5: The Followers

1.6K 81 8
                                    

This place is a bit weird for me.

Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ito pero sa tingin ko ay maganda at ligtas ito para sa akin.

Hindi ko akalaing marami pa palang bampirang kagaya namin sa lugar na ito at lahat ng mga bampirang nandirito ay hindi manlang naaapektuhan ng sikat ng araw.

Kakalipat ko palang rito kaya naninibago pa ako. Nakatalukbong pa ako ng itim na babalot talaga buo kong katawan, may kaunting takot kasi akong nararamdaman at pagkasilaw.

Hindi ko pa nakikita ang kapatid ko at heto ako ngayon sa harapan ng isang malaking pinto hawak ang papel na bigay ni Apollo.

Invitation, huh?! Wala namang nakasulat!

Sabi sa akin nina Demetrius dito ko lang daw makikita si Apollo. Kainis. Ibabalibag ko talaga siya sa oras na makita ko siya. Kumukulo pa ang dugo ko sa kanya.

Kakatok na sana ako nang bigla nalang bumukas ang pinto.

Ugh!

"You don't need to knock the door baby, I've been waiting for you here."

"Baby what?!" inis kong sambit habang padabog na naglalakad papasok.

Nakatayo lang si Apollo sa gilid ng malaking silid na ito na parang isang malawak na opisina.

Nakatanaw siya sa labas ng napakalaking bintana. Nakikita ko ang kaniyang mukhang nadadaplisan ng araw. Ah, siya nga pala ang araw.

"You're the youngest daughter of Selene. I must call you baby."

"Corny as crap!" reklamo ko.

Bahagya nalamang natawa si Apollo at nilagok ang hawak niyang baso ng alak. Ugh, that's kinda hot but I don't care.

"Take off your black coat, you're safe in my place."

Napasinghay ako. "I have trust issues."

Agad namang nagtagpo ang kilay ko nang bigla nalang tumawa ng malakas si Apollo.

"Come on, Selena."

"Selena?"

Ewan ko ba sa lalaking ito. Kung ano lang ang bastang tinatawag sa akin. Hindi ko matansya ang timpla niya.

Napalunok ako sa aking kinatatayuan nang biglang maglakad si Apollo papalapit sa akin.

"You love writing right?"

Napaiwas ako ng tingin.

"Why?"

"I want you to write for me."

Write for him? Aba!

"Take this."

Napatingin ako sa inabot niyang libro sa akin. It looks like an ancient book.

"I want you to rewrite the universe, Selena."

Agad kong binuklat ang makalumang librong hawak ko ngayon.

Sa unang pahina ay nakaguhit ang magkatabing araw at buwan. Sa pangalawang pahina naman nito ay ang mga bituin at sa ikatlong pahina ay ang nakaguhit na larawan ng lugar na ito. Blangko na ang nalalabi pang mga pahina.

"You mean, I'll be writing in this book?"

"Exactly!"

Ano naman ang gustong mangyari ng lalaking ito?

"For what?"

"For my readings, I want you to write in that book and update me everyday."

"Ano naman ang kapalit?"

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now