Kabanata 20: Hari ng Lobo

Start from the beginning
                                    

Nagtago ako hanggang na makarating sa bahay ni Rushin. Sa hindi malayo ay nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay at may hawak din siyang apoy.

Bago ko pa maisip kung magpapakita ako sa kanya o hindi ay nakita na niya ako.

"Jia!"

Tumakbo siya papunta sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Akala ko ay may nangyari nang masama sa'yo."

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Anong nangyari at nasa labas ka? Hindi ba mahina ka pa? Paano ka nagkaroon ng lakas para makatayo at makapaglakad?"

Lumapit ako sa tainga niya para walang makarinig sa amin, "Nakita ko muli ang taong nakabalot sa itim na tela. Sinundan ko siya pero nakatakas din siya."

Hinawakan niya agad ang magkabilang braso ko at matutulis ang tingin niya sa akin, "Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon? Alam mo bang maari kang mapahamak? Mapanganib sa labas ng mga pader!"

Hindi nagbago sa pula ang kulay ng kanyang mga mata pero alam kong galit na naman siya. Naiintindihan ko naman dahil nag-aalala siya sa akin.

Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay nila. Pinaupo niya ako sa sofa at pinainom ng isang basong tubig.

"Hindi ba napag-usapan na natin ito, Jia?"

"Patawarin mo ako Rushin pero gusto kong mahuli ang taong 'yon. Sinaktan niya ang mga kawal sa Exia kaya sigurado akong masama siyang tao."

May gusto siyang sabihin pero kinagat niya ang kanyang labi para siguro mapigilan ito. Isinara niya rin ang kanyang kamao.

"Masama man siya o hindi, hindi mo dapat siya hinahabol. Hindi natin alam kung anong klase siyang tao at maaring masaktan ka niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo... Jia."

Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Nakaramdam ako ng kaunting pag-iinit sa aking pisngi.

"Paki-usap, h'wag mo nang uulitin ang bahay na iyon. Magpahinga ka dahil kailangan mo ng lakas."

May inabot siya sa akin na panibagong baso pero hindi na tubig ang laman nito kung hindi kulay berdeng likido.

"Dahon ng Celeste ang mga 'yan, nakakapagbigay ito ng kakaibang lakas. Mapait ito pero tiisin mo lang para bukas ay mas maigi na ang pakiramdam mo."

Amoy pa lang niya ay nakakasuka na pero ininom ko pa rin iyon para hindi na mag-alala pa sa akin si Rushin. Mas mapait pa sa ampalaya ang lasa niya. Hindi ko masabi kung mabilis ang epekto niya dahil nabigyan na ako nang lakas ng mga ahas.

"Salamat, Rushin."

Pansin kong nakabihis siya ng pangkawal na kasuotan. Gabing gabi na, papasok ba siya sa palasyo?

"Tumunog ang serena ng palasyo kanina, ibig sabihin ay may kalaban na umatake sa loob ng bayan. Iyon na siguro ang itim na tao na sinasabi mo," kinuha niya ang kanyang espada at inilagay niya ito sa kanyang tagiliran. "Kailangan kong pumunta sa palasyo, kaya matulog ka na at h'wag kang lalabas."

Tumango ako, "Pangako, hindi na ako lalabas."

Naglakad na siya palabas pero bago niya mabuksan ang pintuan ay nagsalita muli ako, "Mag-iingat ka, tangi."

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now