34: The Lyre

896 48 8
                                    

34: The Lyre of Apollo

Ilang libong taon na ang nakararaan, ang sanggol na si Hermes at ang kan'yang inang si Maia ay magkasamang nakatira sa loob ng yungib sa paanan ng bundok.

Nang makatungtong ang sanggol sa edad na kaya na niyang maglakad ay abot langit na ang kapilyohan at kakulitan nito.

Isang araw, tumakbo ang sanggol na si Hermes sa damuhan at nakakita ng kaha ng patay na pagong. Sa labis na tuwa niya ay inuwi niya ito para gawing laruan, nilagyan niya ng maliliit na butas ang gilid ng bahay ng pagong at binutasan ang gitna nito na at ginawang guwang.

Nilagyan niya ng sinulid ang dulo ng magkabilang butas at doon ay nakagawa ang sanggol ng lyre. Ang kaunaunahang lyre sa buong kalawakan. Isang napakagandang tugtog ang nagagawa ng instrumentong ito.

Isang gabi, nais maglaro ng sanggol. Lumabas siya sa kan'yang kuna na hindi nahahalata ng kan'yang Ina upang maglaro sa labas. Sa isang maluwag na pastulan ng nakatatanda niyang kapatid na si Apollo naglaro ang bata sa ilalim ng buwan. Ninakaw niya ang limampung puting baka ng kapatid at sinakyan ito at magiliw na naglaro. Buong gabi ay mag-isa siyang naglibang habang nakasakay sa puting baka.

Isang magsasaka ang nakakita sa sanggol na naglalaro kasama ang mga baka. Hindi siya makapaniwala sa kan'yang nasaksihan. Walang batang ganoon ang edad na kayang maglaro sa limampung baka ng mag-isa sa ganoong oras.

Magbubukang liwayway na nang bumalik si Hermes sa kanilang kweba at natulog pabalik sa loob ng kan'yang kuna na para bang hindi siya lumabas magdamay.

Nang araw na iyon ay napagpasyahan ni Apollo na bumaba sa lupa upang kamustahin ang kan'yang mga baka sa pastulan. Naabutan niya ang nagkakagulong pastulan at ang nawawala niyang limampung bilang ng mga puting baka.

Nakita ni Apollo ang magsasaka at nagtanong. Sinabi sa kan'ya ng magsasaka ang tungkol sa nasaksihan niyang batang naglalaro sa ilalim ng buwan habang nakasakay sa puting baka, kasama pa ang ilan pang bilang nito.

Agad na nag-alburuto sa galit si Apollo. Ang tanging sanggol na alam niyang kayang gawin ang bagay na iyon ay ang kapatid niyang si Hermes.

Nagtungo siya sa kweba at naabutan ang sanggol na mahimbing na natutulog sa kan'yang kuna.

"Hermes! Gumising ka!" Galit sa saad nito sa nakababatang kapatid.

Bahagyang kinusot ng sanggol ang kan'yang mata at tinignan ang kapatid.

"Bakit Apollo?"

"Anong ginawa mo sa aking pastulan kagabi at saan mo dinala ang limampung bilang ng puting baka?"

Nag-iwas ng tingin ang sanggol at enosenteng sinabing. "Hindi ko alam kung ano ang baka at hindi ko rin alam ang tungkol sa tanong mo."

Hindi na makapagtimpi si Apollo kaya napagpasyahan niyang dalhin ang kan'yang kapatid sa ama nilang si Zeus sa Olympus.

Sa harap ng trono ng kanilang ama ay nagkaroon ng bangayan ang magkapatid.

"Hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi ni Apollo!" Sumbong ng sanggol sa ama nila.

Ilang beses nang tinanggi ng sanggol ang paratang ng kapatid na ninakaw niya ang mga baka.

Bahagyang natawa si Zeus nang kindatan siya ng sanggol habang nagsisinungaling ito. Alam na niya ang kapilyohan ng anak.

Nilabas ng bata ang kan'yang lyre at nagsimulang tumugtog. Ang hawak na instrumentong musika ng bata ay nagbigay ng napakasarap sa tengang tugtugin. Maging ang iba pang diyosa at diyos sa Olympus ay namangha sa lyre ng sanggol.

Dahil doon ay napagpasyahan ni Apollo na kunin sa sanggol ang lyre na sinasabing katumbas ng limampung nawawalang puting baka.

Kung ibibigay iyon ng kapatid ay hindi na niya iuungkat pa ang tungkol sa pagnakaw nito ng mga baka.

Magalak at buong pusong binigay ng nakababatang kapatid kay Apollo ang kan'yang lyre.

Kapalit nito ay ginantimpalaan siya ni Apollo. Binigyan niya ng isang kulay gintong wand na kung tawagin ay caduceus, na may kapangyarihang taglay.

Ito ay naging simbolo ni Hermes. Ang caduceus ay ang hawak niyang wand na may dalawang gintong ahas ang nakapulupot at may mga pakpak sa dulo nito.

Ginawa rin niyang tagabantay ng pastulan ang kapatid.

Simula nang araw na iyon ay naging masmalapit magkapatid sa isa't-isa.

34: The Demon and the Vampire who Stole The Lyre of Apollo

Ang mga demonyo ay gumagawa ng gulo sa lupa.

Hindi lamang sila ang gumagawa ng gulo sa sangkatauhan, dahil kayang kaya rin nilang patayin ang lahi ng mga bampira.

Isang demonyong lalaki ang nahulog at umibig sa isang bampirang babae.

Dahil sa sumpang mayroon sila ay hindi sila maaaring magsamang dalawa. Malabong magkaroon ng ugnayan ang isang demonyo at isang bampira.

Nais nilang gawin ang lahat ng paraan makapiling lamang at mahagkan ang isa't-isa.

Dahil sa labis na kagustuhan ay nagtanong sila sa isang makapangyarihang mangkukulam.

Ang tanging sagot upang matuldukan ang kanilang suliranin ay ang lyre ni Apollo.

Ang lyre na simbolo ng pagmamahal, at matinding ugnayan nila ng kapatid nitong si Hermes.

Ang kapangyarihan ng kanilang matibay na ugnayan na nasa lyre ang siyang magtatapos sa sumpa sa pagitan ng dalawang demonyo at bampira.

Kapag nakuha nila ang lyre na iyon ay maaari na silang magkasama. Maaari narin nilang mahagkan ang isa't-isa ng hindi napapahamak.

Dahil sa labis na pagmamahal sa katipang bampira ay nagawang nakawin ng lalaking demonyo ang lyre ni Apollo.

Ang pinakainiingatan niyang lyre na itinago pa niya sa isla ng Asteria kung saan sila pinanganak ng kan'yang kakambal. Sa isang isla na malayo sa mga Gryego.

Matagumpay na nanakaw ng demonyo ang lyre na ito at itinago sa kanilang kaharian. Ang kaharian nilang may malaking harang kung saan ang lahat ng mga Olympian ay hindi kayang pumasok.

34: Maria Clara

Kailangan kong makuha ang lyre ni Apollo gaya ng sabi ni Hermes. Saan ko kaya mahahanap ang bagay na iyon?

"Maria Clara!" Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ng kapatid kong si Margaritha nang makabalik akong muli sa aming mansyon.

Humihikbi ito sapagkat hindi siya makapaniwala sa aking ginawa sa kanilang harapan noong nasa kaharian kami ng mga demonyo.

Nandito ako ngayon sa loob ng aking silid.

"Totoo bang katipan mo na ang Olympian na si Apollo?" Labis na nababahala niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin sa aking kapatid bago tumango. Ano bang iniisip nila sa akin ngayon? Isa na ba akong tampalasang bampira, kapatid at anak sa kanilang mga mata?

"Paano na iyan? Ikakasal ka sa isang demonyo?" Napalingon ako sa kapapasok lang na kapatid kong si Primo.

Napagat na lamang ako sa aking ibabang labi at tumungo.

"Ayokong ikasal kay Philip!" Sumbong ko sa kanila.

Niyakap akong muli ni Margaritha.

"Naiintindihan kita, Maria."

Narinig ko ang pag-lock ni Primo sa pinto ng aking silid kaya naman naiangat ko ang aking paningin para tignan siya.

Napatingin akong pareho sa kanila ni Margaritha.

"B-Bakit?" Buong pagtataka kong tanong.

Hinawakan ni Margaritha ang aking kamay at ngumiti.

"Tutulungan ka naming makatakas sa kasal, bunso." Nakangiting bulalas nito.

T-Tutulungan nila akong makatakas sa kasal namin ni Philip? Paano?

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now