CHAPTER 12:

204 25 0
                                    


WALA pa man isang oras ang Pag alis ng binatang si Drex Na walang pasabi sa kanya ay agad din sumunod ang dalagang si Cathy dito dahil anu pa nga ba ang gagawin niya Eh ang misyon niya ang umalis nang walang pasabi.

Habang nasa kotse ay umiinit pa rin ang ulo niya dahil sa nangyari kani kanina lamang sa loob ng Bar.

"Bwesit na Lalaking yun iniwan lang ako bigla bigla!" Pasigaw na Sabi ni Cathy sa loob ng sasakyan habang hinahampas hampas ang manebela.

"Ikaw naman kasi Cathy hindi mo pinahaba pa ang usapan yan tuloy naka alis ang Bwesit na lalaking yun. Eh di napahiya ka!" Pag kausap niya sa sarili.

"Eh hindi ko naman alam na aalis na pala ang mokong papuntang exit area ng Bar kaya hindi ko natuloy ang balak ko, litse na araw To oh!" Pag Sagot niya rin sa sarili.

Habang kausap niya ang kanyang sarili sa loob ng kanang sasakyan ay May kumatok sa gilid niya.

"Tok tok tok" katok niya sa bintana sa drivers mismo.

Binuksan naman ni Cathy ang binatana na malapit sa kanya. "Anu yun! Pwede ba Wag ngayun, ang init ng ulo ko dumagdag ka pa." Ani ni Cathy sa kumatok nang hindi lumilingon sa binatana.

"Cathy? Catherine Faith Dela Torre? Ani ng isang baritong boses na pumukaw sa kanyang Pag iisip. At yun naman ang Pag linga niya sa nagsabi ng boses niya.

"Cram? Oh Cram, Sorry! Anung ginagawa mo pala dito?" Tanung ni Cathy sa kanya.

"Ako nga Cathy!" Ani ni Cram saka tumawa. "Dito ako nagtatrabaho Cathy. Ikaw Anung ginagawa mo dito sa Tapat mismo nang Bar? Tanung ni Cram sa kanya.

"Ahhh! Wala aalis na rin ako uminom lang nang konti pang Chillax lang!" Ani ni Cathy habang ngumingiti ng pilit.

"Nakaharang ka rin kasi sa dadaanan ko Eh!" Ani ni Cram saka Ngumiti At napakamot ng ulo.

"Talaga ba? Pasensya kana Cram sige ito na aalis na ako." Ani ni Cathy saka Akmang mapapaAndarin na ang makena saka siya pinigilan ni Cram.

"Sandali lang Cathy May ipagpaalam na rin ako sa iyo kung pwede lang?" Ani ni Cram sa kanya.

"Sige, Anu ba yun Cram?" Tanung ni Cathy sa kay Cram.

"Ilalabas ko sana bukas si Celine, Date ba." Ani ni Cram na parang nahihiya pa kay Cathy.

"Naku Cram! Bakit ka pa magpapaalam sa akin eh dapat kay Celine ka mismo hindi sa akin. Anu ka ba." Sabi ni Cathy sa kanya.

"Eh Siyempre, nasa isang Bahay lang kayo At Pag mamay ari mo pa kaya magpapaalam na rin ako sayo." Ani Ni Cram saka Ngumiti.

"Walang anu man yun sakin Cram basta ingatan mo si Celine, bestfriend ko yun. wag na wag mong pa iiyakin yan dahil kapag nangyari yun ikaw ang tudas sa akin, maliwanag ba Cram? Ani ni Cathy sa kanya.

"Anu ba Yan Cathy nangBablack mail ka ba, Eh hindi ako ganyang lalaki Cathy. Loyal kaya ito." Sagot niya kay Cathy.

"Oh Siya basta hA! Ang usapan natin. Aalis na rin ako Cram, Basta mag ingat kayu ni Celine, sabihan ko na rin siya." Ani ni Cathy saka pinaandar na ang makena nang sasakyan niya.

"Cram alis na ako! Bye!" Ani Cathy kay Cram saka Ngumiti.

"Sige Cathy! Ingat ka, Salamat na rin." Ani ni Cram kay Cathy saka Ngumiti rin.

"Sige!" Ani ni Cathy saka nagpaharurut ng sasakyan.

Nagkakilala sina Cathy At Cram dahil sa Bestfriend ni Cathy na si Celine at dahil na rin isang bahay lang ang tinutuluyan ni Celine At kay Cathy iyon.

Nang makauwi na siya sa kanyang bahay ay agad siyang lumundag sa kama at natulog.

•••••••••

PINAKATITIGAN ni Cathy ang mukha ni Drex sa larawang hawak. Naningkit ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito sa kanya nang nagdaang gabi. Sa kauna unahang pagkakataon At nagmukha siyang tanga ng isang lalaki. Ito pa lamang ang kauna unahang lalaking nang snub sa taglay niyang kagandahan.

Na bigla na lamang siya nang May mabilis na umagaw ng larawan mukha sa kamay niya.

"Ito ba ang bago mong biktima?" Tanung ni Celine na pusturang pustura At saglit na napanganga nang makita ang picture ni Drex.

Alam nito ang tungkol sa secret job niya At suportado siya nito. Paano kasi ay babaero At manloloko rin ang ama nito.

"Hmmm... guwapo, ah. Mas gwapo pa kay sa kay Dior. Ito na yata ang pinakawagi sa mga naging biktima mo, besh." Papuri ni Celine sa larawang hawak niya At tumingin ito sa kanya. "O bat ganyan ang mukha mo? Alisin mo yan. Baka mag cause ng lines ang pagsimangot mong yan." Dagdag pa nito.

"Bwesit Yang lalaking yan. Ipinahiya niya ako kagabi. Besh." Isinalaysay ni Cathy ang sinapit niya Kay Drex.

"What?!" Bulalas ni Celine sa harap ni Cathy. "In-snub ang ganda mo? Oh come on. What's up with him? Wala pang lalaking nang snub sayo besh." Dagdag pa nito sa kaibigan.

Hinablot niya ang picture mula rito. "Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin." Sabi ni Cathy na nanggagalaiti.

"Teka, So you mean to say, Hindi lang ang kliyente mo ang ipaghihiganti mo this time kundi maging ang pagkapahiya mo sa kamay ng napaka-Adonis na nilalang yan, Besh?" Tanung ni Celine sa kanya.

"Ganun na nga! Besh." She snorted. "Hindi ako makakapayag na ganoonin lang niya ang ganda ko!" Panggigigil na Sabi niya.

"Oo nga. Walang gumaganon sa ganda ni Catherine Faith Dela Torre ever!" Itinaas pa nito ang kamay na tila nasa rally.

"Makikita niya. Hindi ako makakapayag na hindi siya maaakit sa akin." Ani ni Cathy.

"Tama! Ipaglaban mo ang kagandahan mo, Besh!" Ani ni Celine

"Mai-in Love siya sa akin nang bonggang bongga." Ani ni Cathy. "At pagkatapos ay dudurugin ko ang puso niya nang pinung pino. Lalapirutin ko siya sa mga palad ko. Iiyak siya!" Dagdag pa ni Cathy.

"Go go go ! Pero teka, Paano mo gagawin yon? Di ba nga, in-snub ang ganda mo kagabi, Besh?" Ani ni Celine.

Natigilan siya. "Hindi ko pa alam," kapagkuwan ay Sabi niya. "Pag-iisipan ko pa yan, lumabas ka muna. Kailangan kong magshower At pagplanuhan ang susunod kong attempt na maakit siya."

"Teka, bago ka mag-isip diyan, kunin mo muna itong daily rasyon mo ng Flowers. Ipinahatid ito ng Tiya Isabel mo." Ani ni Celine.

Noon lang niya napansin ang mga dala nito. Isang basket iyon ng ibat ibang klase ng bulaklak At dalawang bouquet ng Blue tulips at  red roses. Sa bahay ng kanyang Tiya Isabel bumabagsak ang lahat ng flowers na dumarating Para sa kanya dahil ang address nito ang palagi niyang ginagamit. "Kanina raw galing ang mga yan?" Walang ganyang tanong niya kay Celine.

Isa isa nitong binuklat ang mga cards ng mga bulaklak. "Itong tulips, Kay Vince. Itong roses kay Philip. At itong Basket kay  Michael." Ani ni Celine. Chaka pala May Date kami mamaya ni Cram kaya baka ikaw muna ang Matitira dito sa bahay." Dagdag pa ni Celine.

"Oo na! Sige na nasabi na rin kagabi yan sa akin ni Cram nagkita kami sa Bar. Mag ingat ka Wag tanga hA." Ani ni Cathy At saka sinara ang pinto ng Room niya. Napanganga naman si Celine sa inasal nito.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat