CHAPTER 23:

172 14 0
                                    


MATAPOS ang usapan nila ni Drex sa ground floor ng kompanya ay agad na hinatid siya ng secretary nito sa office mismo ng binata.

"Miss Cathy, hintayin niyo nalang po dito si Sir Drex, may meeting pa po siya kasi sa mga investors doon sa meeting room." Ani ni secretary ng binata na si Bria.

"Eh anu pa nga ba ang magagawa ko eh presidente ng Kompanyang ang kakausapin ko kaya hihintay talaga ako." Sarkastikong Sagot ni Cathy sa secretary ng binata.

"Sige po Miss Cathy alis na po ako kailangan ko pa pong bumalik sa meeting room para eh assist ang mga investors." Sabi ni Bria na secretary ng binata.

"Sige Bria, maghihintay nalang ako sa Boss mo chaka thank you na rin ha." Ani ni Cathy sa secretary at ngumiti rito.

"Walang anu man yun Miss Cathy chaka Girlfriend naman po kayo ng Boss ko eh. Kung may kailangan po kayo tawagan niyo nalang po ako ha." Sagot ni Bria na siyang Secretary ni Drexler at ngumiti kay Cathy.

"Sige, Thank you ulit. Nga pala hindi ako Girlfriend ng Boss mo ha, Siya lang ang may gawa gawa non. Wag kang magpaniwala sa mga katulad nilang walang hiya." Ani ni Cathy kay Bria saka Ngumiti ng mapakla.

"Ahh ganun ba Miss Cathy? Hehe Sige po. Alis na ako." Ani ni Bria saka umalis na sa office ng Boss niya at tinungo ang Meeting room ng kompanya.

Nang matapos niyabg kausapin ang Secretary ng binata na si Bria ay agad niyang inikot ng Cathy ang paningin sa loob ng office suite ni Drex bilang President at may ari ng kompanyang La Ferrari Motors. Very sophisticated ang dating ng paligid. Nakaupo si Cathy sa itim na couch sa isang parte ng silid.

At nang mainip kakahintay si Cathy sa binata ay tumayo siya at naglakad lakad sa office hanggang sa naisipan niyang puntahan ang Office table ng binatang si Drexler.

"Anu kaya ang feeling na may ari ng isang kompanyang napakalaki at napaka indemand sa buong bansa." Ani ni Cathy saka umupo sa wheevel chair ng binata.

Inikot ikot niya ang whievel chair nang may nakita siyang picture ng binata at ng isang lalaking may kaidaran na at isang babae rin. At katabi nito ay isa pang picture na isang batang lalaki.

"Hmmm, ito siguro ang family picture nila. Nag iisang anak lang pala ang mokong. Mayaman pero nag iisa, boring yun ha. Chaka itong isa pa sinu kaya to, anak niya? May anak na pala ang walang hiya, sabi ko na heartbreaker talaga ang walang hiya. Pagmumuni muni ni Cathy sa office table ni Drex habang nakatingin sa labas at hawak hawak ang picture frame ng isang bata saka may nagsalita sa loob ng office.

"Hindi ko yan anak, Cathy. Ako yan noong bata pa ako chaka wag kang makialam sa gamit ng ibang tao." Ani ng boses ng isang lalaki.

"Drex? Kanina ka pa ba diyan?" Natatarantang tanung ni Cathy kay Drex saka tumayo agad sa whievel Chair ng binata.

"Oo kanina pa, nakikinig nga ako sa pinagsasabi mo eh, chaka wag kang judgmental agad sa isang lalaki ha." Sabi ni Drex kay Cathy.

"Okay okay sorry po, kala ko lang naman, akala ko okay? Ani ni Cathy kay Drex. "So maiba na tayo anu nga pala ang sasabihin mo sa akin?" Dugtong na tanung ni Cathy kay Drex.

"Sasabihin ko sayo pero umupo ka rito sa couch hindi diyan ka nakatingin sa labas." Sabi ni Drex kay Cathy saka lumakad si Cathy papunta sa couch.

"So, simulan mo na." Kaswal na sabi ni Cathy kay Drexler. Simulan mo nang mag sorry, kumag ka!

"Nakita at nabasa mo na ang publicity photo at article ng DRX190, di ba?" Tanung ni Drex kay Cathy nang nakatingin sa kabuuan ng dalaga.

"Oo nakita ko na at humanda ang sinumang nagpakalat ng photo na yun." Ani ni Cathy kay Drex.

"Ang sabi roon, may namuong romance sa atin during the commercial Shoot." Kaswal na sabi ni Drex sa dalagang si Cathy.

"Nabasa ko nga, Bwesit na journalist yun. Wala akong alam na pumayag ang manager ko na i publish iyun. Walang kumunsulta sa akin tungkol sa bagay na yon" litaniya ni Cathy sa binatang si Drex.

"I've been calling you up." Ani ni Drex sa dalaga.

"You've been calling me up?" Walang ideyang tanung ni Cathy kay Drex.

"Unattended ang cellphone mo all the time you were away." Sagot ni Drex sa dalaga.

Hindi na si Cathy nag aksayang manghiram pa ng cellphone at tawagan si Celine dahil nga Masama ang loob niya sa pag su swimming ng cellphone ni Cathy.

"Sige, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin noong tinawagan mo ako, Ngayun na." Sabi ni Cathy kay Drex nang nakatingin sa magandang mata ng binata. Mag sorry ka na bwesit ka...

"Because of that article, we need to pretend as lovers sa press launch at sa public." Daritsong sabi ni Drex sa harapan ni Cathy.

"What?!" Nawala ang pagkaka cross legs ni Cathy sa pagkagulat at napangiti naman ang binata.

"Hindi ko rin gusto ang idea na to. But i have to do this for La Ferrari and for the success of our new product's launching. The publicity photo and article work well for the people. At dahil doon, inaabangan ang launching ng commercial natin, as well as the product. Kaya na isip ng management ng La Ferrari Motors na gamitin ang publicity na iyon para mas maging maingay ang pagpapakilala namin ng DRX190. Kapag humarap tayo  sa press launch, gusto kung umakto tayong totoo ang nasa publicity article." Pagpapaliwanag ni Drexler sa dalagang si Cathy.

"Hindi ako artista, modelo lang ako, Mr. Mavericks." Sabi ni Cathy kay Drexler.

"I'm sure you can act."  Ani ni Drex kay Cathy.

Of Course, Cathy Can Act. Napangiti ng bahagya si Cathy sa sinabing iyon ng Binatang si Drex. At sa totoo lang ay nagustuhan ni Cathy ang ideya. It was perfect for her Scheme as Plan C.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Where stories live. Discover now