36: Yuino In Demons Shrine

827 50 9
                                    

A Japanese Wedding Tradition

YUINO

"Ang higpit naman ng pagkakatali niyan Victoria!" Reklamo ni Victorina sa kan'yang kakambal habang sinusuotan nila ako ngayon ng puting Kimono o Shiromuku.

Kagaya ng tradisyonal na kasal ng mga Hapones sa Silangan ang gaganaping kasal namin ni Philip.

Tahimik lamang ako habang nakakuyom.

"Malalim ata ang iniisip mo, Maria." Nag-aalalang bulalas ni Victorina nang tignan n'ya ang aking mukha.

"Parang pasan mo ang buong mundo."

Napapikit na lamang ako. Totoo bang wala akong magagawa ngayon dahil ikakasal na nga kami ni Philip?

"Alam naming magiging mabuting asawa sa iyo ang lalaking pakakasalan mo. Ang inang buwan mismo ang pumili sa kan'ya."

Mapait akong ngumiti at tumango. If this is my fate, I don't know if I have to accept this or not.

I've heard the story of my vampire parents, Selene and Ambrogio last time. If I try to sacrifice a lot of things like what Ambrogio did, will I be able to live a happy life with Apollo?

Napalunok ako at bahagyang napatingin sa aking palad kung saan nakatatak ang simbolo ng araw ni Apollo. We have an agreement.

Sumulat ako sa kan'ya kanina sa librong iyon.

"Maiwan kana namin. Maghintay ka lang ng pagtunog ng gong sa labas. Iyon ang magiging hudyat mo."

Pareho akong hinalikan ni Victorina at Victoria sa aking pisngi bago sila lumabas ng silid.

Ugh! Ang kampal naman ng kimonong ito, masyado akong balot. Kulang nalang ay malagutan ako ng hininga sa higpit din ng pagkakatali ni Victorina at Victoria.

Tinignan ko sa gilid ng silid ang kahon na bigay sa akin ni Hermes bago paman ako kunin ng aking Ina at dalhin sa kahariang ito ng mga demonyo.

Lumapit ako at binuksan ang kahon. Kinuha ko ang plautang bigay sa akin noon ni Apollo at inipit iyon sa laylayan ng aking kimono. Kinuha ko rin ang gintong gunting na bigay sa akin ni Nyx noong gabing naligaw kami ni Apollo sa kan'yang kagubatan.

Napangiti na lamang ako ng mapait nang marinig ko ang malakas na tunog ng gong sa labas. Ang tunog na tumatawag sa akin na totoong gaganapin na nga ang kasal sa gabing ito.

Itinago ko rin sa aking kimono ang gunting na iyon at lumabas.

When I slide the shoji, it was the face of Maureen and Primo who greeted me.

"Maria, itatakas ka namin ngayon!" Natatarantang saad ni Maureen at agad na hinawakan ang aking kamay.

"Maria, humingi na kami ng tulong kay Artemis kaya hahayaan niya tayong makalabas ngayon sa kahariang ito." Dagdag pa ni Primo.

"Ano?! Walang Olympian ang makakapasok sa lugar na ito, paanong?!" Buong pagtataka kong tanong sa aking mga kapatid.

"She'll guide us. She---"

"Maria, what's taking you so long here?" Unti-unti kaming napalingon kay Ama nang bigla nalang siyang dumating.

"A-ama?" Bakas sa boses ni Maureen ang pagkagulat at takot.

Halatang nanginginig siya't kinakabahan.

"Tignan ninyo ako sa aking mga mata, Maureen at Primo. Akala ba ninyo ay maiisahan ninyo ako? Humingi pa kayo ng tulong sa diyosang matagal ko nang sinasamba?!"

Agad na umakyat ang kaba sa aking dibdib nang pagtaasan ng boses ni Ama ang aking mga kapatid. Ambrogio is furious right now.

"Nandito tayo upang putulin ang sumpang dala ng inyong kapatid at kung anong kahibangan ang naiisip ninyong dalawa." Nakita ko ang nakakatakot na pagngisi ng aming ama at ang pag-iling nito nang ilabas niya ang isang maliit na patalim.

"A-ama?" Kinakabahan kong saad.

Nilayo niya ako kay Primo at Maureen na ngayon ay takot na takot at nanginginig.

"A-ama, nagkakamali p-po---" Wika ni Primo ngunit hindi sila pinapakinggan ngayon ng aming ama.

"Gusto ko sanang subukan ang patalim na ito na regalo pa ng hari ng angkan ng mga demonyo."

Agad akong napaatras nang walang pag-aalinlangang tinusok ni Ama ang patalim sa leeg ni Maureen at Primo dahilan upang bumagsak silang pareho sa sahig at habang umaagos ang dugo.

Nagawa iyon ni Ama?!

Hinahabol ko ngayon ang aking hininga dahil sa kaba. A-anong nangyayari?

Napatingin ako kay Primo na ngayon ay pinipilit parin ang sarili na bumangon.

"M-Maria--" nanghihinang sambit nito sa aking pangalan.

"Ang lyre ni Apollo..."

Namilog ang aking mga mata nang banggitin niya ang tungkol sa lyre ni Apollo.

"Primo!" Tawag ko sa kapatid ko ngunit agad na hinila ng aking ama ang aking mga kamay upang umalis.

"Ang lyre ni Apollo, putulin mo ang tali ng relasyon... Putulin mo ang---"

Hindi ko na narinig pa ang sunod pang sinabi ni Primo nang makalabas kami ni Ama.

Pinatay niya ang kapatid kong si Primo at Maureen.

Sumalubong sa amin sa labas ang tugtog na nagsasabing nandito na ang babaeng ikakasal.

My father, Ambrogio walked me to the shrine where my groom is waiting, wearing a black kimono or montsuki.

Every eyes here is with me. Nanginginig parin ako dahil hindi mabura sa aking isip ang nangyari kanina. Ang ginawang pagpatay ng aking ama sa dalawa kong kapatid.

Sinalubong ako ni Philip at hinawakan ang aking kamay, sabay kaming naglakad sa templo kung saan kami ikakasal.

Totoo ngang nangyayari ito.

Napalingon ako sa gawi kung saan nakaupo ang ama ni Philip, ang hari ng angkan ng mga demonyo at agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ang bitbit niya ngayon.

Hawak ng kan'yang kamay ang lyre ni Apollo. Hindi ako nagkakamali, ang bagay na iyon ay ang lyre ni Apollo.

We're about to greet the priest who will let us drink the nuptial cups for us to be legally married when the crowd went obstreperous.

Nabaling ang tingin ng lahat sa hari, sa amang hari ni Philip na ngayon ay umuubo ng maraming dugo at parang magkakaroon ng atake sa puso.

What's happening?!

The crowd of the demon kingdom went wilder when some of the demons near the King starts coughing blood as well.

"A-anong nangyayari?!" Naguguluhang tanong ni Philip at akmang tatakbo na patungo sa kan'yang ama pero pinigilan siya ng lalaking dapat ay magkakasal sa amin.

The shaman is looking seriously at the scene.

"Kailangan kong lapitan ang aking ama! Kailangan kong makalapit sa hari upang tignan siya!" Diin pa ni Philip.

"This is a plague. A plague sent by an Olympian." Seryosong bulalas nito.

Marami ngayon sa lugar ang umuubo ng dugo at nanghihina ngayon.

A plague?

"What do you mean?!" Nagtatakang tanong ko naman sa Shaman.

"A plague sent by the Olympian god. The Olympian who went here the last time and kissed you."

Napalunok ako. Apollo sent a plague here in the Kingdom of the demon and it is attacking them in just a snap.

Nais niya bang ubusin ngayon ang lahi nila?!

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now