CHAPTER 9:

232 27 0
                                    


CATHY eyed the man beside a big motorbike. May burda ng logo ng La Ferrari ang rider gear nito. May hawak itong helmet. He seemed ready to ride his motorcycle.

Andre Drexler or Drex was a motocross rider aside from being an owner and President of one of the leading car and motor vehicle brands. He was an FMX rider, to be exact. Kumakarera din ito ngunit mas Gusto nito ang freestyle motocross. Isa iyon sa mga nalaman niya tungkol dito mula kay Trina.

Sa totoo lang ay mahilig siya sa motor racing. Although Hindi matatawag na racing ang freestyle motocross ay Gusto pa rin niya ang larong iyon. In fact, sa cable channel ay nanonood siya ng mga televised games ng foreign competitions.

Andre Drexler was more handsome in person. Kanina pa niya sinusubaybayan ang bawat galaw nito. Bago siya umatake ay tinutugaygayan muna niya ang mga lalaking nagiging misyon niya upang mapag aralan niya ang tamang diskarte na gagawin Para rito. Nakaladlad ang mahabang buhok niya nang araw na iyon. Naka sombrero At malaking shades siya upang maitago niya mag kanyang mukha.

Nang nagdaang gabi ay nagtungo siya sa bar na madalas daw puntahan ni Drexler. Tiyempong nakita niya ito roon. Narinig pa niya ang pangalan ng alak na ini order nito sa bartender at ang pakikipag flirt nito sa isang babae roon.

Mukhang madadalian siya sa isang ito. Bakit, dahil tila pareho lamang ito At si Dior. Madali lamang niyang maaakit ito At magiging alipin ng makamandag niyang alindog.

Nagsimula nang pumuwesto si Drex sa start spot. He looked very confident. Tila wala man lang itong katakut takot sa katawan. Pinaandar na nito ang Motorsiklo patungo sa tarmac. Napahugot si Cathy ng malalim na hininga nang bigla ay nasa ere na ito At gumagawa ng isang mahirap na trick. It was a cancan backflip ang he did the stunt perfectly.

"Wow!" Mahinang sambit niya na manghang mangha sa ginagawa ng binatang si Drex.

Kung hindi lang niya alam na isang heartbreaker ito, malamang ay nagka crush na siya rito. Sa ikalawang pagrampa nito ay ginawa nito ang underflip trick. Sa ikatlo ay ang pinaka mahirap na trick, ang front flip. He obviously wowed the crowd. Ang mga babae ay tumitili Para dito.

Nakakasiguro na siyang ito ang mananalo. Huling leg na pala iyon ng FMX championship series. Maya maya nga lang ito na ang nakatapak sa pinakamataas na baitang sa winner's platform. Hindi lamang iyon ang parangal na nakuha ng binata. Itinanghal din ito bilang Rider of the Year.

He was grinning from ear to ear as he Raised his two trophies. Ipinapangako niyang buburahin niya ang ngiting iyon... ani ni Cathy sa sarili niya habang tanaw na tanaw ang magandang alindog ng binatang kanina pa ngiti ng ngiti sa madla.

•••••••••

LUMAKAD si Drex patungo sa bar nang makapasok siya sa Freestyle Bar na pinagmamay ari nilang tatlong mag bestfriend kasama na siya don at sina Dior At Cram. Doon siya malimit magpunta dahil Pag aari iyon nilang magkakaibigan pero si Cram ang namamahala nito habang siya naman ay sa La Ferrari Motors na siya mismo ang nagtayo.

"Jan, one glass of Bubble Blue Wine on the rocks." Ani ni Drex sa bartender ng Bar habang nakangiti ng bahagya.

Napatingin siya sa may ari ng tinig na sumabay sa kanya. Bubble Blue Wine rin ang inorder ng babae na nakatayo sa isang stool ang pagitan mula sa kanya.

Nang bumaling ito sa kanya ay natigilan siya. She was beautiful. No, she wasn't just beautiful. She was breathtakingly beautiful. Her chestnut brown locks looked seductive. Her almond-shaped eyes were lovely. Her nose was delicately pointed. Her red lips looked kissable. Her skin was fair and smooth. Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito. Naka suot ito ng itim na haltered dress na hanggang Kalahati lamang ng hita nito ang haba. She had a nice body. She was sexy from head to toe. Umupo ito sa stool. Her graceful movement and poise were fascinating.

"Miss, ikaw ba yong model sa Red Velvet Shampoo?" Pormal na tanong ng bartender sa babae.

Tumango ang babae. "Yes, that's me." Daritsong sagot nito sa bartender.

So, she was a model. Hindi nakapagtataka iyon dahil napakaganda nito. Kung sasabihin nga nito na isa itong diyosa na nagtungo sa mundo ng mga mortal ay paniniwalaan niya ito.

"Si Catherine Faith Dela Torre ka ba?" Tanung ng isa pang bartender na nakikinig rin sa usapan nito.

"Aha," tugon ng magandang babae At saka ngumiti sa mga ito. Halata sa mukha ng dalawang bartender ang matinding paghanga  sa babae.

Catherine Faith Dela Torre. It rang a bell. Tumingin uli siya rito. Wala itong karea reaksiyon sa paglalaway ng dalawang bartender. He watched her sip her glass of Bubble Blue Wine sexily.

Then it suddenly hit him. Catherine Faith Dela Torre Ang pangalan ng babaeng kinabaliwan ni Dior, ang babaeng naging dahilan kung bakit hindi makalakad ngayun ang kaibigan niya. Malaki ang posibilidad na ito nga ang babaeng iyon.

"She's smoking hot. She looks delicious... from head to toe."

Tamang-tama ang pagkaka describe ni Dior sa babae. May dahilan nga talaga si Dior Para mabaliw sa babaeng ito. Nag uumapaw ang karisma ng babae. Sa katunayan at nakatanga pa rin dito ang dalawang bartender. At titig na titig sa babaeng kina usap nila kani kanilang lamang. Sa totoosin naman talaga ay napaka mapang akit naman talaga ang alindog ng babaeng kanina pa rin niya Tinitigan.

"Catherine Faith Dela Torre... Isa kang Diyosa Di lang sa mga mata ko kundi pati sa puso't isip ko."

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now