Chapter 2

10K 243 9
                                    

Somebody's POV

"Anak! Tandaan mo wag na wag ka na uling makikipag-away huh?" Paalala ng aking ina habang ako naman ay kumakain lang. Tila wala akong naririnig

"Anak, nakikinig ka ba sa mama mo? Wag mo na ulit uuliting makipagbasag ulo" Paalala din ng aking ama habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape

"Opo ma, opo pa" Walang gana kong turan sa kanila.

Kahit naman anong sabihin nila ay hindi ko naman maiiwasan iyon. Dahil sila naman ang nag-uumpisa eh, sila ang naghahanap ng gulo kaya binibigay ko lang sa kanila. Anong magagawa ko? Eh sa hindi nila ako tinitigilan pag hindi pinagbibigyan eh

"Hay naku anak! Hindi ganoon ang katwiran" Bigla naman akong napatingin kay mama.

Wag mo sabihing nabasa nya ang iniisip kom

"Wag mo nga ako titigan ng ganyan, oo alam ko ang iniisip mo dahil anak kita at sayo na mismo nanggaling. Pero naman anak, kung kaya mong iwasan pakiusap ikaw na ang umiwas. Pwede ba iyon? Masyado mo akong pinag-aalala sa tuwing uuwi ka na may bangas ang iyong mukha. Kung minsan may pilay o kaya magugulat na lang kami sa tuwing may tatawag dito at sasabihing nasa presinto ka dahil sa pakikipagbasag ulo mo. Pakiusap anak, tigilan mo na yan huh? Lalo na kababaeng tao mo umayos ka hindi maganda sa isang babae yan" Mahabang litanya ng aking maganda at pinakamamahal na ina.

"Haaay mama. Gusto ko mang iwasan pero sila itong laging lumalapit sakin at tinutukso ako na abnormal daw ako, dahil sa..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hawakan ni papa ang aking kamay at nginitian

"Wag mo silang pansinin anak. Mas gwapo ka lang kasi kesa sa kanila kaya ganoon sila dagdag mo pa mas malaki ang ano mo—— aray!" Hindi natapos ni papa ang sasabihin nya dahil bigla syang hinampas ni mama ng dyaryo sa ulo. Kaya pareho kaming napatawa ni papa

"Bakit? Totoo naman honey, saan pa ba magmamana ang anak natin di ba sakin? Aminin mo di ba gwapo at malaki din ang—— aray! Honey! Eto na titigil na! Tama na!" Kaya naman walang tigil ang tawanan namin dahil kay mama.

"Umayos ka kasi! Alam mong ang bata-bata pa ng anak mo yang bibig mo" Biglang hinawakan ni papa ang dalawang kamay nya nang tangkain nyang kurutin ang bibig ni papa. Kaya naman bigla syang hinila ni papa and kinisan

"Ano ba yan! Ang aga-aga may madadatnan akong ganito. Get a room ma, pa!" Bigla akong napangiti nang marinig ko ang boses na iyon kaya agad kong nilingon

"Ate!" Sinalubong naman nya ako ng mahigpit na yakap.

"Bunso! Namiss ka ni ate" Sabay yakap uli sakin at kiniss ako sa noo

"Ako din po. Anong ginagawa mo pala dito ate? Ang aga mo atang sumulpot? Wala kang trabaho? Kelan ka pa nakauwi? Bakit di ko alam ate?" Sunod-sunod na tanong ko kay ate kaya naman napatawa ito sakin at ginulo ang buhok ko na ikinanguso ko naman

"Ate naman eh!"

"Ang cute-cute talaga ng bunso namin" Sabay pisil nya sa aking dalawang pisnge

"Aray! Ate masakit!" Agad kong hinimas-himas ang aking pisnge nang bitawan nya ito.

Kaya padabog akong bumalik sa aking upuan, sya naman ay nilapitan sila mama at papa para magmano at humalik sa mga pisnge nila pagkatapos ay umupo na sya sa tabi ko

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon