CHAPTER 40:

182 6 0
                                    


NATIGILAN si Cathy sa boses na kanyang narinig mula sa loob ng room. Boses iyon ni Drex! Bakit nandito si Drex sa room ni Dior? Si Dior ba ang tinutukoy ni Drex na kaibigan niyang dadalawin sa ospital na ito? Ani ni Cathy sa kanyang isipan.

"Talaga? So, naging tutuhanan na ang fake relationship niyo for publicity? Hindi ako makapaniwala. Kayo na ni Cathy. Ibig sabihin napa ibig mo nga siya." Aning boses na namggagaling sa loob na kay Dior.

Nanigas si Cathy sa kinatatayuan. Ako ang pinag uusapan ng magkaibigang Drex at Dior! Bakit hindi nasabi sakin ni Cram na kaibigan pala nila si Dior. Ani ni Cathy sa isipan.

"Yeah." Tugon ni Drex kay Dior na rinig ni Cathy mula sa loob ng room.

Tumawa si Dior. "Good, Pare. Ang galing mo na talaga. Sa palagay mo ba, mahal na mahal ka na niya? Hulog na hulog na ba siya sayo?" Sunod sunod na tanung ni Dior kay Drex.

Walang may narinig na tugon si Cathy mula kay Drex ngunit na imagine niyang tumango ang binata dahil sa sumunod na simabi ni Dior.

"Very good. Ipaghigante mo na ako, pare. Dump her. Dump her big. Para maranasan niya kung ano ang ginawa niya sa akin. Gusto kong malaman niya kung gaano kasakit ang paasahin at pagkatapos ay iwan na parang isang basahan." Ani ni Dior kay Drex, Rinig naman ni Cathy ang sinabi nito.

Mabilis na nag init ang mga mata ni Cathy. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Magkaibigan pala sina Dior, Drex at Cram. All the while, Drex was just plotting against me! Kaya pala anong pang aakit ang gawin ko ay hindi kinakagat ni Drex noon. All this time, alam pala niya kung sino ako at ang ginawa ko sa kaibigan niyang si Dior. Kaya pala minsan ay nakikita kong may galit sa paraan ng pagtitig ni Drex sa akin noon.

So, ang pagkuha sa akin ng La Ferrari Motors upang maging modelo ng bagong produkto ng mga ito ay hindi isang coincidence. It was planned. Ang publicity photo and Article ay paraan lamang pala ara ma set up ako. Ang pagpapanggap namin ni Drex na magnobyo at pagde date namin ay paraan ni Drex upang magkaroon siya ng mga pagkakataon upang mapaibig ako.

Sino ang mag aakala na pareho pala kaming may masamang balak sa isa't isa? Ani ni Cathy sa kanyang isipan. But somewhere along the way, Cathy had changed the plans when she began to fall for Him. But Drex did not. Now, Drex was about to dump her like what she did to his friend. Hindi siya totoong mahal ni Drex. Pinaniwala lamang si Cathy ni Drex na mahal siya nito.

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Cathy. Umalis na siya roon. Ayaw na niyang marinig pa ang pagpaplano nina Drex at Dior kung paano siya iiwan ni Drex na tila isang basahan upang ipaghiganti ang kanyang nito. Sobrang sakit ang nadarama ni Cathy. Baka nga deserved ko to! Maybe it was they called "karma". Ako na ngayun napaikot at niloko. Ako ngayun ang paghihigantihan at sasaktan ng isang lalaki.

Hinanap agad ni Cathy si Celine sa OB-gyne office sa ospital. Nakita niya agad si Celine sa labas ng Office kaya nilapitan niya ito.

"Celine, Sorry natagalan ako may pinuntahan lang kasi ako eh. Sorry talaga." Ani ni Cathy Kay Celine.

"Oh, anu namang nangyari sayo parang galing kay sa iyak besh ahh. May nangyari ba sayo?" Tanung ni Celine kay Cathy at agad naman nito napahilamos sa Mukha.

"Mamaya nalang natin itong pag usapan besh, Hindi ko pa kaya ngayun. Ikaw, kamusta yung nararamdaman mo ngayun. Anung sabi ng Docto sayo?" Ani ni Cathy kay Celine saka ngumiti.

"Besh, may Good News ako sayo. Kaya pala ako nahihilo at nasusuka eh dahil buntis ako. Buntis ako, Besh." Ani ni Celine kay Cathy namalapad ang ngiti.

"Talaga, Besh? Masaya ako sayo kung ganon, Maging nanay ka na ngayun." Ani ni Cathy kay Celine.

"Oo nga Besh, Magiging nanay na ako. Sigurado akong matutuwa si Cram nito, Besh." Ani ni Celine kay Cathy.

"Naku! Ewan ko kung anu ang maging reaction niya para diyan, Besh. Ninay ako ha." Ani ni Cathy kay Celine.

"Nako! Oo naman besh ninay ka nang magiging Anak namin ni Cram. Ikaw pa ba. Chaka magiging pamilya na kami, Besh." Ani niCeline saka ngumiti.

"Ikaw ba, Besh." Ani ni Cathy.

"Anong ako? Ako? Gusto ko lang ngayun sakalin yang Si Drex, haist. Naiisip ko lang ang pagmumukha niya nag iinit na ang ulo ko eh. Alam mo minsan nagagalit na ako sa mga pinaggagawa ni Drex sa akin. Nahantong na nga sa pag aaway naming dalawa eh. Kakawa naman ang magiging anak namin." Ani ni Cathy kay Celine.

"Alam mo, Sabi nila. Yung nagsusuko, Nahihilo at naghahanap ng pagkain. Minsan daw mainitin lang ang ulo." Sabi ni Celine kay Cathy naparang nag iinform sa kaibigan.

"So, Anu ang sinasabi mo ngayun? Ha? Anu? Anu? Anu? Ha?" Sunod sunod na tanung ni Cathy kay Celine habang nakatawa lang ito sa kanya.

"Eh diba may nangyari naman? Minsan?" Ani ni Celine sa kay Cathy na parang hinuhuli niya sa akto ang kaibigan.

"Anung paminsan minsan? Minsan? Walang paminsan minsan, Celine. Isang beses—" ani ni Cathy kay Celine kaso na udlot kasi napaisip siya at napatakip ng bibig sa nangyari sa kanila ni Drex nung gabing yun.

"Hala ka." Ani ni Celine kay Cathy. "Sinuko mo na ang bandera. Waaahhhh... Cathy naman. Akala ko ba kung magpapakasal ka pa niyan." Ani ni Celine kay Cathy saka napahilamus ng mukha si Cathy sa kanyang ginawa.

Nasuko ko na ang bandera ng Pilipinas kay Drex! Putcha ka naman Cathy oh, Bat hindi mo Pinigilan... ani ni Cathy sa kanyang isipan saka Bumuntong hininga. Isa pa pala ang nalaman mo kanina nina lamang, paanu ko to pagsasabayin lahat. Bwesit na araw na to!

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now