Chapter 11 [Part 2/2]

Start bij het begin
                                    

“Di pa eh.”

“Ah, sige. Magluluto muna ako.”

“Marunong kang magluto, bro?”

“Naman! Ako pa!”

“Sige. Magyabang. -_-“

Ayun. Nagluto yung Terry guy. Hmm… sino nga ba yun? Pero familiar yung name niya eh. Hmm…

 

“Hun…”

“Yes, Beh?”

“Sino ba yun?”

“Si Terry. Best friend ko nung high school. Classmate ko nung first year at third year. Kilala din siya ni J-Jerika.”

“Ah…” Siya pala si Terry!! Siya yung isa sa mga kaagaw ni Drake kay Jerika. In fairness, gwapo siya. Kaso… bakit siya nagpuntang London? Tapunan ban g mga binasted ni Jerika ang London? :)))) Lakas ng best frined ko ano? Yung dalawnag binasted niya nagpuntang ibang bansa. Affected yata. So that means…

No. Mahal ako ni Lucas ano! :P Tsaka kaya kami umalis for educational purposes but… a part of the reasons is to move on. To move on… to move on… to move on from what?

Haaay. Bahala na lang. Basta ang alam ko, magsisimula ulit kami dito. Period.

4 months later...

Ang bilis ng panahon. Parang minadali ang lahat ng bagay. Ehhh... ganon eh. :P

Uhm... ayun.

Nag-aaral na kami!! Hohoho. :))))))

BS Chemistry with Management yung course niya, sa akin naman MBBS Medicine. Parehong 4 years courses yung tine-take naming. Sa ngayon, si Terry yung nagpapa-aral sa amin kasi may kumpanya sila dito sa London. Isa pa, hawak nung kumpanya nila yung scholarship naming so... every Saturday, nagta-trabaho kami sa company nay un. Nakakahiya naman kung hindi di ba? :))))))

Oo nga pala. Sa Imperial College – London kami nag-aaral. Si Terry din dun. Pero third year na siya doon. Civil and Environmental Engineering yung tine-take niya dun. Share. :P

Okayyyy. Ang dada ko. Pauwi na kasi kami ni Lucas. Pabalik na kami sa hotel. Ang weird nga eh kasi ang tahimik niya.

Nakatulog kasi. -_-

Ewan ko ba sa kanya. Palagi na lang siyang pagod. Kahit na kumpleto naman tulog niya. 6 hours na nga lang kami sa school eh. Kaya marami pa kaming oras para magpahinga. Ewan ko ba sa kanya. Parang palagi na lang kulang yung tulog niya, kahit na dapat kumpleto naman yun. Minsan ang hirap pa gisingin. Ayyyy, malapit na pala kami... :|

Forever Took So SlowWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu