"Thank you. Can I have your phone number?"
"Sir?"
"I'll call for updates in case I can't reach my daughter's number,"
"Oh, okay, Sir,"
Patuloy pa rin ang pag-e-empake ko. Pero napapaisip pa rin ako kung bakit nag-volunteer si Philip at kung bakit nawala bigla si Cee.
Saglit ding umuwi sina Philip at Phoebe para mag-empake ng ilang gamit. At kahit hindi naiintindihan ni Phoebe ang nangyayari ay sumama pa rin siya.
Bakas naman sa mukha ng mga natitirang bisita at sa mukha ng aking mga kapatid ang pagkagulat nang lumabas ako ng kuwarto kasunod ang kanilang mga magulang bitbit ang isang traveling bag.
"Ate, saan ka pupunta?" tanong ni Nika.
"Sa Baguio," agad ko namang sagot.
"Bakit?" tanong uli niya.
"What? Are you insane, ate?" tanong naman ni Belle.
"Nika, kailangan ko 'tong gawin. And Belle, yes, I am insane, happy now?"
Natahimik ang lahat, tapos may narinig akong busina mula sa labas ng bahay kaya naman lumabas na ako.
"Call us, okay?" paalala ni dad.
Ala una na ng madaling araw, himala rin talaga na pinayagan ako.
"Drive safely," dagdag pa ni daddy.
"At kapag inaantok ka, stop over muna kayo then uminom ka ng kape," sabi naman ni Mommy Isay kay Philip.
"Sure thing," sagot naman nito.
"O kaya kuwentuhin n'yo siya anak para 'di makatulog," bilin pa ni Mommy Isay.
"Mommy!" sabi ko.
"Sabi ko nga, aalis na kayo at tumahimik na ako," sabi uli ni Mommy at umakting na i-zipper ang bibig niya. Namatay na katatawa si Nika sa tabi niya.
Matagal tagal din ang bihaye. Matagal-tagal din ang kuwentuhan at paliwanagan ng mga nangyari kanina.
"Hey Joan, why are we going to Baguio ngayon?" tanong ni Phoebe na bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse.
"Yeah, I went out of your bathroom and then I found myself volunteering to drive you to Baguio, without me knowing the real reason behind it," dagdag ni Philip.
"'Yong kaibigan ko kasi, lasing, bumiyahe, e palagay ko, sa Baguio s'ya pupunta," sagot ko.
"Does the scene that happened awhile ago involve this?" tanong ni Philip.
"Oo," sagot ko.
"What happened ba?" tanong ni Phoebe.
Inulit ko ang mga nangyari ng gabing 'yon sa kanilang dalawa.
"Oh my, how can she do that to him?" bulalas ni Phoebe.
"Mahal lang talaga ni Cheska 'yong best friend ko," sabi ko.
"It's really true that too much love will kill you," pagbibiro ni Philip. Hindi ako tumawa at sinagot siya.
"Almost," sagot ko.
"And now, we're going to search for him sa Baguio, gosh, that sounds tiring," sabi ni Phoebe.
"You don't want to join us? I'll drop you off now, ride a bus, and just go home," sabi ni Philip. May authority ang boses at alam ang bawat sinasabi.
"Kuya!" parang bata ang pagrereklamo si Phoebe sa kuya niya.
"Then, stop complaining,"
"Okay," sabi ni Phoebe.
Binati rin ni Phoebe ang bago kong bracelet. Ang ganda tapos gusto niya raw 'yong gold version dahil mayroon no'n ang mom niya. Napangiti ako dahil sobrang generous ni Tita Cherry. Nasaan na kaya ang madaldal niyang anak? Akala ko talaga na siya ang sasama sa akin.
Sa sobrang daming nangyari, bigla akong nakaramdam ng pagod kaya naman nakatulog na pala ako. Nag-ring ang phone ko na ikinagising ko sa pagkaka-idlip. Sinagot ko ito nang hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
(Nasa'n na kayo?)
"H-hello? pa-Manila pa lang, bye, tulog lang ako,"
At ibinaba ko na ang tawag at ibinalik sa bag ang cellphone ko.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 13
Start from the beginning
