CHAPTER 39:

182 8 0
                                    


SINAMAHAN ni Cathy si Celine na mag pa check up. Dumadalas na raw kasi ang panghihilo nito. May kakilala si Cathy na magaling na doctor sa isang ospital at doon niya ito dinala. Naglalakad sila sa pasilyo ng ospital nang makita nila si Sofia.

"Anong ginagawa mo rito? Nakakunot ang noong Tanung ni Sofia kay Cathy.

"Sinamahan ko lang itong bestfriend kong si Celine. Nag pa check up siya." Sagot ni Cathy kay Sofia.

"Hi!" Bati pa ni Celine kay Sofia.

Tinanggap niya ang kamay ni Celine saka ngumiti. "Ahhh Oo ikaw yung asawa ni Cram." Ani ni Sofia kay Celine. "Cathy, Nandito pala si Dior. Kakatapos lang ng third operation niya." Dagdag pang sabi ni Sofia kay Cathy.

"Talaga? Kamusta na siya? Makakalad na ba siya pagkatapos ng operasyon?" Curious na tanung ni Cathy kay Sofia.

"Hindi pa. Marami pang operasyon at therapies ang kailangan pero pasasaan pa at makakalad din siya pagkatapos ng lahat ng therapies niya, sabi ng doctor niya sakin." Sagot ni Sofia kay Cathy saka ngumiti.

"Mabuti naman kung ganoon, Sofia. Ako ang may kasalanan nito." Malungkot na sabi ni Cathy sa kay Sofia. Totoong nagsisisi si Cathy sa nagawa niya kay Dior. Mula nang magmahal siya ay nawala na ang galit sa puso niya sa mga lalaking katulad ni Dior.

Umiling si Sofia. "Ako talaga ang may kasalanan ng lahat. Kaya nga pinagbabayaran ko ang kasalanan ko. Tinitiis ko kahit ayaw niya akong makita at makasama para lang mapagsilbihan ko siya. Para lang mabayaran ko ang nagawa ko sa kanya." Malumanay na sabi ni Sofia na parang maluluha na sa sinasabi nito.

Tumikhim si Celine. "Excuse me, Cathy. Doon muna ako sa Ob-gyne ha sunod ka nalang kapag tapos na kayong mag usap." Ani ni Celine saka lumakad na papunta sa Office ng OB.

"I'm sorry, Sofia." Malungkot na sabi ni Cathy kay Sofia.

"I love him, Cathy. Mahal ko pa rin siya. Alam kong katangahan pero—" ani ni Sofia ngunit kaagad na naputol dahil agad na nagsalita si Cathy.

"Naiintindihan kita. Nagmamahal na rin ako ngayun." Ani ni Cathy kay Sofia at tinapik nito ang balik ni Sofia.

"Talaga? Ibig sabihin, hindi ka na galit ngayun sa mga babaero? Hindi ka na tumatanggap ng ganoong klae ng trabaho? Ani ni Sofia kay Cathy.

Hindi kaagad si Cathy nakasagot. Kung alam mo lang, Sofia. Ang kahat ng pinagdadaanan ko ngayun. Sagot ni Cathy kay Sofia sa kanyang isipan. "Hindi na. Wala na akong planong gawin ulit iyon." Sagot ni Cathy kay Sofia saka ngumiti.

"Gusto mo bang masilip si Dior? Tanung ni Sofia kay Cathy.

"I don't think its a good idea. Alam naman nating galit pa rin siya sakin sa ginawa ko sa kanya." Ani ni Cathy kay Sofia.

Tumango si Sofia sa sinabi ni Cathy. "But Just in case, gusto mo siyang silipin, nasa room one-four-three siya. Uuwi lang ako sandali. Babalik din ako mayamay." Sabi ni Sofia kay Cathy.

Nagpaalamanan na sila ni Sofia. Pupuntahan sana ni Cathy si Celine nang makasalubong niya si Drex.

"Cathy, anong ginagawa mo rito? Tanung ni Drex kay Cathy.

"Sinamahan ko lang si Celine magpa check up hindi siya kasi masamahan ni Cram kay importante ang inaasikaso nito sa Bar. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Balik na tanung ni Cathy kay Drex.

Saglit na tila hindi ni Drex alam ang isasagot. "Ah...may dadalawin akong kaibigan." Maang na sagot ni Drex sa dalagang si Cathy.

"Sinong kaibigan?" Curious na tanung ni Cathy kay Drex. Nakilala na kasi ni Cathy ang mga kaibigan nitong sina Jan at Marvin.

"Hindi ko pa siya naipakilala sayo. He had just undergone an operation. Galing ang sa isang meeting kaya dumaan na rin ako rito bago bumalik sa office." Ani ni Drex kay Cathy.

"Gusto mo bang samahan na kita? Ani ni Cathy kay Drex.

"No." Mabilis na tugon ni Drex kay Cathy.

"Bakit naman?" Natatakang tanung ni Cathy kay Drex habang nakakunot ang noo.

"He has a very sensitive condition. Hindi siya pwedeng makita ng iba." Sagot ni Drex kay Cathy.

"Okay. Anung floor ba ang room ng kaibigan mo?" Tanung ni Cathy kay Drex.

"Fifth" ani ni Drex sa dalaga.

"Ahh, okay. I'll see you tonight." Sabi ni Cathy kay Drex.

Hinagkan si Cathy ni Drex sa pisngi bago sila naghiwalay. Na curious si Cathy kung sino ang kaibigan ni Drex at kung bakit tila naumid ang dila nito nang tanungin niya kung ano ang ginagawa nito sa ospital na iyon. Natagpuan na lamang ni Cathy ang sariling umaakyat sa fifth floor.

Lumilinga linga si Cathy sa pasilyo habang naglalakad sa pag asang makikita si Drex. Napahinto siya sa room one-four-three na siyang silid ni Dior ayon kay Sofia. Tiningnan niya ang pangalan nito sa pinto. Isang araw, lalapit siya rito at hihingi ng paumanhin sa ginawa niya rito, ngunit hindi pa iyon ang tamang panahon. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. Ngumiti ito sa kanya. Iniwan nitong bahagyang nakaawang ang pinto sa pag aakalang papasok siya. Natukso tuloy siyang sumilip sa bahagyang siwang sa pinto nang makalayo na ang nurse.

Wala si Cathy makita kundi dingding. Suite ang silid kaya natural na malaki ang loob niyon. Malamang na nasa pinakaloob pa ang kama ng pasyente ngunit dinig niya ang tinig ni Dior na may kausap.

"Anyway, ano nang nangyari sa ipinapagawa ko sayo pare?" Tanung ng isnag boses sa loob ng room.

Wala si Cathy narinig na tulog.

"Have you made her fall for you? Effective ba ang naisip kong plano para magkaroon ka ng chance na mapaibig siya? Dugtong pang tanung ng boses na kaninay nagtanong.

"Actually, Pare. Kami na." Sagot ng isang boses sa nagtatanong kanina na pamilyar kay Cathy.

Parang boses iyon ni Drex ah! Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon