Kabanata 21: Earth

Start from the beginning
                                    

"Oo naikasal na sila pero civil wedding lang dahil hinihintay ka nilang makabalik. Sana nga ay makabalik ka na rito, Serenity."

Nagkaroon ng ngiti sa mga labi ko. Para akong nabunutan ng tinik dahil natuloy pa rin ang kasal kahit na wala ako. Ayokong maging pabigat kala Auntie. Alam ko naman na matagal na nilang gustong ikasal at matatagalan lang sila kung hihintayin pa nila ako.

"Gagawin ko po ang lahat para makabalik, paki sabi po sa kanila na maayos lang ako at hintayin nila ako."

Saktong nawala ang signal.

Nalungkot ako sa pagkawala ng boses ni Sir Raymond. Madami pa sana akong gustong itanong pero kahit paano ay nagkaroon ako nang kaunting pag-asa na mas mapapadali ang pagbabalik sa ko Earth. Kung totoo man na nasa i-isang kalawakan na lang ang dalawang mundo na ito ay hindi na ganoon kahirap makabalik, kumpara dati na iniisip kong nasa loob ako ng isang libro.

Bigla ring pumasok sa isip ko na maari na rin bang makapunta ang mga tao rito papunta sa mundo ko? 'Yong bukal sa loob nila at hindi lang basta isinulat ko.

Pero ang lahat ng ito ay isa pa lamang teyorya. Si Sir Raymond ang makakasagot sa mga tanong ko.

"Marami akong hindi naintindihan sa pag-uusap niyo pero sabihin mo... Serenity ba ang iyong totoong pangalan?" Singit ni Doktor Guryo.

Nawala na sa isip ko na nasa tabi ko lang pala siya. Mas inisip ko ang dapat kong sabihin kay Sir Raymond kanina kaya hindi ko na naisip kung ano ang iisipin niya sa mga ito.

Pero naitago naman niya ang sikreto ko ng ilang araw kaya maari ko naman sa kanyang sabihin ang ibang tungkol sa akin.

"Uhm... Xiang Serenity, ayan po ang totoo kong pangalan pero nakiki-usap po ako, Doktor... h'wag niyo itong sabihin kahit kanino."

Kumunot ang kanyang noo, tila ba ay may inaalala siya. Itinaas pa niya ang kanyang kamay habang nakaturo sa taas ang kanyang hintuturo, "Iyan ang pangalan ng anak ng namayapang sundalo sa palasyo, si Shin! Kaya pamilyar ang pangalan na iyan!"

Nagsanga-sanga na ang mga impormasyon sa kanya. Magkokonekta na lahat papunta kay Scion at sa nangyari dati.

"Sabihin mo, kilala mo ba siya at ang Mahal na Hari? Kung tawagin mo ang kamahalan kanina ay sa pangalan lamang niya."

Pagkabalik ni Scion sa Zithea noon ay sinabi lang niya na may misyon sila sa malayong parte ng Nasyon. Hindi na nila binanggit ng mga sundalong kasama niya ang totoong nangyari. Malaking gulo pa kasi ito kapag nalaman ng konseho.

Kung nakaya kong sabihin kay Doktor Guryo ang totoo tungkol sa akin ay nag-aalangan naman ako para sa katotohan tungkol kay Scion. Hindi ko alam kung anong magiging epekto kapag nalaman niyang nagawang pumunta ng mga tao rito papunta sa mundo ko.

"Uhm... nanggaling na dati ang kamahalan sa mundo ko kasama ang mga sundalo niya," pero hindi ko na ito maitatago pa sa kanya. Narinig niya na lahat at baka mawala ang tiwala niya sa akin kapag naglihim pa ako. "Hindi ko rin alam kung paano pero maaring may lagusan din silang pinasukan kagaya sa akin."

Hinawakan niya ang mahaba niyang balbas at naningkit ang mga mata niya.

"Kaya pala hindi ako naniwala sa rason ng Mahal na Hari noon," dumungaw siya sa bintana bago bumalik sa harapan ko. "May ibang tao bang nakakaalam ng mga ito, Jia?"

"Si Rushin po, alam niya ang tungkol dito."

"A-alam niya ba ang lahat ng pinag-uusapan natin? Pati ang plano mong pumunta sa Soka?"

Umiling ako, wala pa akong oras para sabihin iyon kay Rushin dahil masyado pa siyang busy.

"Makabubuti na sa ating dalawa na lang muna ang mga pinag-uusapan natin dito. H'wag mo itong banggitin kahit na kanino, kahit pa sa iyong kasintahan."

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now