"'Di ba g'wapo naman 'yong anak ko?" tanong niya sa akin na hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano ang dapat maging reaksyon.

"Ah..." hindi ko alam ang isasagot  kaya 'yon lang ang nasabi ko. Parang nakahihiyang sumagot. Hindi naman dahil sa wala akong isasagot pero basta, awkward lang pag-usapan.

"Ma!" saway ni Cee sa Mama niya.

"Ano ka ba naman, anak? Tinatanong ko lang naman siya," ngumiti pa siya sa anak.

"Ma, ibigay mo na sa kanya 'yong regalo mo at ihahatid ko na uli siya sa kanila," sabi ni Cee. May regalo siya sa akin kahit unang beses pa lang namin magkita? Nakahihiya naman!

"Ah, naiwan ko sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng dining table, pakikuha na, please,"

"Sige, Ma, wait lang, ha? Mojow,"

"Tita, nasaan po 'yong dad ni Cee? Kasama n'yo po ba?" tanong ko. 'Yan kasing si Cee, wala namang kinukuwento tungkol sa dad niya.

Ang hilig lang niyang mang-urirat ng buhay ko pero buhay niya, ayaw pag-usapan. Madaya rin kaya ako na ang magtatanong dahil curious din ako.

"Ah, hindi ko siya kasamang umuwi, masyado kasi siyang busy sa business," sagot ni Tita.

"Ah, sayang naman po,"

"Alam mo, Joan, first time pa lang natin magkita pero feeling ko, sobrang tagal na nating magkakilala. Good ang vibes ko sa'yo,"

"Ay, thank you, po Tita, mutual feelings po, ang bait n'yo po sa akin."

Hindi ko inasahan na yayakapin ako ng Mama ni Cee.

"Thank you for making my son happy," bulong niya.

"Po?" tanong ko dahil naguluhan ako sa sinabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"I'm back," biglang sabi ni Cee.

"Good," sabi ng Mama niya.

"Ma, wala sa ibabaw ng cabinet, nasa ibabaw ng kama," sabi uli nito.

"Sorry, naman," tumawa na naman siya.

"Here's my gift," inabot na niya sa akin ang isang maliit na blue box na may white ribbon na nakapalibot.

"Thank you po," sabi ko naman.

"Open it," sabi pa niya, halata ang excitement sa mga labi.

"Ay, sige po," binuksan ko nga ang maliit na kahon. Natulala ako ng mga ten seconds.

"Ito 'yong..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya.

"...nakadikit sa dingding mo na gusto mong bilhin balang araw," pagpapatuloy ni Cee. Ang CEEra, tiningnan nga ang vision board ko!

"Wow, ang ganda," isa siyang bracelet  na gawa sa silver na may nakalagay na diamond. Mukhang chain ang design pero 'yong pansara niya ay korteng puso at nandoon ang isang diamond. 

"Hoy Mojow, 'wag mong isasangla 'yan, ha?" biro ni Cee. Hindi maalis ang tingin ko sa regalo dahil isa sa mga pangarap ko ang bracelet na ito. Akala ko hanggang do'n na lang pero nasa kamay ko siya ngayon. Dahil kung hindi ako nagkakamali, more or less 50 thousand pesos ang isa nito.

"Oy, hindi ha!" sagot ko. Napaharap tuloy ako kay Tita Cherry.

"Tita... nakakahiya po, ang mahal po nito,"

"Don't worry about the money, I hope you like it," sabi niya tapos tumingin siya kay Cee.

"Tita, thank you po talaga, grabe, gumastos pa po kayo,"

"Wag ka nang mahiya, Liking it is enough."

"I don't like it," Sabi ko.

"You don't?" tanong ni Cee na napakunot ang noo.

"I love it!" sagot ko.

Para akong timang na kung ano-ano'ng sinasabi. Baka isipin ng Mama ni Cee, wala sa sarili 'yong kaibigan ng anak niya.

"Ah, akala ko nga," sabi ni Cee.

"Isuot mo na, tingnan natin kung bagay," dagdag pa niya.

"That's right," sabi ni Tita, kaya isinuot ko na 'yong regalo.

"Sabi ko na nga ba—" naputol 'yong sinasabi ni Cee dahil napatingin ako sa kanya.

"Parang hindi naman bagay," sabi ni Cee.

"Gano'n?" tanong ko.

"Naku, iha, 'wag kang makinig d'yan, bagay na bagay sa'yo," sabi ni Tita Cherry.

"Thank you po uli, Tita," sabi ko naman.

"The pleasure is all mine,"

"Tara na, Mojow, baka hinahanap ka na sa inyo," sabi naman ni Cee.

"Ah, sige, Tita, thank you po talaga, Hindi ko po malilimutan ang gabing ito," sabi ko.

"I'll see you soon, Joan," sabi niya. Nagbeso kami at lumabas na mula sa bahay nila.

Nakasakay na kami sa kotse pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Nakatutuwa lang na may mag-abala para sa akin ng ganito kagandang regalo. Gusto kong umiyak pero tanging pagngiti nang wagas na lang ang gagawin ko para ipakita kay Cee ang appreciation ko sa regalo ng Mama niya.

"Hoy, Mojow, baka matunaw na 'yan!" panggugulat niya.

"Grabe, akala ko hanggang panaginip lang ang pagkakaroon ko ng ganito," sabi ko.

"Baka naman hindi ka na matulog at magdamag mong titigan 'yan?"

"Oo nga e, kaya naman pala grabe ang tingin sa dingding ko kaninang umaga no'ng dinalhan n'yo ako ng cake,"

"Ganito ba talaga ka-generous ang Mama mo?"

"H—oo,"

"Ano ba talaga?"

"Oo nga," bigla na lang tumunog ang phone ko. Hindi ko agad napansin sa sobrang kaligayahan sa natanggap kong regalo.

"Oy, Mojow, nagri-ring 'yong phone mo," sabi ni Cee.

"Oo, nga 'no, 'di ko napansin," sabi ko tapos pagtingin ko sa screen, pangalan ng Tita ni Ken ang nakalagay, bakit kaya?

"Ano po? Lumayas po si Kenneth?" hindi ko napigilan na mapasigaw dahil sa gulat.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now