"Ah, sige,"

Nang makarating kami sa bahay, dumiretso ako sa kuwarto para maghanda nang kaunting damit. Kahit nasa kuwarto ako, rinig ko ang usapan sa baba.

"Cee, may problema ba? Ano'ng nangyari?" tanong ni Mommy sa kanya.

"Tita, mas mabuti po yata na si Mojow na lang po ang tanungin n'yo," pumunta si Mommy sa kuwarto ko at kinausap ako.

"Anak, saan ka pupunta?" nakikita kasi niya na nag-e-empake ako ng mga gamit sa isang traveling bag.

"Pupunta akong Baguio, Mee,"

"Ha? Ano'ng gagawin mo do'n? Biglaan naman yata,"

"Kailangan ko pong hanapin si Ken," sabi ko.

"Ha? Bakit naman nasa Baguio si Kenneth e kanina lang ay nandito siya,"

"Mee, mahabang k'wento, wala na akong oras para magkuwento ngayon, ikukuwento ko sa'yo pagbalik,"

Biglang bumukas nang mas malawak ang pinto. Si daddy na malamang ay nag-iisip kung ano na namang plano ko.

"Oh Joan, where are you going? It's late," tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Daddy, I need to go to Baguio," nag-aalangan akong sabihin 'yon dahil strikto ang daddy ko.

"Now? Why?" ayan na nga! Nararamdaman ko na.

"Life and death situation daddy, kailangan kong makarating do'n bago pa man may magawa si Kenneth na hindi maganda sa sarili n'ya,"

"Why there?"

"Mahabang k'wento, dad," sabi ko, naku, sana naramdaman niya 'yong urgency ng sitwasyon para payagan ako.

"You are not going," oh, no!

"Daddy!" angal ko at natigilan pa sa pag-aayos ng gamit.

"No one's going with you,"

Puwede naman akong pumunta nang mag-isa, hindi nga talaga ako papayagan.

Sino nga ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sasama sa akin pumuntang Baguio, dis oras ng gabi para maghanap ng wala sa sariling ex/best friend?

"I can drive her there," sagot ng isang boses mula sa may pintuan.

At may isa pa ngang baliw na nag-volunteer para samahan ako. Napatingin 'yong dalawa sa  direksyon niya. Si Philip? Teka, akala ko si Cee. Nasaan ba 'yong CEEra ulo na 'yon? Akala ko, siya na lang ang pag-asa kong makaalis.

"Ayan dad, may kasama na ako," sabi ko kahit naguguluhan sa mga nangyayari.

"Who are you?" tanong ni Dad.

"Philip Pierro, sir, your new neighbor," sagot niya.

"Ah, from the mansion next to us?" tanong naman ni Daddy.

"Ah, yes sir, don't worry sir, my sister is coming with us."

"Dad?" tanong ko. Considerate naman kasi si Daddy kaya palagay ko papayag naman siya basta paliliwanagaan lang.

"Call for updates," sabi niya. Yes! Positive na!

"Thank you, Daddy," sabi ko tapos kiniss ko siya sa pisngi sa sobrang galak.

"And you, take good care of her, okay?" sabi ni Dad kay Philip.

"Yes, sir, I'll bring her back safe and sound,"

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now