CHAPTER 37:

175 7 0
                                    


YUMAKAP ang dalagang si Cathy mula sa likod ni Drex nang makasakay siya sa motorsiklo nito.

"Ready?" Tanung ni Drex kay Cathy.

"Ready!" Ani ni Cathy sa binata.

Pinasibad na ni Drex ang motorsiklo nito. Napatili ang dalaga sa ginawa niya. Everyday with Drex was like riding a DRX190. Sobrang exciting, sobrang sarap sa pakiramdam at talagang napapatili ako sa saya sa ginagawa ng lalaking ito sakin. Ani ni Cathy sa kanyang isipan. Noon lamang ng dalaga naramdaman ang ganoong klaseng saya.

Tama si Mama— masarap umibig. Kaya pala hindi napagod magmahal si Mama. Kahit tatlong beses na siyang nasaktan ay minahal niya parin ang aking ama. Ani ni Cathy sa kanyang isipan. Naiitindihan ng dalaga kung bakit gusto ng kanyang ina na umibig din siya.

Masaya si Cathy. Iyon lang ang gusto niyang isipin. Ayaw niyang isipin si Trina at ang trabaho niya rito. Ayaw niyang isiping maaari siyang saktan ni Drex balang araw, na baka hindi ito ang lalaking magmamahal sa kanya nang totoo. Basta ang alam ni Cathy ay masaya siya sa atensiyon at apeksiyong ibinibigay ni Drex sa kanya. Napakasarap nitong magmahal. Inirerespeto nito ang mga desisyon niya. At dahil doon, Naisip ni Cathy na baka si Drex na ang lalaking hinahanap niya. Baka ito na ang lalaking pangarap ng kanyang ina para sa kanya.

Ipinakilala si Cathy ni Drex sa mga magulang at kapatid nito matapos bumisita ang mga ito sa Pilipinas. Tulad ng sinabi ng binata ay mabait nga ang pamilya nito. They made her feel at home. Natuwa siya nang malamang siya lamang ang kaisa-isang babaeng ipinakilala ni Drex sa pamilya nito. Ibig sabihin ay talagang seryoso ang binata sa kanya.

Isang gabi ay pumunta sila sa isang Forest resort. "May ipapakita pala ako sayo, ito yung lugar kung saan ako parati nagtatambay kapag masaya ako at may na-aachieve ako sa kompanya. Tara samahan mo ako." Ani ni Drex sa dalaga. Pumunta sila doon at nakita ng binata na manghang mangha ang dalaga sa nakita may isang Bench na nakaharap sa lawa at tanaw na tanaw nila ang ganda ng lawa dagdagan pa ng bilog na buwan. Umupo silang dalawa nang makarating doon. Sumandal si Cathy sa dibdib ng binata at niyakap naman siya ni Binatang si Drex.

"Sorry and I love you." Bulong ni Drex pagkatapos hinalikan nito ang noo ng dalaga.

Ngumiti si Cathy. Bigla bigla ka nalang nagsasalita ng ganoon salita at heto naman ako kilig na kilig sa tuwing ginagawa mo ang mga bagay na iyon. Binalingan ni Cathy si Drex. "Punta tayo sa sunday sa puntod ni Mama." Ani ni Cathy sa binata.

"May okasyon ba sa Sunday?" Tanung nito.

"Wala. Gusto lang kitang ipakilala sa Mama ko." Ani ni Cathy saka ngumiti.

Nakita ni Cathy ang pagkunot ng noo ni Drex. "Di ba naipakilala mo na ako?"

"Naipakilala kita bilang fake boyfriend ko. Pero hindi pa kita naipapakilala bilang totoong boyfriend ko." Ani ni Cathy kay Drex.

"Oo nga, no" ani ni Drex kay Cathy.

"Ipakilala kita kay Mama bilang lalaking pangarap niya para sa akin." Ani ni Cathy kay Drex.

Nakita ni Cathy ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Drex. Niyakap siya nito. Hinagkan siya ni Drex sa pisngi at idinikit ang pisngi sa kanyang pisngi. "Thanks, Cathy." Ani ni Drex sa dalagang si Cathy.

Bigla ay naalala ni Cathy si Trina. Kanina ay nag text ito sa kanya at muli ay nagtatanong ng update. Sa lalong madaling panahon ay kakausapin ni Cathy si Trina upang ipaalam dito na umaatras na siya sa usapan nila. Alam niyang magagalit ito ngunit wala siyang magagawa. Mahal niya si Drex kaya hindi niya kayang saktan ito.

"Drex..." tawag ni Cathy sa pangalan ng binata.

"Hmmm?" Tanung ni Drex habang nakatingin sa kanya.

"I've hurt a lot of guys before. Pero hindi ko sinasadya na saktan sila." Ani ni Cathy, maliban sa anim na lalaking ginantihan niya para sa mga babaeng sinaktan nito. "Ikaw, may nasaktan ka na bang isang tao?" Gusto ni Cathy na malaman kung nagsisisi ang binata sa ginawa nito kay Trina. Makakatulong iyon sa dalaga kung malalaman niyang hindi talaga nito ginustong saktan si Trina.

Hindi sumagot si Drex. "Drex?"

"I've hurt someone so bad." Seryosong wika ni Drex.

Si Trina ba ang tinutukoy nito? Ani ni Cathy sa isipan. "Paano?" Tanung niya.

"Mahal na mahal ako ng babaeng yon, to the point of obsession. Sinusundan niya ako sa halos lahat ng lugar na pinupuntahan ko. Sinisira niya ang lahat ng relasyon ko sa mga babae dahil nagseselos siya. Pinilit niyang mahalin ko rin siya. Pero hindi ko siya mahal. Hindi ko kasalanan na hindi ko siya mahal. Ilang beses ko na siyang kinausap nang masinsinan at sinabi ko na layuan na niya ako dahil hindi ko siya mahal, pero hindi pa rin siya lumalayo. Hindi pa rin siya tumigil sa mga ginagawa niya. I could not hold her presence anymore, so I did a drastic move to make her stay out of my life forever." Kwento ni Drex kay Cathy.

"Anung ginawa mo?" Curious na tanong ni Cathy.

"Sa birthday party ko, in-announce ko sa mic na hindi ko siya mahal at hinding-hindi ko siya mamahalin. Kahit kailan kahit anu pa ang gawin niya. Umiyak siya sa sobrang pagkapahiya sa mga tao at hindi na nagpakita sa akin mula noon. Ayoko rin namang gawin yon sa kanya. Kaya lang kailangan kong gawin. Iyon nalang ang paraang naisip ko para tumigil na siya sa mga ginagawa niya." Ani ni Drex kay Cathy saka ngumiti.

Naiintindihan ni Cathy si Drex. Naaawa siya sa babaeng iyon ngunit nauunawaan niya ang point ni Drex.

"Nagsisi rin ako sa ginawa ko nang malaman kong muntik na siyang mamatay dahil nag-attempt siyang mag-suicide nang dahil sa akin. Galit na galit siya sa akin. She promised she would get back at me." Ani ni Drex.

"Nasaan na siya ngayun?" Tanung ni Cathy.

"Pumunta siya sa States pero may balita akong nandito na uli siya." Ani ni Drex kay Cathy.

"Bukod sa kanya, wala ka na bang nasaktan?" Tanung ni Cathy kay Drex.

"Wala na." Sagot ni Drex.

Kumunot ang noo ni Cathy. May hinalang nabuo sa isip niya. "What's her name?" Tanung ni Cathy.

"Sino?" Tanung ni Drex.

"Ang babaeng nanakit sayo." Ani ni Cathy kay Drex.

"Bakit mo itinatanong?" Tanung ni Drex sa dalaga.

"Gusto ko lang malaman. Hindi ko ba pwedeng malaman kahit first name lang?" Ani ni Cathy sa binata.

Bumuntong hininga muna si Drex bago sumagot. "Katrina."

Katrina... si Trina!

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now