy.

"Nasaan na po siya?" Tanung ni Drex sa Tiya ni Cathy.

"Nasa langit na." Malumanay na sagot ng Tiya Isabel.

Walang may narinig na reaksiyon si Cathy mula kay Drex.

"Nine years ago pa. Wala na rin ang walang kwentang ama ni Cathy. Ulilang lubos na ang pamangkin ko." Malungkot na sagot ng Tiya Isabel ni Cathy kay Drex.

Napilitang lumabas sa sala si Cathy kahit hindi pa masyadong nahahalo ang Iced tea na tinimpla niya sa pitsel. Naabutan niya si Drex na nakatitig sa larawan ng Mama niya at tila may malalim na iniisip.

Inilapag ni Cathy ang pitsel at mga basong may lamang ice cubes. "Inuman muna tayo," Masiglang yaya ni Cathy sa Tiya Isabel niya at kay Drex.

Nang tingnan siya ni Drex ay nabanaag niya ang curiosity sa mga mata ng binata. Pakiramdam ni Cathy ay gusto nitong malaman ang istorya ng buhay ng dalaga. Pasensya ka na Drex dahil hindi ko ikukuwento iyon sayo. Wala kang karapatang malaman pa iyon. Kapag nagawa ko na ang trabaho ko sayo ay mawawala ka na sa buhay ko. Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

"Sige na, Uminom muna kayo dito at May gagawin pala ako doon sa kusina." Sabi ng Tiya Isabel ni Cathy. "Cathy, Ikaw na bahala sa bisita mo ha, Iho Feel at home." Dugtong pang sabi nito sa dalawa.

"Sige po Tiya, Salamat," ani ni Cathy sa Tiya Isabel niya.

"Salamat rin po, Sa Mga Kwento niyo nag enjoy talaga ako. Sana po masundan pa iyon." Ani ni Drex sa Tiya ni Cathy.

"Oo ba, Pagdumalaw ka ulit dito, Iho." Sagot namanng Tiya Isabel ni Cathy saka ngumuti at umalis na patungo sa Kusina.

"Eh, Anu naman ang nalaman mo tungkol sa akin?" Nakataas ang kilay na sabi ni Cathy.

"Kunti pa lamang eh, Gusto ko sana Alamin pa ang buhay mo nang sayo nanggaling pag ikaw ang nakwento." Sagot ni Drex sa dalagang si Cathy sabay tungga ng Iced Tea.

"Aba'y subra subra na ata yun ah. Eh hindi ko nga rin alam ang buhay mo tapos ako magsheshare ng buhay ko. Unfair yun, No." ani ni Cathy. "Chaka pala, Gabi na Umuwi ka na nga." Dugtong pang sabi ni Cathy sa kanya.

"Pinapauwi mo na ba ako?" Tanung ni Drex sa dalaga.

"Oo kaya umuwi kana baka gabihin ka sa daan. Dilikado na mag-alas diyes na oh." Ani ni Cathy sa binata.

"Bitin naman. Sige na nga. sige Bye." Ani ni Drex kay Cathy saka hindi sinasadyang nahalikan ng binata ang pisngi ng Dalaga.

Natulala ang Dalaga sa ginawa ng Binata sa paghalik sa pisngi nito at nawala parang bula ang binata sa harapan niya. Narinig niya nalang ang pag andar ng makina ng kotse ng binata saka humarurut palayo sa bahay ng Tiya Isabel niya.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now