Chapter 17: Preparing For The Duel

Start from the beginning
                                    

----------------------------------------------------

Kinabukasan.

Maaga akong nagising at nag ayos ng mga gamit ko, nagbaon ako ng extra uniform baka kasi madumihan yung damit ko mamaya sa duel, ayoko namang umuwi na dugyot baka mapagtripan nanaman ako ng mga mean girls sa hallway.

Kinakabahan ako.

Sana kayanin ko mamaya.

Okay, self.

Kalma.

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko ang kaibigan ko na nagaalmusal na.

"Oy Kate. Halika kain ka na para may lakas tayo mamaya." Pag aaya ni Skye.

"Sinarapan ko yung luto ko para malakas tayo mamaya." Nagbibirong saad ni Jewel bago ako abutan ng plato.

"Punta tayo mamaya sa library pagtapos ng duel." Sabi ko habang kumukuha ng pagkain.

"Sige, ano namang pakay mo sa library? Kahapon si Jewel tapos ngayon ikaw naman." Nagtatakang tanong ni Rain.

"Gusto ko lang malaman yung history ng lugar na 'to. Nabibitin ako sa kwento ni Sir eh." Naiinis kong sagot.

"Ohh, okay sige. Samahan ka namin mamaya." Nakangiting sagot ni Rain.

"Ilang subject lang ba ang meron tayo ngayon?" Pagtatanong ni Skye.

"Isa lang." Gulat na sagot ni Rain habang nakatingin sa schedule.

"Wao, mukhang mahaba habang oras yun ah." Plain na sabi ni Jewel.

"Bago tayo umalis, magbaon tayo tubig." Pagpapaalala ko sabay abot ng tubig na galing sa ref.

"Wao may pa-tubig ka ngayon ah." Natatawang sagot ni Skye.

"Ofcourse, ayokong madehydrate kayo mamaya HAHAHAHA." Natatawa kong sagot.

"Stay hydrated guys." Nakangiting sabat ni Rain.

"Oh siya, tara na. Iwan niyo na lang yung pinagkainan natin sa lababo, mamaya na lang hugasan." Pagsabat ni Jewel.

Inayos lang namin ang mga gamit namin bago umalis sa dorm namin.

----------------------------------------------------

Training Hall.

Kasalukuyan kaming nandito sa training hall at nabalitaan namin na nagpapagaling pa si Chavez sa ospital kaya hindi siya makakasama sa duel namin ngayon.

Kinakabahan ako ngayon at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nag iinit ang buong katawan ko ngayon.

Para bang kapag nagsimula na yung duel ay tsaka ko lang mailalabas 'to.

Dumating na si Ms. Yamasaki na nakataas ang noo.

Nginitian niya kami.

Parang hindi ko gusto ang mga ngiti na yan.

"For today, buong araw tayo nandito sa training hall para isagawa ang duel. Pinayagan ako ng Head Master na magsagawa ng duel dahil align naman ito sa subject ko. Before we start, bubunot kayo ng number niyo para malaman niyo kung pang ilan kayo na makakaharap ko. Kada tapos ng 3 oras ay may 30 minutes tayong break to freshen up yourselves and please pinapaalala ko lang na walang gagamit ng ability while you are having a duel with me. Naiintindihan niyo?" Nakataas kilay na tanong ni Ms. Yamasaki.

"Yes, Ma'am." Pagsagot ng lahat.

Lumapit kami isa isa kay Ms. Yamasaki para bumunot ng number.

Napalunok ako habang bumubunot ng magiging numero ko sa impyerno.

Charot.

"I can't wait na makaharap kayo ng mga kaibigan mo. Ramdam ko na kakaiba kayo sa lahat. Nageexpect ako na mabibigyan niyo ako ng magandang laban." Nakangiti nitong sabi.

Bumunot na ako ng number at nginitian si Ms. Yamasaki.

"Please don't expect too much Ma'am. Hindi po kami magaling." Nakangiti kong sagot sabay alis sa harapan nito.

Bumalik na ko sa pwesto namin ng mga kaibigan ko at kinakabahang binuksan yung papel.

Okay, this is it pansit.

Pagkabukas ko ng papel ay nakita kong—

03

Fudge.

Isa pala ako sa mauuna.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko nang mapatingin ako kay Ms. Yamasaki, napakalakas pa naman ng babaeng 'to baka durugin niya lang ako mamaya.

Napabuntong hininga ako tsaka ko nilingon ang mga kaibigan ko.

"Hey guys, anong number niyo?" Pagtatanong ko.

"15 sakin." Nakangiting sagot ni Skye.

"23 ako." Masayang sagot ni Rain.

"30." Tipid na sagot ni Jewel.

"Ikaw ba?" Pagtatanong ni Rain.

"03 sakin." Malungkot kong saad.

"Omyghad, Kate. Alam kong kaya mo yan. Apply mo na lang yung mga natutunan natin sa Mortal World." Pagsagot ni Skye.

"Well, Thankyou guys. Goodluck din sainyo. Alam kong kaya natin 'to." Nakangiti kong sagot.

Umayos na ako ng upo at inaantay namin na magsimula ang duel.

"Okay, Class. For the rules of the duel, You are not allowed to use your powers and abilities and lastly you should beat me. We will stop kapag may hindi na makatayo saating dalawa. Understand?" Maotoridad nitong tanong.

"Yes, Ma'am." Pagsagot ng lahat.

"Okay for the twist, I did not put numbers 01 and 02 so ang mauuna ay si number 03." Nakangiting sagot nito.

Namutla ako.

Agad kong ininom yung tubig ko at taas noong tumayo sa kinauupuan ko.

This is it, Kate.

You can do it.

Nginitian ko ang mga kaibigan ko sabay lakad papunta sa pwesto ni Ms. Yamasaki.

The show must go on.

Nang nasa harap na ko ay bumuntong hininga ako at kinausap sandali ang sarili ko.

Gabayan mo ako.

Alam ko na hindi ako magaling pero sana bigyan mo ako ng lakas para harapin 'tong si Ms. Yamasaki.

Nginitian ko si Ma'am.

"I'm ready na po." Nakangiti kong sabi.

---------------------------------------------------------------------

To be continued...

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now