10: Laurel

1.2K 85 15
                                    

Pareho kaming tahimik ngayon ni Apollo habang nakaupo sa gilid ng lawa malapit sa isang tulay. Simula nang tanungin ko siya kanina tungkol kay Daphne ay hindi na siya masyadong nagsalita.

Ano bang mali tungkol don?

Nahihiya narin tuloy akong magsalita.

Hindi ko alam kung paano basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"It's not like what you think it is," napatingin ako sa kaniya nang magsimula siyang magsalita.

"I'm sorry for asking nonsense sh*t."

"That wasn't nonsense sh*t, Maria. You were asking ab---"

"I was asking about your beloved who---"

"Please, stop," he begged with calmness on his voice. Okay, seems like I'm making this worst.

Muli ay naitikom ko ang aking bibig. I didn't know he's still sensitive as this when it comes to Daphne.

Masyado nang matagal ang bagay na iyon. Hindi pa nagiging alipin ni Apollo ang ina kong si Selene ay nagyari na ang nangyari sa kanila ni Daphne. And why do I even bothering right now?

Tumayo ako.

"Thank you for spending your time with me. I love the dress you gave," akmang aalis na ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko dahilan upang mapahiyaw ako sa sakit.

"AAAH!"

Agad niyang binitawan ang aking kamay at tumayo para tignan ako na may pag-aalala. Napatingin ako sa singsing na suot niya sa kaniyang daliri.

Ang sumpa sa amin ni Artemis. A vampire's skin will get burned once it touches a single piece of silver.

Sobrang sakit ng pagkakapaso ng singsing ni Apollo sa kamay ko.

Agad niyang hinubad ito sa kaniyang daliri at itinapon sa tubig.

Hindi ko maiwasang maiyak. Nalilibang ata ako masyado kay Apollo at parang nakakalimutan kong siya ang dahilan kung bakit naghirap ang buo kong angkan sa loob ng napakahabang panahon.

Hindi ko mapigilan ang hindi maluha at makaramdam ng galit habang nakatitig sa lalaking ito. Naramdaman ko ang lalong pagtulis ng aking mga kuko at ng aking pangil.

"Maria Clara," tawag nitong paulit-ulit sa aking pangalan. Inaamin kong ang kaniyang tinig ay parang musika sa aking pandinig ngunit nangingibabaw ngayon sa puso ko ang galit.

Nararamdaman ko ang pananalaytay sa aking dugo ng matagal ng galit ng aking angkan sa lalaking ito. Naramdaman ko ang pagpapalit ng kulay ng aking mga mata, mula sa itim ay namula na ito kagaya ng nangyayari sa amin tuwing bilog ang buwan.

Ilang segundo lang ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Naguguluhan ako, gusto kong gumanti sa lalaking ito.

Gusto ko siyang patayin. "Papatayin kita Apollo," paulit-ulit kong sambit.

Tahimik lamang si Apollo na nakatitig sa akin. He stare at me intensively witb his cold and deep eyes. How could he look at me like that?

Hindi ko na mapigil ang aking pagluha kaya naman napagdesisyonan kong tumakbo palayo sa kaniya. I might kill him if I continue staring at him like that.

I am a vampire, I'm not supposed to stare Apollo like that. He is the sun and main reason of my family's eternal curse.

Kahit anong gawin ko ay hindi na pala talaga mawawala ang galit na nananalaytay sa aming dugo. Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may makabangga akong isang babae.

Tumilapon sa lupa ang bitbit niyang mga pulang rosas. Napatingin ito ng may pag-aalala sa akin.

"Ayos ka lang ba---" hindi natuloy ang tanong ng magandang babaeng iyon nang tignan niya ako ng may takot sa kaniyang mga mata.

Bakit? Nakakatakot ba ako?

"Psyche," tinulungan siyang makatayo ng lalaking lumapit sa amin at agad na pinagpagan ang mahaba at kulay pula niyang kasuotan.

"Eros, tignan mo---" sumbong ng babae sa lalaki at agad akong tinuro.

Isang gulat na ekspresyon ang gumuhit sa mukha ng lalaking iyon.

"Daphne?" nagtatakang tanong nito.

Napalunok ako nang tawagin niya ako sa pangalan ng dating babaeng minahal ni Apollo. Bakit niya ako tinawag sa pangalang iyon?

Tumayo ako para sana umalis nang bigla rin nitong hawakan ang aking kamay dahilan upang mapasigaw akong muli sa sakit.

"AAAH!"

Napatingin ako sa suot niyang pulseras na pilak na siyang dalahan para mapaso ang aking balat. Dahil dito ay napagtanto kong tama nga si Ama. Hindi kami dapat na makisama sa ibang mga nilalang dahil maaari namin itong ikapahamak.

Lalong nagginit ang dugong nananalaytay sa akin ngayon. Gusto kong pumatay, gusto kong maghiganti.

Tumakbo ako sa lugar na maraming mga nagtitipon. Gusto kong makaalis rito.

Tumakbo ako at nagtago sa isang maliit at madilim na eskinita at niyakap ang aking sarili. Anong nangyayari sa akin?

Hindi mapigil ang aking sarili ngayon.

Mayamaya lang ay may narinig akong yapak ng isang lalaking papalapit sa kinatatayuan ko at bigla nalang akong niyakap.

"Sssh! Wag kang mag-aalala at magiging maayos din ang lahat, bunso," agad na gumaan ang aking loob nang marinig ko ang boses ng kapatid kong si Demitri na nakayakap sa akin ngayon.

"Gusto kong gumanti, Demitri. Gusto kong patayin ang lalaking dahilan kung bakit tayo nangdurusa hanggang ngayon. Gusto ko siyang patayin ngunit--- masyado siyang makapangyarihan."

Hinaplos na lamang ni Demitri ang aking buhok habang ako naman itong humihikbi habang nakayakap sa kaniya.

"Balang araw ay maiintindihan mo rin ang lahat bunso. Wag mo siyang masyadong kasuklaman."

Mayamaya ay naramdaman ko ang paggaan ng aking loob. Kumalas ang kapatid ko sa pagkakayakap sa akin at agad na tinignan ang aking palad kung saan nakaguhit ang tatak ng aming kontrata ni Apollo. Ang araw na nasa aking palad.

"Hindi ko akalaing ganoon mo na lamang kadaling nakumbinsi ang araw na si Apollo."

Nakangiting hinaplas ni Demitri ang aking mukha at pinahirahan ang aking mukhang basangbasa ngayon dahil sa aking luha.

"Ililigtas mo ang ating angkan mula sa pagkakati natin sa sumpa ng ating mga magulang."

"Demitri..."

"Maaari bang huwag mong kasuklaman si Apollo?"

"Hindi ko po siya kinasuklaman. Nakaramdam lang ako ng kakaibang pakiramdam kanina."

"Balikan mo si Apollo, bunso. Hinihintay ka niya ngayon hardin ng lugar na ito."

Kagaya ng sinabi ni Demitri sa akin ay bumalik nga ako sa lugar kung saan ko iniwan si Apollo kanina. Takipsilim na at hindi parin natatapos ang kasiyahan sa buong lugar. Magiliw parin ang bawat indak at ang mga nakakaaliw na mga tugtugan.

Nang makarating ako sa lugar na iyon ay hindi nga ako nabigo. Nandito pa nga si Apollo, nakatayo habang nakatitig sa tubig.

"Uh-- may hinihintay ka ba ngayon?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Paano mo nagawang pigilan ang sarili mo kanina?" tanong nito.

Pumakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumitig sa tubig kung saan makikita ang repleksyon ng kalangitang pinapaganda ng mga bituin.

"Natatakot ako dahil ikaw si Apollo."

"Natatakot din ako dahil ikaw si Maria Clara," napatigil ako sa sinabi ni Apollo at nabaling ang aking mga mata sa kaniya.

"Bakit?"

"Ikaw ang aking kahinaan."

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now