CHAPTER 35:

174 8 0
                                    


PUMUNTA si Cathy nang mag isa sa isang Bar kung saan siya naka check in sa hotel para pag isipan ang lahat ng bagay na bumabagabag sa kanyang isipan, iyon ay ang nararamdaman niya. Hindi sinabi ni Cathy kay Drex ang tungkol doon kahit ang usapan nila ay isasama nila ang isa't isa sa mga social functions na dadaluhan nila.

Mula nang halikan siya ni Drex para lamang ma avail ang ibinayad nitong Three hundred thousand pesos ay iniwasan na ni Cathy ang binata. Limang araw silang hindi nagkikita ni Drex. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ng binata, maging ang mga text messages nito. Ang sabi ng kanyang tiya ay pumunta raw ito sa bahay at hinahanap siya. Ibinilin ni Cathy sa kanyang Tiya Isabel na sabihin kay Drex na nasa isang out of town pictorial shoot siya.

Hindi ni Cathy iniiwasan si Drex dahil sa halik na iyon kundi dahil sa pagkakatuklas niya sa eksaktong damdamin na mayroon siya para sa binatang si Drex. Cathy was falling for him and she did not like the idea of welcoming that feeling in her system.

Hindi ako maaaring ma in love kay Drex. Baka saktan din lang niya ako katulad ng ginawa niya kay Trina. Oo nalaman ko na hindi ka masamang tao Drex ngunit hindi pa rin hudyat iyon na hindi ka na mananakit ng damdamin ng isang babae. No! I'm not gonna love that heartbreaker. Ani ni Cathy sa kanyang isipan habang umiinom ng alak.

Kaya naman nagdesisyon si Cathy na iwasan muna niya ang binata. Alam niyang hindi niya dapat gawin iyon dahil may pinirmahan siyang kasunduan kay Drex na dapat silang mag date nang isang buwan. Kaya lang ay nasa high risk ang puso niya.

Kailangan ni Cathy ng panahon para isaksak sa isip niya na hindi si Drex ang lalaking pangarap ng Kanyang Ina para sa kanya.

Hindi ikaw Drex ang lalaking pangarap ni Mama na mahalin ko. Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

Napagdesisyonan ni Cathy na kausapin si Trina upang sabihin na gusto niyang umurong sa kasunduan nila. Nakahanda si Cathy ibalik ang kalahati ng halagang napagkasunduan nila na ibinayad ni Trina sa kanya. Hindi na niya kaya pang ipagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi niya kayang saktan si Drex.

Naglalakad siya patungo pool area ng Bar nang makasalubong niya si Philip.

"Hi, Cathy!" Nakangiting bati ni Philip sa kanya.

Nang malaman ni Philip na may 'nobyo' na siya ay tinawagan siya ng binata upang kumpirmahan ang balita. Si Philip ang pinakamasugid ni Cathy na manliligaw kaya hindi nito itinago ang disappointment sa balitang may nobyo na siya.

"Hi, Philip! Hindi ko ine expect na makikita kita rito." Ani ni Cathy na nakangiti.

"How are you, Cathy?" Tanung ng binata sa kanya. By the way Philip looked at Her, Cathy knew that Philip still liked her.

"I'm okay." Ani ni Cathy kay Philip.

"Are you with you boyfriend?" Sunod na tanung ng binatang si Philip sa kanya.

"No. Busy kasi siya ngayun kaya hindi na ako nagpasama," Pagdadahilan ni Cathy sa binata.

"Hindi ka dapat niya hinahayaang mag isa." Ani ni Philip sa kanya.

Tumawa si Cathy sa sinabi nito. "Anu ako, person with disability? Ikaw talaga Philip kahit kailan joker ka ano." Ani ni Cathy at tinungga ang alak na hawak.

"Kung ako ang boyfriend mo Cathy, hindi kita ipagpalit sa trabaho ko." Pagmamalaking sabi ni Philip sa dalagang si Cathy.

Muli siyang tumawa. Nagkwentuhan na sila. Mayamaya ay may pamilyar na pigura si Cathy na nakita sa di kalayuan.

Ikaw ba yan Drex! Ani ni Cathy sa isip.

For the moment, tila nakita niya ito ngunit nang muli niyang tingnan ang lugar na pinagkakakitaan niya rito ay wala na ito.

Paano naman ang lalaking iyon makakapunta sa bar na ito? Baka na mamalikmata lang ako. O Baka dahil siya na lamang parati ang laman ng iniisip ko kahit hindi ko siya nakikita. Haist erase erase, Kung anu na ang iniisip mo Cathy, Tumigil ka na sa kakaisip sa lalaking yun. Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

"Pwede ba kitang samahan dito, Cathy." Ani ni Philip sa kay Cathy pero lutang parin ang isip niya para sa binatang si Drex. "Please, Cathy. Kahit kailan, for the last chance gusto kitang makasama at makakwentohan. Tanggap ko nang hindi mo talaga ako gusto. Now, I just want you to say Yes for that favor." Pagmamakaawa sabi ni Philip kay Cathy.

Alam ni Cathy na nasaktan niya ang binata kahit hindi intentional. Mabait ito kaya naman na guilty siya. "Okay. Ikaw, kamusta yung lovelife mo aside sa akin dahil nga nalaman mo nang may nobyo na ako." Tanung ni Cathy kay Philip.

"Yun na nga eh, Matapos sayo hindi ko pa makita ang babaeng para sa akin." Ani ni Philip sa kanya.

"Ayyy! Nako yan na ba ang sinasabi ko." Ani ni Cathy.

"Pero, pero, Okay lang kasi mahahanap at mahahanap ko rin ang babaeng para sa akin." Ani ni Philip saka ngumiti.

"Sana, At masaya ako kapag dumating na ang araw na yun, Philip." Ani ni Cathy. "Cheers Para sa araw na iyon." Dagdag pang sabi ni Cathy.

"Oy! Easy lang, ang atay mo. Marami ka nang nainum." Ani ni Philip kay Cathy.

"Alam mo, Ganito talaga basta Ang damdamin na ang pinag usapan, mapapainom ka nalang." Sabi ni Cathy na lasing na at tinutungga pa rin ang alak niya saka tumawa lang si Philip.

"Wow! May pinagdadaanan ka pala. Alam ko na, Eh ligo nalang natin nang mawala yan, Cathy." Ani ni Philip.

"Hmm? Okay." Ani ni Cathy kay Philip kahit tipsy na siya.

Tinanggap niya ang kamay ni Philip saka tinahak na nila ang patungo sa pool area. Ngunit bago pa man sila makarating doon sa mismong pool ay may humarang na sa kanila— si Andre Drexler na madilim ang mukha.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now