4: Red- Where your lips are

Magsimula sa umpisa
                                    

Whatever the definition of happiness for a girl who befriends a stranger, she doesn't know. She just knew that it was a surreal feeling playing in red, a red background as the stranger is looking at her intently.

"Pinuntahan kita sa iyong silid kagabi upang ipakita sa iyo ang aklat tungkol sa Vezemiedo, ngunit wala ka, saan ka galing?" Nagulantang ako nang itanong iyon ng aking Yaam na kapatid na si Huestia, matapos ang aming umagahan.

Mabuti at lumabas na sa pagsisilbi ang mga ayuey. "Ako'y pumunta sa palikuran ate." umirap ako upang mas maging epektibo ang aking palusot.

Ngumiwi siya, napalunok ako. "Ganoon ba?" bukas ang kwartong kainan naming mga Diwani, kaya'y nakikita namin ang paglalakad niyong mga askar at mga ayuey na abala sa susunod na piyesta.

Mataas nga lang na bahagi ang aming gawi kaya't kami lamang ang nakakakita sa mga tao sa baba.

Mula sa aming kinalalagyan ay natatanaw namin ang malalaking kabahayan at ang malawak na pader.

"Yaam, nais mo bang pumunta sa parang ngayon? Maganda ang tanawin ngayon dahil tagsibol na ng mga bulaklak." Magiliw kong sabi, ngunit naging abala na ang diwa niya sa pagtingin sa baba ng palasyo.

Nagtaas ako ng aking kilay. "Yaam..." hindi niya pa rin ako sinagot, pati ang pagsubo nito ay natigil, kaya't sinundan ko ang tingin niya sa baba.

Sinusundan niya ang galaw at kilos ng isang askar, ang askar na dayuhan, malamig ang mga tingin nito kahit pa magigiliw ang mga ayuey na bumabati sa kanya.

Magaganda ang mga ayuey na nagsisilbi sa mga dugong bughaw, ngunit hindi nagpapakita ng tuwa ang dayuhan.

Kahit pa nakita kong binibiro ng mga kasama niyang askar ay hindi ito nagbibigay ng reaksiyon.

Napag-alaman kong kaunti lamang ang kanyang alam na salita. Ngunit hindi pa rin mawawala ang galit ko sa kanyang pagkukunyaring pipi.

"Yaam, hindi pipi ang dayuhang 'yan, alam mo ba? Nagkukuyari lang siya, traydor ang hayop na 'yan-"

"Cyanna!" tumingin ito sa paligid namin, "Huwag kang magsabi ng mga masasamang salita, baka marinig ka ng ating ina." Napairap ako.

"Pero totoo ang sinasabi ko."

"At huwag mong pagsalitaan ng masama ang dayuhang askar, isinuko niya na ang kanyang paninilbihan sa atin."

"Paano ba nila nahanap ang lalaking iyon?" nagtaas ako ng kilay upang ipakita ang inis ko. Iba ang kislap ng mata nito sa aking tanong.

"Habang nasa paglalakbay ang ating ama papuntang lupain ng mga Hermouna ay nakita nilang hinimatay iyon sa gitna ng daan. Ang sabi'y maaring manlalakbay at ninakawan ito, ang sabi'y wala na itong magulang at kapamilya, kaya dinala siya ng ating ama sa kampo."

"Paano niyo nasabing wala siyang magulang?"

"Kung mayroon, bakit ninanais niyang manatili rito?"

"Nagsisinungaling siya, marunong siyang magsalita, dayuhan ang salita niya." Ngumiti ito sa aking sinabi imbes na magalit, iba talaga ang kislap ng mata sa tuwing binabanggit ko ang impormasyon tungkol sa dayuhan.

"Kung ganoon, paano mo naman nasabi iyon? Saan mo siya narinig na nagsalita ng dayuhan, papaano Cyanna?" nagtaas ako ng kilay, bakit mas pinaniniwalaan nila ang isang dayuhan kaysa sa aking kadugo nila?

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa aking ama, dahil baka maungkat iyon at mapunta sa usaping pagtakas ko tuwing gabi upang mag-ensayo.

"Ŋίέmiςτέ ό Ёñίέ." Sanay na akong susulpot siya sa aking likuran na hindi ko napapansin, iyon ang isa sa nais kong matutunan sa kanya, kapag naging bihasa na ako sa pag-bato ng sundang sa nais kong direksiyon.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon