CHAPTER 4:

283 32 8
                                    


ANG sabi ng kanyang Mama ay hinding-hindi na ito iibig pang muli. Ngunit nang makilala nito si Carlos ay nagbago ang pasya nito. Umibig ito sa panibagong walanghiya. Nagpakasal ang mga ito At dumating siya sa mundo. Masaya ito namuhay kasama ang kanyang ama ngunit malaman nitong pinakasalan lamang pala ito ng kanyang Ama dahil gusto nitong makuha ang Mana nito na nakatali sa isang proviso. Nang matapos ang isang taong pagsasama na hinihingi sa proviso ng last will and testament ng lolo ng walanghiya niyang ama ay iniwan na nito ang kanyang Mama. Her father died eight years later.

Wala yatang kahit anong telenovela o soap opera ang dadaig sa masalimuot na buhay pag ibig ng kanyang Mama. Natuto na ito at hindi na sinubukan pang hanapin ang tunay na pag ibig na pangarap nito. Siya na lamang ang pinagtuunan nito ng lahat ng atensiyon At Pagmamahal. Namatay ang kanyang Mama sa sakit na aneurysm eight years ago.

Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa mga pisngi niya habang nakatitig sa puntod ng kanyang Mama At nakatandang kapatid na fetus pa lamang nang mamatay. Tuwing dumadalaw siya siya sa mga ito ay bumabalik sa kanya ang nakaraan ng kanyang Mama At Hindi pa rin niya maiwasan ang maiyak sa pinagdaanan nito dahil sa mga walang Kwentang lalaking pinag-alayan nito ng puso.

Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay sinabi nito na mag-ingat siya sa mga lalaking tulad nina Tomas, Fabio, Ignacio At Carlos. Maging Matalino raw siya at huwag siyang magpapaisa hanggat hindi siya sigurado sa damdamin At intensiyon ng lalaki. Sinunod niya ang lahat ng sinabi nito. Kaya naman twenty four years old na siya ay wala pa rin siyang nagiging nobyo.

It was hard living without mother, mabuti na lamang At mayroon siyang tiya na kumupkop sa kanya hanggang sa kaya na niyang ma buhay nang mag isa. Pansamantala siyang tumira sa bahay nito kasama ang asawa At dalawang anak nitong lalaki. Nang tumuntong siya sa gulang na beinte uno ay bumalik na siya sa bahay na tinirhan nila ng kanyang ina, kasama ang kanyang best friend na si Celine. Kung wala siyang tiya na idol na Idol siya, mga pinsan na protective sa kanya, ay hindi niya kakayaning ma buhay na wala ang kanyang Mama.

Dito siya dumiritso sa puntod ng kanyang Mama matapos niyang kausapin si Sofia Para sa success mission niya kay Dior dahil balak niya kausapin ito Para sa pagtatagumpay sa nasabing misyon niya sa binatang si Dior.

"Ma, magandang Hapon po sa inyu ni Kuya! Andito na naman ako para e-update kayo sa buhay ko." Pag kausap ni Cathy sa puntod ng kanyang ina At kapatid na lalaki.

"Success po ang misyon ko sa isa na namang heartbreaker, Ma. Masaya akong na katulong na naman ako sa isang babaeng pinaiyak At sinaktan ng isang lalaking walanghiya. Sana lang po ay hindi kayo magagalit sa akin dahil sa ginagawa kong ito sa mga lalaki. Alam kong wala na po sa inyu yun pero sa akin Po meron pa dahil hindi man ako nakabawi sa mga nanakit sa inyung mga lalaki pero sa mga katulad nilang mapanakit sa mga mahihinang babae. Sunod na Sabi nito sa harap ng puntod ng kanyang ina At nang tumunog ang kanyang Cellphone.

Kinuha niya ang Cellphone sa bag niya at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot niya sa tawag.

"Hello, Cathy? Ang pinsan mo itong si Marcus. Kamusta ka na ba ang pinsan ko? Tanung ni Marcus sa pinsan niyang si Cathy.

"Okay lang naman ako pinsan, ito Masaya dahil success ang misyon ko!" Sagot ni Cathy sa pinsan.

"Oh! Eh Di pakain ka naman diyan." Tukso ng pinsan niya.

"Oo na sa susunod na araw diyan ako matutulog, Date tayo nina Tiya At ni Marco" Sagot niya sa pinsan.

"Pakausap naman ako diyan Kuya kay insan. Na Miss ko kasi siya eh." Sabi ng isang pinsan niya sa kapatid nito.

"Sandali lang naman Marco kina kausap ko pa kasi si Insan eh, success daw ang misyon kaya May pera na naman ang pinsan natin." Sabi nito sa kapatid nito sabay tawa. "Insan kausapin ka daw ni Marco. Ibigay ko sa kanya ang Cellphone ahh." Dugtong niya.

"Insan, Kamusta na?" Ani ni Marco kay Cathy. "Kamusta ang napakaganda At napakasexy kung pinsan?"

"Okay lang naman ito maganda At sexy parin hanggang ngayun kaya nga in demand ang secret job ko eh." Sabi ni Cathy habang nakatawa.

Naku Insan hA, tigilan mo na kaya ang secret job mo nayan baka kasi mapahamak ka sa mga ginagawa mo eh. Hindi naman kasi kami kasama mo palagi eh kaya mag-ingat ka ha. Sabi ng pinsan niyang si Marco.

"Oo, Insan tatandaan ko yan. Wag kang mag alala dahil mag iingat ako at my Isa pa akong misyon. Pag-iisipan ko kung titigil na ba ako o hindi." Sagot ni Cathy sa pinsan.

"Pinsan kausapin ka pala ni Mama. May sasabihin daw siya sayo." Ani ng pinsan niyang si Marco.

"Sige ibigay mo sa kanya ang Cellphone kakausapin ko siya." Sagot ni Cathy.

"Cathy, iha? Kamusta ka ngayun? Dito ka ba tutuloy mamaya? Maghahanda ako para sayo, iha." Pormal na sabi ng kanyang tiya Isabel.

"Okay naman po ako tiya, andito po ako ngayun sa puntod nina Mama At ni Kuya. Hindi na po siguro tiya sa bahay nalang po ako didiritso, Salamat po." Ani ni Cathy sa kanyang tiya.

"Oh Sige iha. Basta sabihan mo ang bestfriend mong si Celine na doon ka didiritso sa inyung bahay." Sabi ng tiya niya sa kanya.

"Opo, tatawagan ko nalang po siya mamaya pagkatapos ko dito, Tiya. bye po." Sagot ni Cathy.

"Sige, Iha. Mag iingat ka pauwi hA. Tawagan mo ako pagdating mo sa bahay ng Mama mo. Goodbye rin iha." Sabi nito.

"Goodbye Insan," Sabi ni Marco. "Goodbye my beautifuland sexy, Insan." Anito naman ni Marcus.

"Bye! Sa inyu diyan! Mag ingat rin kayo. Ani ni Cathy sa kabilang linya sabay baba ng linya.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon