Kabanata 9: Misteryo

Start from the beginning
                                    

Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod nito, kung meron man.

"Mayroon pa bang mga Mogwai sa mundo nila Scion?" Tanong ni Fashia.

"Wala na, ibang halimaw na ang kalaban nila sa Zithea."

Sana nga wala na ang mga Mogwai, ngayon na wala na sina Scion sa mundo namin, mahinirapan na kaming puksain sila.

"Babalitaan kita bukas sa resulta ng lab. Sa ngayon ay magpahinga ka muna at pupuntahan ko ang museo kung saan ka biglang nawala. Baka may mga ebidensya akong makuha roon."

Sa mga ikinikilos ni Sir Raymond ay nagkakaroon ako nang masamang pakiramdam. Parang may panganib na mangyayari. Hindi lang sa Zithea kung hindi pati sa Earth.

Akala ko tapos na ang lahat ng problema namin pagkatapos na maibalik sa Attrium ang Polaris pero mukhang pa.

Pinabalik na ako nina Cooper sa bahay para makapagpahinga pero bago ako umakyat sa kwarto ko ay kinausap mo muna sina Auntie at Kuya Arnold.

"May nabanggit kasi sa'kin sina Cooper tungkol sa inyong dalawa. May gusto ba kayong sabihin sa akin?"

Biglang bumaba ang mga tingin nila at hindi sila makatingin sa akin nang diretso. Tila ba nanigas ang katawan ni Auntie.

"Uhm... kasi... ano..." mahinang sabi ni Auntie.

"Buntis ang Auntie mo!"

Napasigaw si Auntie sa sinabi ni Kuya Arnold kaya nahampas niya ito. "Honey!"

Hindi mo mapigilan ang pagtawa ko. Akala siguro nila ay magagalit ako pero hindi na naman sila mga bata kaya walang problema sa akin 'yon. Trenta isingko na si Auntie at tama lang na magbuntis na siya.

"Auntie, good news iyon! May gender na ba ang baby?"

Kinuha niya sa bag niya ang ultrasound at nakalagay doon na isa itong lalaki.

"May naisip na ba kayong pangalan sa magiging pinsan ko?"

"Sa totoo lang meron na, ang naisip namin ay.... Scion."

Saktong umiinom ako ng juice nang sabihin iyon ni Kuya Arnold kaya naibuga ko sa mga mukha nila ang nasa loob na ng bibig ko.

"Pasensya na, nabigla lang ako."

Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ko ang mukha nilang dalawa.

Sa dami ba naman ng ipapangalan sa anak nila, bakit 'yong taong gustong gusto ko pang kalimutan.

"Isa kasing gwapo at matipunong lalaki si Scion kaya gusto ko sanang ipangalan sa kanya ang anak namin."

Hindi ko na kinontra pa ang gusto ni Auntie. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Sabi nila masama raw na paiyakin ang buntis lalo na sensitive sila. Bigla ko tuloy naisip kung ano ang pakiramdam na may isang buhay ang nasa tiyan mo.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay naisip ko si Weiming. Maaring hindi na siya magkakaroon ng anak, sila ni Scion.

Nakikita ko pa naman noon kung gaano magiging mabuting ama si Scion sa mga anak niya. Sayang lang at baka hindi 'yon mangyari.

"Bakit ko ba sila naiisip? Wala na naman ako sa mundo nila kaya dapat lang na alisin ko na sila sa utak ko..." bulong ko sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang makatulog pero sa tuwing gagawin ko iyon ay nakikita ko ang mukha ng lalaking ayoko ng makita pa.

Bumangon ako at binuksan ang laptop ko. Naghanap ako sa internet tungkol sa kakaibang pangyayari na pwedeng kumonekta sa mga Mogwai.

May isang article sa online na nagsasabing may masamang amoy na umaalingasaw sa isang baryo malapit sa kuweba.

Maganda siguro kung puntahan ko mismo ang lugar na 'to bukas ng umaga. Gusto kong masiguro na wala 'tong kinalaman sa mga halimaw na 'yon.

➖➖➖➖➖

DALAWANG linggo na ang nakakaraan simula ng makabalik ako sa Earth.

Unti-unting bumabalik sa dati ang buhay ko. Pinalabas na lang sa media na nawala lang ako sa bundok ng Benguet.

Tatlong araw na lang ay kasal na ni Auntie at Kuya Arnold. Iniisip ko na lang na isang panaginip ang pagpunta ko sa Zithea pero hindi ko inalis sa isip ang tungkol sa nakita ni Sir Raymond sa kuweba.

Lumabas na ang lab results at nag-match ang samples na nakuha nila sa mga naiwang balat ng mga mogwai dalawang taon na ang nakakalipas. Ngunit palaisipan pa rin sa amin kung iyon ba ay dalawang taon nang nandoon o bago lang.

Hindi pa rin kami tumitigil sa paghahanap pa ng mga ebidensya kaya umagang umaga pa lang ay nandito ulit kami sa kuweba kung saan naglagi ang Reyna ng Mogwai.

"Dalhin mo ito, Serenity." Ibinigay sa akin ni Sir Raymond ang isang walkie talkie na para bang high tech na ang dating. Kulay itim ito at may touch screen na maliit sa itaas, sa ibaba naman ang parang radyo nito. "Hindi natin alam kung anong kababalaghan na naman ang nangyayari, kung meron man."

"Naiisip niyo ba na baka bumalik ako sa mundo nila Scion kaya niyo ibinigay sa akin ito?"

Tumango siya at kinuha niya ang sarili niyang walkie talkie, "Testing, one two three."

Malinaw kong narinig ang boses niya sa walkie talkie na hawak ko.

"Gamitin mo 'yan kung sakaling kailangan mo ng tulong. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari."

Inilagay ko ito sa back pack ko. Naglibot pa kami muli sa loob ng kuweba para maghanap muli ng pwede pa naming makita.

Sa paglalakad ko palabas ay may humila sa damit ko. Sisigaw sana ako ng tulong ngunit may telang tumakip sa bibig at mga mata ko.

Hinila niya ako patalikod pero nag nakakapagtaka ay nagbago ang inaapakan ko.

Mula sa mabatong lupa ay naging patag na ito. Sa tunog pa ay mukhang mga dahon ang naapakan ko.

Hindi ako makapagsalita dahil sa harang sa bibig ko.

Agad kong kinausap ang mga ahas para tulungan ako pero bago ko pa magawa iyon at binitawan na ako ng kung sinong humila sa akin.

Gayon pa man ay pinatanggal ko sa mga ahas ang piring sa mga mata ko.

Doon ko nakita kung nasaan ako.

Bumalik muli ako sa Zithea.


➖➖➖➖➖

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now