3: Unprepared

1.9K 94 4
                                    

Okay crap!

Among all the vampires here in our mansion I am the only one who doesn't hate Apollo... but not anymore! I'm starting to hate him now more than anyone else here!

How could he kidnap me like that?!

Hindi ko aakalaing ganon na lamang ang magiging una naming pagkikita! Nakakainis!

"Meow!" napabuntong hininga nalang ako nang tignan ko ang batang pusa na nakapatong ngayon sa ibabaw ng kama ko.

"Anong nangyari sa'yo Sun?" nakasimangot kong sambit.

Matapos maglaho ni Apollo sa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, buti nalang dinala ako pabalik ni Artemis sa mansyon nang hindi namamalayan ng mga kapatid ko at lalong lalo na ng ama ko.

Binalik niya ako kasama ang alaga ko na ngayon ay isa nang bata. Binigyan niya pa ako ng supply ng gatas para raw ipakain sa alaga kong si Sun na ngayon ay isa nang batang pusa.

"Ugh! Nakakainis!" singhay kong muli.

How could he turn my pet into a kid?!Napasinghay nalang ako habang tinitignan ang enosenteng mukha ni Sun.

"Maria Clara!" boses ni Victoria na halatang may hinahanap na naman.

Agad kong tinabunan ng kumot si Sun at tinago sa loob ng cabinet ko. Mahirap na at baka makita ni Victoria, oa pa naman ang babaeng ito.

"What?!" inis kong tanong nang unahan ko nang buksan ang aking pinto at walang ganang tinignan ang kapatid ko.

"Hinahanap ka ni ama," agad naman itong tumalikod at umalis.

Nakakainis! Ano na naman ang meron ha?!

Agad akong bumaba nang makaalis si Victoria. Ano naman ang kailangan ni ama sa akin?! Minsan niya lang naman akong pinapatawag ah. Nakakalabas lang naman ako ng silid ko sa tuwing kumakain kaming lahat.

Bahagya akong nag-iisip kung bakit habangnaglalakad patungo sa kaniyang silid.

Dahandahan kong pinihit ang pinto nang makarating ako. Ayaw ni ama sa ingay kaya kailangan ko itong dahanin.

"Maria Clara!" agad akong nagulat nang marinig ko ang aking pangalan sa napaka-maawtoridad na boses ni ama.

Ano ba kasing nangyari?

Nakayoko ako at dahandahang naglakad papunta sa mesa ni ama. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot. Ano bang nagawa ko at pati ang mga kamay ko ngayon ay nanginginig? Ramdam ko ata na galit si ama.

"Ano ang ibig sabihin nito?!"

Nagulat ako nang biglang tumama sa aking mukha ang napakaraming papel.

"Anong klaseng anak ka?!" muling sigaw ni ama nang itapon pa sa akin ang napakaraming piraso ng papel na nasa kaniyang mesa.

"A-ama?" nauutal kong sambit nang makita kung ano ang mga papel na iyon.

"Liham at tula para sa haring si Apollo?!" sigaw pa ni ama at pinunit ang iba pang papel na malapit sa kaniya.

T-teka?! Paanong?! Paanong napunta rito kay ama ang mga papel ko? Paanong nasa kanya ito?

"May mga larawan ka niya at pininta mo mismo ang mga iyon?!"

Ngayon ay walang mapaglagyan ang aking kaba. Pakiramdam ko ay nanginginig na sa takot ang buo kong katawan. Ngayon ko lang nakita si ama na magalit na ganito.

Sa bunso niya pang anak. He must be so disappointed.

"A-ama," ang tangi kong sambit na may piyok na boses.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now