CHAPTER 1:

550 40 10
                                    


MATAPOS silang mag Dinner date sina Cathy at Dior ay umalis na agad sila sa isang kilalang Restaurant At hinatid na nito ang nililigawang si Cathy sa bahay habang nag-uusap sila sa loob ng sasakyan.

"May kasama ba akong tao dito?" Makahulugang Tanung niya kay Cathy. "Magsalita ka naman diyan Cathy." Ani ni Dior sa kay Cathy saka ngumiti nang pagkalapad-lapad.

"I'M SORRY, Dior, but I guess we have to stop here," walang emosyong wika ni Cathy kay Dior.

Muntik nang masubsob ang mukha niya sa dashboard ng kotse nang biglang magpreno si Dior. Mabuti na lamang at hindi sumayad ang mukha niya sa dashboard. Hindi ang playboy na ito ang sisira sa kanyang mukha.

Sa lahat kasi ng parte ng kanyang katawan, ang mukha niya ang pinakaiingatan niya. Ang lahat kasi ay aminado na maganda siya. Iyon ang kanyang pinakabentahe, bukod sa kanyang mayamang hinaharap. Ang Sabi nga ng mga ka kilala niya, her face could launch a thousand ships daw, ang katawan naman niya ay makapag la landing ng libo-libong eroplanu nang Di-oras. Ganoon daw siya kahali-halina. Nang magsabog daw yata ng kagandahan At sex appeal ang Diyos, lahat daw yata ng mapagsasalukan ay ini handa niya at sinalo niyang lahat ang mga iyon.

Mukhang hindi pa raw siya nasiyahan dahil nanguha pa siya ng nasalo ng iba, suwapang daw siya, Sabi ni Celine, ang kanyang "bestie". Siya ba daw ang pinakaflawless At talo pa niya ang mga artista sa ganda ng kutis niya. Kaya naman kung May taong susubok na bigyan siya ng flaw, Hindi siya magdadalawang-isip na sapakin ito.

Marunung siyang mag-taekwondo. Ang Sabi kasi ng Tiya Isabel niya na fan na fan niya, dahil daw sa sobrang kagandahan niya ay kailangan niyang matuto ng self-defense para maprotektahan niya ang kanyang sarili sa mga Manyak na magtatangka sa kanya. Bukod doon at palagi siyang May dalang pepper spray. May dalawa rin siyang personal bodyguards sa katauhan ng dalawang kambal na pinsan niya na isang bodybuilder at isang martial arts experts.

Wala siyang narinig mula kay Dior. Ni hindi man lang siya tumitingin dito. Napilitan siyang balingan ito. Nagtaka siya sa ngising pinapakita ng mga labi nito. "Ano'ng nginingisi-ngisi mo? Natatakang Tanung ni Cathy kay Dior.

Inginuso nito ang labas ng bintana sa gawi niya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang balingan ang itinuturo nito. Nasa mismong harap sila ng isang motel. Tumalim ang tingin niya rito.

Nawala ang ngisi nito. "You said we should stop here." Sarkastikong Sabi ng binata sa kanya.

Ay, tanga! Ang guwapo-guwapo, ang tanga-tanga! Ani ni Cathy sa sarili. Ang Akala nito ay ipinahihinto niya ang sasakyan. Hindi ba nito na-gets ang mga kinikilos niya kanina habang kumakain sila ng Dinner? Hindi ba nito naramdaman ang panlalamig niya? Hindi ba nito na-sense na gusto na niyang bastedin ito?

"Hello? Okay ka lang ba? Ni hindi pa nga kita sinasagot, tapos, yayayain kitang pumasok diyan? Masaya ka!" PaGalit na Sabi ni Cathy sa binatang si Dior.

"Cathy, Baby—"

"Don't Baby me." Nagkunwari siyang galit. "Sa ginawa mong ito, Lalo mo lang akong binigyan ng dahilan Para bastedin ka." Dugtong pang sabi ni Cathy

"What did you say?" Asik na Tanung ni Dior.

"Oo, Dior, binabasted na kita." Pormal na Sabi ni Cathy sa harapan nito.

Tila nalugi nang milyones ang hitsura ng mukha ni Dior sa sinabi ni Cathy. Nang lumabas siya ng kotse nito ay sumunod ito sa kanya.

"Totoo bang binabasted mo ako, Cathy? Tanung ni Dior sa kanya.

She flipped her Hair, tulad ng kung paanu niya iginalaw iyon sa isang TV commercial niya ng shampoo. "Mukha ba akong nagbibiro, Dior? Sabihin mo nga?

"No! Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito." Asik na Sabi ni Dior kay Cathy.

"At bakit naman hindi? Pabalik na Tanung ni Cathy kay Dior.

"Dahil walang pang babaeng nambasted sa akin." Sabi nito sa kanya.

"Puwes, ngayun meron na," balewalang Sabi ni Cathy. Tumawid siya patungo sa kabilang side ng kalsada dahil naaalibadbaran siya sa establisimyentong tinatapatan nila. Sinundan pa rin siya ni Dior. Binalewala nito ang sinabi ng guwardiya na Alisin nito ang kotse nito sa gitna ng daanan ng motel.

Pumara si Cathy ng taxi ngunit May sakay iyon. Sinaklit siya ni Dior sa braso ilang pigilan sa pagsara ng ma sasakyan. Galit na ang anyo nito. Sanay na siya sa ganoong hitsura tuwing May binabasted siyang playboy kaya hindi na siya natinag dito.

"BitiwAn mo ako!" Asik na Sabi ni Cathy kay Dior.

"Pagkatapos kong sundin At ibigay ang lahat ng gusto mo, Basta mo na lang ako itatapon? Nang sabihin mo sa akin na galit ka sa smokers, sinubukan kong tumigil kahit napakahirap. Nang sabihin mo sa akin na ang itim na damit Ay nakakaattract ng Bad vibes, Hindi na ako nagsuot ng itim na damit mula noon. Nang sabihin mong hindi bagay sa akin ang style ng buhok ko, nag-iba ako ng style ng buhok Para sayo. At higit na lahat kung kailangan mo ng kasama sa lahat ng lakad mo nandiyan ako para samahan ka kahit na busy ang schedule ko. Ibinili kita ng fifty-two inches flat TV nang sabihin mong gustong-Gusto mong magkaroon ng ganoong klaseng TV. Binigyan kita ng pinaka-latest ng IPhone nang masira ang Cellphone mo. Binigyan din kita ng laptop na worth one hundred thousand plus. At nang sabihin mong gusto mo ng Pink na Dress dahil favorite color mo yun. Binigyan din kita non. Pagkatapos, ganito ang gagawin mo sa akin?" Galit na litaniya ni Dior kay Cathy.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Sinabi ko bang bilhin mo ang mga bagay na iyon?" Tanung niya sa binata. Hindi naman talaga niya direktang sinabi na bilhin nito ang mga iyon pero ipinahiwatig niya na gusto niyang bilhin nito ang mga bagay na iyon para sa ikasisiya niya. "Nanunumbat ka ba? Wag kang mag-alala, Ibabalik ko sayo ang lahat ng yon."

Ganoon naman ang ginagawa niya tuwing May binabasted siya, ibinabalik niya sa mga ito ang lahat ng ibinibigay ng mga ito.

"Hindi yon ang point ko, eh. Hindi mo ba nakita kung gaano kita kamahal Para lahat na lang marinig ko sayong gusto mo, binibili ko para lang mapasaya ka!" Paliwanag ni Dior kay Cathy.

———
MisterSIMPLE_19

Info lang mga ka Simple sa mga nagtatanung kung simo si Dior sa buhay ni Cathy ay siya ang pang-anim na biktima At misyon ni Cathy.

Hit the Vote button kung gusto niyo ang Chapter na To! Mga ka SIMPLE!

Check the next Chapter...

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now