CHAPTER 2:

335 31 9
                                    


NAALALA niya nang sorpresahin siya ni Dior tuwing May ibinibigay ito sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang ganoon gesture. Lahat ng lalaking binasted niya ay ganoon ang Gawain. Walang ginawa ang mga ito kundi ang paliguan siya ng atensyon At regalo.

WalAng alam gawin kundi ang paluguran siya dahil gustong-Gusto siya ng mga ito. Sinu sunod ng mga ito lahat ng gusto niya. Alam niya kung bakit ginagawa ng mga ito iyon. They all wanted to get under her skirt. Nag-I-invest lamang ang mga ito upang maging nobya siya At madala siya sa kama nang Malaya.

Marahas na binawi niya ang braso niya mula sa pagkakahawak nito, pagkatapos ay humalukipkip. "Well, I'm sorry to say pero hindi mo ako napasaya." Taas noong Sabi ni Cathy kay Dior.

Nag-igtingan ang mga bagang nito. "Kulang pa ba, Cathy? Sabihin mo kung Ano pang gusto mo? Gusto mo ng kotse? Ibibili kita." Pagmamakaawa ni Dior sa dalaga.

"No. I don't want anything from you anymore. I don't want to hear from you anymore from now on, too. Hindi kita Gusto. Hindi ako nasiyahan nang makasama kita. So, I can't accept you to be my boyfriend." Sunod sunod na Sabi ni Cathy sa binata.

Naging mapanganib ang anyo ng binatang si Dior. "Pinaasa mo lang ako!" Galit na Sabi nito.

"I'm sorry, Dior. But you have to understand. Ayoko namang lokohin ka lang. Kaya habang maaga, sinabi ko na sayo ang resulta ng panliligaw mo sa akin. Sinubukan ko naman talagang magustuhan ka pero hindi ko talaga nagawa. Sa iba mo na lang iukol ang feelings mo." Paliwanag ni Cathy kay Dior.

"I can't believe you're doing this to me. You're so cruel." Galit na Sabi ni Dior habang nasa noo ang isang kamay.

No! You are crueler! Ikaw At ang mga tulad mong mahilig maglaro at manakit ng damdamin ng mga babae! Sabi nito sa sarili. Pero imbes na sabihin ang nasa isip niya ay nag-Iwas na lamang siya ng tingin dito. Pinara niya ang Dumaang taxi. Nang akmang sasakay na siya ay hinagip uli ni Dior ang kanyang braso at kinabig siya ng yakap.

"Please, Cathy. Don't do this to me. I love you. I love you so much. I wouldn't be able to take it if I won't ever see you again," nagmamakaawa ng Sabi ni Dior kay Cathy.

Natuwa siya. Iyon na ang hudyat ng tagumpay niya sa misyon niyang iyon. How she loved seeing men plead desperately and act miserably like that. It was so rare these days. Karaniwan ay ang mga babae ang nagmamakaawa sa mga lalaki.

Kumawala siya sa pagkakayakap ng binata sa kanya. "I'm sorry." At sumakay na siya sa taxi.

Sinabi niya sa driver ang destinasyon niya. Hindi siya sa apartment ng kanyang Tiya Isabel tutuloy sa gabing iyon. Hindi naman talaga siya nakatira doon. Doon lamang siya nagpapahatid kay Dior At sa iba pang mga lalaking naging misyon niya. Bukod sa ayaw niyang balikan siya at guluhin ng mga lalaking iyon ay gusto niyang ipakita sa mga ito ang dalawang pinsan niyang expert sa pambubugbug At sa pagbali ng mga buto, ang mga nagmistulang bodyguards niya hanggang sa lumaki siya, upang matakot ang mga ito na gawan siya ng kalokohan. Dumiritso siya sa kanyang totoong bahay kung saan kasama niya ang bestfriend niyang si Celine.

Her one-month job for Dior was a success. Kunsabagay, wala pa naman siyang failed mission. Magaling yata siyang hired heartbreaker.

"Please, Cathy. Don't do this to me. I love you. I love you so much. I wouldn't be able to take it if I won't ever see you again."

Pinindot ni Cathy ang Cellphone niya upang I-stop ang kanyang recorded conversation with Dior. Bago pa man niya umpisahan ang balak na pambabasted dito at naka on na ang mini recorder niya. Isa iyon sa mga proofs na nagawa niya nang mahusay ang kanyang trabaho. Nakita niya ang ngiti sa mga labi ni Sofia. Tanda iyon na natuwa ito sa naging trabaho niya.

Bago pa man sila magkita ay nasabi na niya rito sa telepono na tapos na ang trabaho niya. Sinusubaybayan nito si Dior At nalaman nitong depressed ang binata. Naglasing daw si Dior sa isang bar at nagwala.

"Very good, Cathy. Hindi ako nagkamali sa paglapit sayo." Ani ni Sofia kay Cathy.

Ngumiti siya. "I told you. Hindi kita bibiguin." Sagot ni Cathy kay Sofia.

"Naranasan na rin niya kung gaano ka sakit ang ginawa niya sa akin." Sabi ni Sofia sa kanya.

UmiiyAk si Sofia noon nang magkausap sila pagkatapos itong ipakilala sa kanya ng Isa sa mga naging kliyente niya noon. Recent ex-boyfriend daw nito si Dior. Sinaktan daw ito ni Dior nang matindi. Ipinagpalit daw ito ng binata sa ibang babae. Noon pa man ay alam na nitong playboy si Dior ngunit ang Akala ni Sofia ay nagbago na ang binata. Iyon pala ay inililihim lamang ni Dior ang pambabae nito. Tiniis daw ni Sofia ang kaalamang May ibang babae si Dior dahil mahal daw nito ang Binata. Naisip nitong sa kanya pa rin babalik si Dior kahit Sinong babae pa ang makasama nito, ngunit isang araw ay hiniwalayan siya ni Dior. Nang ikuwento nito kung paano ito hiniwalayan ni Dior nang walang pakundangan ay nakadama siya ng Galit Para sa binata. Iyon ang naging dahilan ng pag payag niya na gantihan ang binatang si Dior para kay Sofia.

———
MisterSIMPLE_19

I'M IN LOVE WITH A HEARTBREAKER (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora