CHAPTER 42:

191 7 1
                                    


ARAW ng Lunes. Iyon ding araw ay pinuntahan ni Cathy si Dior sa bahay nito para humingi ng tawad sa nagawa niya. Alam niyang may kasalanan ito sa kanya pero mas mabigat ang kasalanan niyang nagawa sa Binata.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanung ni Dior kay Cathy.

Sumadya si Cathy sa bahay ng Binata. Lahat ng lalaking sinaktan niya nang intensiyonal ay napuntahan na niya upang humingi ng tawad. Ang masakit na nangyari sa kay Cathy ang nagtulak sa kanya upang magdesisyon siyang gawin iyon. Wala siyang karapatang maghiganti o ipaghigante ang ibang tao. Diyos lamang ang may karapatang gawin iyon sa mga taong nagkasala. Pinatawad na siya ng limang lalaki na sinaktan niya. Now it was her turn to ask Dior's forgiveness. Wala siyang karapatang magalit ditosa paghihiganting plinano ng binata ara sa kanya. Nauunawaan niya kung bakit nito nagawa iyon. Siya rin ang may kasalanan kung bakit ni Dior naisipang gawin iyon sa kanya.

"I'm here to say sorry, Dior. Alam kung nasaktan Kita. Ako ang dahilan kung bakit nangyari sayo yon." Ani ni Cathy ang tinutukoy ay ang mga paa ni Dior. "Alam kung galit ka sa akin. Tatanggapin ko kung mumurahin ko ako. Alam kung napakalaki ng kasalanan ko sayo. Nagsisisi na ako." Dugtong pang sabi ni Cathy sa harapan ni Dior.

"Bakit mo ginawa iyon, Cathy." Ani ni Dior na may matinding hinanakit sa tinig ng binata.

"I'm sorry. Hindi ko pwedeng sabihin." Ani ni Cathy. Kailangan niyang protektahan si Sofia.

"Bakit hindi mo pwedeng sabihin?" Curious na tanung ni Dior kay Cathy.

Yumuko lamang si Cathy. At hindi sumagot sa tanung ni Dior.

"Sumagot ka, Cathy. Bakit mo ginawa sa akin iyon?!" Malakas na tanung ni Dior kay Cathy.

"Walang kasalanan si Cathy." Sabad ni Sofia na bigla na lang sumulpot sa likoran ni Cathy. "Ako ang may kasalanan, Dior. Ako ang nag utos kay Cathy para paibigin at saktan ka para makaganti ako sa ginawa mo sa akin noon." Dugtong pang sabi ni Sofia.

"What?!" Bulalas ni Dior.

"And I'm sorry for what I've done. Hindi ko dapat ginawa iyon. Nabulag ako ng galit dahil subra akong nasaktan." Malungkot na sabi ni Sofia sa harapan ni Dior.

"I don't understand." Naguguluhang sabi ni Dior sa harapan nina Cathy at Sofia.

"Sana, maintindihan mo si Sofia sa nagawa niya dahil ganoon din ang ginawa mo,." Ani ni Cathy. "Naghiganti siya dahil nasaktan siya. Gumamit siya ng ibang tao para gawin iyon para sa kanya. Ganoon din ang ginawa mo nang gamitin mo si Drex para paghigantihan ako." Malungkot na bigkas ni Cathy sa kay Dior na parang maluluha na.

Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Dior. Hindi marahil ng Binata inakala na alam na ni Cathy ang ginawa nito para magantihan si Cathy.

"Nakaganti ka na rin, Dior. Nagtagumpay kayo ni Drex na saktan ako. Minahal ko siya... nang sobra sobra..." Hindi na ni Cathy napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. "Nasaktan ako nang malaman kong inutusan mo lang siya para gantihan ako. Hindi pala niya ako totoong mahal. Pinaibig niya lang pala ako para saktan sa bandang huli tulad ng ginawa ko sayo noon." Dagdag pang sabi ni Cathy.

Hindi alam ni Cathy kung para saan ang pagtatakang lumarawan sa mukha ng Binata.

"Alam mo bang supposedly, biktima ko rin sana si Drex? Trina hired me to avenge her. She told me to break Drex's heart for her. Noong una, pinagplanuhan ko nang masama si Drex nagbago ang plano ko nang makasama ko siya. Nakalimutan ko ang usapan namin ni Trina. Nakalimutan ko ang takot ko na magmahal at masaktan lang. And it was all because I fell in love with him. Sinubukan kong talikuran si Trina. Sinubukan kong ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Drex. Ayoko siyang saktan dahil mahal ko siya. Until I heard you and Drex talking about your scheme against me." Ikinuwento ni Cathy sa kay Dior kung paano niya natuklasan ang planu nito laban sa kanya. "Naiintindihan kita, Dior. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa iyon. Sana, magkapatawaran na tayo. Tutal, pare pareho naman tayong nasaktan." Ani ni Cathy kay Dior saka pinahirapan ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito.

Dior looked at Cathy as if he wanted to say something. Umiling lang ang binata at yumuko.

"Sorry sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sayo, Dior. At sana sa muli nating pagkikita mapatawad mo ako. Sorry ulit." Ani ni Cathy sa akmang tatalikud na nang biglang nagsalita si Sofia.

"Sorry din, Cathy. Alam kong ginamit kita para saktan si Dior. I'm really Sorry." Ani ni Sofia.

"Walang anuman, Sofia. Wala ka namang kasalanan." Ani ni Cathay kay Sofia. "Sige alis na ako, May importanteng bagay pa akong kailangan gawin, Eh. Nagpunta lang talaga ako dito para humingi ng tawad kay Dior." Ani ni Cathy saka tumingin kay Dior. "Sige, Alis na ako." Dugtong na sabi ni Cathy.

"Cathy, Sandali lang." ani ni Dior kay Cathy. "Pinapatawad na kita at sana patawarin mo rin ako sa ginawa ko. Wala ako ngayun sa pudir para sabihin sayo ang iba pang bagay. Sana magkausap muli kayo ni Drex nang maayos." Ani ni Dior kay Cathy.

"Salamat, Dior dahil pinatawad mo ako. At ikaw din pinapatawad na kita." Ani ni Cathy saka nilapitan niya si Dior at niyakap. "Hindi ko pa alam Dior kung kaya ko pa siya harapin ngayun. Pero Subukan ko." Dagdag na sabi ni Cathy kay Dior.

"Wag mo sanang panatilihin ang sakit sa damdamin mo, Kausapin mo siya malay mo magkaayos kayo." Ani ni Dior saka ngumuti. "At ikaw, Babae." Baling ni Dior kay Sofia.

"Anung ako?" Tanung ni Sofia.

"Sorry din kung nasaktan kita, Sana mapatawad mo rin ako." Nahihiyang sambit ni Dior kay Sofia.

"Alam mong lalaki ka, kahit pinapahirapan mo ako parati? Matagal na kitang pinatawad. At sorry rin sa ginawa ko sayo. Hayaan mo aalagaan kita hanggang makalakad kana nang lubusan." Ani ni Sofia kay Dior.

"Tayo pa naman diba?" Nakakamot sa ulong tanung nito.

"What?! Pakiulit nga yung sinabi mo." Ani ni Sofia kay Dior.

"Will you be my Girlfriend?" Nahihiyang sabi ni Dior kay Sofia saka ngumiti.

"My God, Dior! Oo na, Oo!" Bulalas ni Sofia kay Dior saka niyakap niya ang binata at hinalikan sa labi.

"Aahhemm. May tao pa rito. Masaya ako para sa inyu Dior, Sayo rin Sofia." Ani ni Cathy sa kanilang dalawa.

"Thank you, Cathy." Ani ni Sofia. "Kayu rin sana ni Drex magkaayos na." Dugtong na sabi nito.

"Sana nga, Sofia." Ani ni Cathy. "Sige ha, Congrats ulit. Alis na ako." Ani ni Cathy kay Sofia.

"Cathy, Yung sinabi ko sayo ha." Ani ni Dior kay Cathy.

"Oo na nga Dior." Sagot ni Cathy sa binata.

Sana nga magkausap na kami, Pero nasaan na ba ang mukong na yun matapos naming magkausap noong isang araw? Mahal na Mahal kita, Drex. Sana wag mong damdamin masyado yung sinabi ko, kabaliktaran lahat ng yun. Ani ni Cathy sa kanyang isipan saka umalis na sa bahay nina Dior.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now