CHAPTER 3:

306 31 6
                                    


ANG BINATANG si Dior ang pang anim na lalaking nakaranas ng paghihigante mula sa kanya. Wala namang atraso sa kanya ang mga ito. Kaya lang ay Galit na Galit siya sa mga tulad nito kaya tumutulong siya sa mga babaeng naaagrabyado ng mga lalaking tulad ni Dior. She hated playboys; men who break women's hearts ruthlessly, leaving them wounded and miserable.

May malalim na pinag-ugatan ang Galit niya sa mga tulad ni Dior. Naaalala kasi niya ang masaklap na karanasan ng kanyang ina sa pag-ibig nang dahil sa mga lalaking manloloko. Kaya ganoon na lamang ang concern niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya upang magpatulong na makapaghiganti. Kaya naman ginawa na niyang misyon ang pagdurog sa puso ng mga lalaking mapaglaro sa damdamin ng mga babae. Gusto niyang maranasan din ng mga lalaking ito ang pagkabigo at panloloko.

"Gaya ng pinag-usapan natin, narito ang kabuuan ng fifty thousand pesos." Ani ni Sofia sabay abot niya ng Tseke kay Cathy.

Tinanggap niya ang tseke. "Thanks." Pasalamat niya sa dalagang si Sofia.

Iyon ang kagandahan ng kanyang hidden job. Nakakaganti na siya sa mga walang hiyang lalaki At naka katulong ay kumukita pa siya. Na dapat lang naman siguro dahil mahirap ang ginagawa niya. Maaari siyang mapahamak dahil babae siya.

Sa totoo lang ay wala siyang masyadong takot sa katawan. Kaya niyang protektahan ang sarili kung sakaling gumanti pabalik ang mga lalaking nasaktan niya. She was a strong and brave woman despite her delicate exterior.

Sa ngayun ay wala pa namang nananakit sa kanya. Paano naman, lahat ng lalaking pinaibig niya ay Mukhang totoong inibig siya, kung hindi man ay talagang nabighani nang matindi sa kanyang alindog. They could not afford to hurt her back. O maaari ding Mali siya. Baka ang male ego ng mga lalaking ito ang nagtulak sa mga ito upang kalimutan na lamang siya At ang ginawa niyang pagdurog sa puso ng mga ito. But at least, kung magkagayon man, Hindi mabubura niyon ang katotohanang minsan sa buhay ng mga ito At nasaktan ng isang babae ang damdamin ng mga lalaking ito.

Bago niya binabasted ang mga lalaking ito ay sini siguro muna ni Cathy na patay na patay na ang mga lalaking ito sa kanya para magtagumpay siya sa pananakit Hindi lamang sa ego ng mga lalaking ito kundi maging sa damdamin. Dior was so into her. Kulang na lamang ay latagan ng binata ng red carpet ang daraanan niya.

She thought she had mastered the nature of the male psyche. Kayang kaya niyang paikutin sa mga palad ang mga lalaki dahil alam niya kung saang button ipepress ang mga ito na tila makina. Mababaliw ang mga ito sa kanya at hindi siya babastusin ng mga lalaking ito. She had to project an image that they could not mess up with. Sini siguro niyang hindi lamang ang pisikal na kaanyuan niya ang magugustuhan ng mga lalaking ito kundi maging ang personalidad niya. She could say she was an expert seductress.

"Do you always do this job?" Tanong ni Sofia sa kay Cathy.

"No. Kapag May lumapit Lang sa akin na irerekomenda ng mga naging clients ko. By the way, Sofia, Gusto ko lang ipaalala uli na confidential ang trabaho kong ito. It's only between us. Ngayon, kung May irerekomenda ka sa akin na gusto ng serbisyo ko, gusto kong ilihim mo lang din ang tungkol sa transaksiyon namin. Makakaasa ba ako? Ani ni Cathy kay Sofia.

"Sure. Thank you so much, Cathy." Sagot ni Sofia sa kanya.

You're welcome, Sofia. It's nice doing business with you. I have to go. May photo shoot pa ako. Alam mo naman, In-demand ang beauty ko," aniyang humagikhik pa.

Modeling talaga ang kanyang trabaho. Hindi lamang siya lumalabas sa mga TV commercials, magazine, print ads, kundi ramp model din siya.

"Tatawagan kita kapag kailangan ko uli ang serbisyo mo," pahabol na sabi pa ni Sofia.

Umiling siya. "No. Sana, hindi na ikaw ang maging kliyente ko next time na magkita tayo. Sana, makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo nang bonggang bongga At Hindi ka lang paglalaruan at sasaktan." Sabi ni Cathy sa kanya habang nakatayo sa kabilang side ng table.

"Thanks, Cathy." Ani ni Sofia sa kanya.

Kumaway si Cathy kay Sofia At iniwan na ito. Iyon din ang hiling niya Para sa kanyang sarili. Gusto niyang maka kilala ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo At Hindi lamang siya paglalaruan at sasaktan. Ayaw niyang danasin ang nangyari sa kanyang mama. ANg kapalaran nito sa pag-ibig ang nagmulat sa kanya tungkol sa mapagsamantala, mapaglaro, manloloko at babaerong lalaki. Wala naman itong naging kasalanan kundi ang umibig At mangarap na May isang lalaking magmamahal dito nang totoo.

Labing walong taong gulang ang kanyang ina nang magsimula itong umibig sa lalaking nagngangalang "Tomas". Ibinigay nito ang sarili sa lalaking mahal nito ngunit nang malaman ng lalaki na buntis ito ay iniwan ito At Hindi pinanagutan ang dinadala. Pinagsamantalahan lamang ang kainosentehan nito. Dahil sa labis na sama ng loob ay Nakunan ito.

Pagkalipas ng apat na taon ay nakilala nito ang ikalawang lalaking minahal nito— si Fabio. Ngunit tulad ng unang naging nobyo nito ay walang Kwentang lalaki rin si Fabio. Palibhasa ay gwapo, lapitin ng babae ang walanghiya. Nalaman na lamang ng kanyang Mama na bukod dito ay tatlo pa ang nobya ng lalaki.

After five years ay muling sumubok na umibig ang kanyang Mama. Ang Akala nito ay nakilala na nito ang lalaking magmamahal dito nang totoo. Ngunit kinuwartahan lamang pala ito ni Ignacio. Tinangay nito ang lahat ng pera sa ATM accounts at safety deposit box ng kanyang Mama. Hindi pa nasiyahan ang mandurugas, pati mga alahas ng kanyang Mama ay ninakaw nito.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now